Kabanata 25

120 4 0
                                        

"Mama mo pala 'yon? Ang ganda niya!" Bulalas ni Betty nang sinagot ko ang tanong niya kung sino 'yong babaeng maputi. 'Di niya raw kilala dahil ngayon niya lang nakita.

"Oo," sagot ko.

"Grabe! Kamukha mo nanay mo! Kaya pala maputi ka. Nagtataka talaga ako bakit ang puti mo eh si Tito hindi naman."

"Ano 'yon? Ampon lang ako?"

"Malay mo!" Tumawa siya nang malakas. "Pero kamukha mo Mama mo in fairness."

Nilingon ko ang gawi ni Mama. Abala siya sa pakikipag-usap. Napatingin siya sa direksyon ko. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"Galit ka ba kay tita?" Betty asked.

"Dapat ba akong magalit?"

"Kung ako tatanungin, wala namang rason para magalit. Mama mo pa rin naman siya. Kung ano man ang rason ng pag-alis niya, sila lang nakakaalam ng Papa mo."

Bumuntong hininga ako. Nilingon ko ulit si Mama. Saktong nakatingin siya. She smiled before she turned around.

"Alam mo? Ang swerte mo pa rin kasi may Mama ka. Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para maayos kayo," Betty stated.

"Hindi ko naman kasalanan kung bakit sira ang pamilya ko."

"'Yon na nga 'yon, 'di ba? 'Di mo naman kasalanan. Wala ka ring dapat na pinapanigan. Kung nagkulang man ang Mama mo sa'yo, bumabawi na siya ngayon. Saka hindi lang naman siya ang nagkulang. Ikaw din. Responsibilidad mong maging anak sa kanya. Kahit anong mangyari, Mama mo pa rin siya. Siya ang nagluwal sa'yo. Inalagaan ka niya, hindi nga lang sa paraang gusto mo."

"Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi naman ikaw 'yong nasa kalagayan ko, Betty. Siyempre mahirap mag-adjust. Bigla bigla siyang darating sa buhay ko na parang walang nangyari? Tss."

"Kung ako man ang nasa kalagayan mo, makikipagreconcile na ako sa Mama ko. This is the right time to make up, to make everything right again. And kilala mo si Mama, Natasha. Hindi siya tulad ng Mama mo. Mas malupit 'yon."

Nanahimik ako. I felt guilty for what I had said. Hindi ko naconsider 'yong sitwasyon niya dahil nakafocus lang ako sa sarili ko.

"Kesa naman sa hayaan mong mawala ang Mama mo, Natasha. We all make mistakes. It's just a matter of forgiveness, acceptance and moving forward," wika ni Betty. "Ikaw din... walang sisihan sa huli kasi naging matigas ka. Pero 'di ko sinasabing agad agad ha? Ang akin lang naman is be considerate. Healing takes time pero hanggat hindi mo alam kung kailan ka maghihilom, it will remain indefinite. Alamin mo paano ka maghihilom at kailan. Pero 'yon nga ang sabi ko, hindi naman dapat minamadali 'yan. Tinitimbang pa kasi 'yan."

"Sorry..." mahina kong sabi.

She scoffed at me. "Bakit ka magso-sorry sa'kin? Kung may dapat kang pagsabihan ng sorry ay ang sarili mo."

"Huwag na nga nating pag-usapan 'yan. Ayoko muna. Hindi ko pa kaya."

"Kaya mo naman talaga pero 'di ka lang willing." Tinaas baba niya ang kanyang kilay.

Noong gabi bago ilibing si Papa, wala akong masyadong kinausap. Nakatambay lang ako sa gilid ng kabaong. Nagmuni-muni na naman at sinasaktan ang sarili.

"Pa, aalis ka na pala bukas. Iiwan mo na ako nang tuluyan."

Tahimik akong umiyak. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Iniisip ko pa lang na mailibing na si Papa, nanghihina na ako. Paano pa kaya na wala ng kahit anong bakas niya rito sa bahay? Mag-isa na naman ako.

"Pero... alam ko namang masaya ka na diyan, Pa. Masakit man tanggapin na mawawala ka na nang tuluyan, kailangan kong tatagan ang sarili ko. Kaya pala gusto mo akong matutong tumayo sa sarili kong mga paa dahil alam mong isang araw hindi mo na ako aakayin. Hindi mo na ako magagabayan. Maraming maraming salamat, Pa, dahil ikaw ang Papa ko. Hindi mo ako sinukuan. Salamat dahil kahit ang baba ng tingin mo sa sarili mo, para sa akin ikaw ang pinakadakilang tao na nakilala ko. Matapang ka at mapagmahal. Thank you for supporting my dreams. Even when you're gone now, I'd still dream big for us, Papa. And you will always, always be my number one fan. I love you always, Pa. Pahinga ka na ha? Sure akong kung nasaan ka man ngayon, hindi ka na nagsu-suffer. Wala ng cancer cells na papatay sa'yo. And please... please teach me how to be happy again even without you, Pa. Sobrang laki talaga ng nawala sa'kin. Hindi ko alam kung mapupunan pa ba 'yon. Baka hindi na."

Pagkatapos kong kausapin si Papa ay kinuha ko ang gitara ko. Pinatugtog ko ang paborito naming kanta.

Standing by my window, listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep these sad thoughts to myself
I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go

And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you

Niyakap ko ang gitara at napaiyak nalang. Mamimiss ko talaga si Papa. Bawat paghinga ko'y nasa alaala ko siya. At hindi ko alam kung paano maibsan 'tong sakit na nararamdaman ko. Sana kaya ko. Sana kakayanin ko.

Someone carefully took the guitar from me. Napaangat ako ng tingin. Si Mama pala 'yon na ngayo'y umiiyak. Nilapag niya ang gitara sa tabi ng kabaong at niyakap ako. Napayakap na rin ako kay Mama at umiyak sa kanyang bisig.

"A-Ayoko pa, Ma... ayokong mawala si Papa..." hagulhol ko. "'Di ko kaya."

"Shsh," she shushed me down. "It takes time, 'nak. Pero alam kong kakayanin mo. 'Di lang para sa sarili mo kung 'di para na rin sa Papa mo. Let him be your strength."

Hinarap ko si Mama. Pinunasan niya kaagad ang mukha ko at hinagkan ako sa noo.

"Hayaan mo, 'nak. Darating din ang araw na maghihilom ka. One day you'll be able to accept what you lost and move forward."

"Kailan kaya 'yon, Mama, kung ngayon pa lang 'di ko alam paano umusad."

"Nandito na ang Mama, 'nak," she smiled sadly. "I will help you. Itutuloy natin ang binuo niyong pangarap ng Papa mo. Sa ngayon? Hahayaan muna kitang magluksa. I will be patient hanggang sa ikaw na mismo ang magsasabi na okay ka na. Masaya ka na ulit. 'Yong hindi pinipilit. Walang halong pagkukunwari."

Niyakap ko ulit si Mama.

"Love you, Mama..." sambit ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Mama at narinig ko ang mumunti niyang hikbi.

"I love you too, 'nak. Ang tagal kong pinangarap na marinig 'yan sa'yo."

Napangiti ako. Ang sarap ng yakap ni Mama. Feeling ko kayakap ko na rin si Papa.

Bandang alas diyes ng gabi, dinalaw ako nila Kiko at Betty. But to my surprise, nandoon si Aaron na kasama ang isang babaeng 'di pamilyar sa akin.

Light brown ang kulay ng balat ng babae. Balingkinitan at may mahabang straight na buhok. Nakafloral white dress siya, making her look feminine. Flat sandals naman ang sapin niya sa paa.

"Jackstone!" Sambit ni Aaron.

Napatid ang hininga ko nang ngumiti si Aaron. Hawak niya sa baywang iyong babae. Doon pa lang ay kinutuban na ako.

"Condolence, Natasha," he said sadly.

"Condolence sa'yo, Natasha," the girl said.

"Si Sheba, girlfriend ko," he said to me then turned to his girlfriend. "My, siya si Natasha. 'Yong sinasabi kong kaibigan ni Kiko."

"Hi, Natasha. Nice to meet you," nakangiti niyang bati.

"Nice to meet you. Kumain na ba kayo? Baka may gusto kayong kainin?"

"Okay lang, Natasha. Kumain na rin kami ni Aaron."

"Pasok kayo."

Nauna akong pumasok sa loob ng bahay. It was awkward to meet Sheba tonight. Ganito pa talaga ang set up.

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit mahirap pakawalan si Sheba. May mga katangian sa kanya na kakaiba. Hindi ko matukoy pero kung ako man si Aaron, hindi ko rin pakakawalan si Sheba.

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon