"Sorry kung napagod ako... sorry kung nagsawa ako," mahina kong sabi. "I did my best. Inubos ko ang sarili ko bago ako sumuko. Kaso no matter how hard I tried to save you from pain and heartbreaks, ikaw mismo ang lumalapit doon. Ikaw 'yong balik nang balik. Paano naman ako kung bigay ako nang bigay pero binabalewala mo lang?"
It's hard to forgive but it's harder to carry your baggages wherever you go. I just wanted a peace of mind kaya kahit mahirap, pinatawad ko si Aaron. Wala ring namang dahilan para hindi gawin 'yon. After all, he was the best friend. Ang dami kong natutunan sa kanya. Kahit nasaktan niya ako, hindi ko maipagkakaila na pinasaya niya ako. 'Yon nalang 'yong ginawa kong dahilan para mapabilis ang pagtanggap ko sa nangyari.
"So okay ka na? Okay na kayo?" Tanong ni Ara.
"Yup. Masaya na rin ako," kompiyansa ko.
"Halata naman sa'yo na masaya ka na."
"I am happier. Masarap sa pakiramdam na may pinatawad kang tao. Kasi ang pagpapatawad, hindi lang 'yan para sa taong pinatawad mo kung 'di para na rin sa'yo. Pinalaya mo ang sarili mo sa sakit na dulot ng nangyari. Pinakawalan mo ang sarili mo sa kulungan ng galit at sama ng loob."
"'Yon nga eh. Ang tapang mo sa part na 'yon. You're brave enough to let him go and to set yourself free from pain, guilt and regret. Masayang masaya ako para sa'yo!" Ngumiti siya.
Ngumiti ako.
"Akala ko hindi ko kaya. Kasi sobrang special talaga ni Aaron sa'kin. 'Di ba nga gusto ko siya? Tapos gusto kong nasasandalan niya ako, napaglalabasan ng sama ng loob. Kasi sino ba ang gagawa ng 'yon sa kanya kung 'di ako? Sabi niya kasi wala talaga siyang napagsasabihan ng problema. Ayoko namang mangyari sa'kin 'yon kaya I did my best to be there for him."
"Girl, may darating din na tamang lalaki para sa'yo. Sometimes God removes people from our lives kasi 'di sila healthy for us. Kapag alam ni Lord na masisira ka lang sa taong 'yon, gagawa siya ng paraan. Alam mo mga tao ngayon? Masyadong mapilit. Ayaw nilang bumitaw kaya ang gagawin ni Lord, gagamitin niya 'yong taong 'yon para pukawin ka hanggang sa no choice ka na kung 'di ang bumitaw. Isa pa, you're more precious than rubies. You are fearfully and wonderfully made by God. You are His masterpiece. Kung hindi man nakikita ng isang tao ang halaga mo, si Lord kitang kita Niya. Kasi Siya ang gumawa sa'yo. You are designed to honor and serve Him, not people."
"Thank you so much, Ara. Sobra akong nagpapasalamat kasi kaibigan kita. Ikaw 'yong naging karamay ko sa mga problema ko. Sobrang tiyaga mong pakinggan lahat ng kwento ko kahit minsan alam ko naman na gusto mo na akong sampalin sa katotohanan."
She chuckled.
"True lang. Pero kasi gusto kong matuto sa sarili mong paraan. Ako naman kasi... 'yong mga sinasabi ko ay kung ano 'yong nakikita ko. I have seen the bigger picture. Ikaw, hindi."
"Kaya nga eh. Kaya thank you ha? You're one of the wonderful people that I met. Sana magtatagal ang friendship natin."
"Oo naman, ano ka ba! 'Di naman ako tulad ni Aaron, 'no!" Umirap siya. Natawa nalang din ako. "Pero yeah. Nandito lang ako para damayan ka. What happened to you is a lesson. Kahit ako natuto sa pinagdaanan mo. Nabuksan din ang isip ko kaya thank you rin kasi pinagkakatiwalaan mo ako. Ako lang 'yong pinagkukwentuhan mo."
Niyakap ko si Ara. Ang saya ng puso ko. Naglaho lahat ng sakit. I forgave people who hurt me and I also forgave myself. Now, I am ready to move forward and never look back. Magfofocus muna ako sa sarili ko, sa pamilya at sa mga pangarap ko. Mas pagbubutihan ko pa ang pagiging mabuting tao, mabuting anak at mabuting kaibigan.
Final exam happened. Ara and I were able to pull through that hell. Pagkatapos ng exam ay gumala kami. Nagpunta kami sa SM Manila at tumambay sa parke na malapit lang din doon.
BINABASA MO ANG
Handang Maubos
General FictionWhen Natasha met Aaron, her life changed. Naging sandigan niya ang binata at ganoon din ang lalaki sa kanya. She tried to fix him but she ended up breaking her own heart. Handa ka bang maubos kahit 'di ikaw ang mahal?