Kabanata 28

104 4 0
                                    

"Pero mabait naman si Ate Sheba. Ang ayoko lang sa kanya ay ang pagiging childish niya. Imagine 25 years old ka na pero daig mo pa ang 10 years old kung makaasta," ani Kiko habang naglalakad kami pauwi. Sabi niya ihahatid na niya ako at kwentuhan na rin.

"Eh baka ganoon talaga siya? Like ganu'n din maglambing?"

"Mali ka diyan, tol. Basta 'di ko ma-explain. 'Di nga niya pinapayagan si kuya na makipagkita sa mga tropa niya."

"Huh? Bakit naman?"

"Malay ko sa kanya. Ang possessive niya. Nakakasakal na rin siya. Tapos lagi niyang pinaghihinalaan si kuya na may kabit. Kung tutuusin, siya 'tong cheater."

"'Di nga?!" Gulat kong bulalas.

"Oo! Cheater 'yan si Ate Sheba. Sadyang mahal lang ni kuya kaya napapatawad niya."

"Eh? Ganu'n ba 'yon?"

"Tanga kasi ni kuya. Ang tanga tanga!"

"Baka mahal lang talaga niya?"

"Kung ganyan lang din naman karelasyon ko, 'wag na, 'tol. If you cheat on me, shame on you. Kung pagbibigyan pa kita ulit ang tanga ko naman."

"You can't tell. Malay mo masyado lang malaki ang tiwala ni Aaron kay Sheba kaya nagagawa niyang magpatawad."

"Pero, 'tol. Mali naman 'yon. Ilang beses na nagcheat si Ate Sheba kasi wala raw time si kuya sa kanya. Naghanap siya ng ibang kalinga tapos ang malupit pa, si kuya ang nagmamakaawa na 'wag silang maghiwalay."

Napatakip ako ng bibig ko sa gulat. I can't imagine Aaron begging Sheba to stay.

"Promise 'di mo magugustuhan si Ate Sheba as a partner ni kuya. Okay naman siya kung siya lang but then when it comes to relationship, ibang usapan siya."

Napaisip ako. Ayokong maniwala hanggat hindi ako mismo ang nakasaksi. Pero kaibigan ko si Kiko. Mas kilala niya rin si Sheba.

Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Nanay Gabbi na naghihiwa ng patatas. Napatingin siya sa akin. Ngumiti naman ako.

"Anong lulutuin mo, Nay?" Tanong ko sa kanya.

"Menudo, 'nak. Gusto mo?"

"Lutong Papa po?" Ngumisi ako.

"Oo naman! Alam ko namang paborito mo 'yon."

"Thank you, Nay!" Niyakap ko siya mula sa likod. "Love you!"

"Love you din, Natasha. Halika. Tulungan mo 'ko magluto para malaman mo sikreto ng Papa mo."

"Sige po!" Masaya kong sagot.

Tinulungan ko si Nanay na magluto ng signature dish ni Papa na menudo. Ngayon ay alam ko na ang sikreto ni Papa. Nilalagyan niya ng tomato sauce kaya manamisnamis at may pagkamaasim.

"Kain na, tay!" Alok ko kay Tatay Kenneth na ngayong nanonood ng palabas. Tapos na kaming magluto ni Nanay at nakahanda na rin ang pagkain.

"Sige sige, 'nak."

Sa hapagkainan, magkatabi ang mag-asawa samantalang nakaupo ako sa tapat nila. Kahit kulang kami, pakiramdam ko'y nandito pa rin si Papa dahil sa niluto naming ulam.

"Ang saya naman ng bunso namin ngayon," Tatay Kenneth teased.

"Masaya lang po ako kasi nakapagluto tayo ng paborito kong luto ni Papa. Sana araw-araw 'to."

"Aba siyempre naman, 'nak. Basta request ka lang."

"Yehey!" Masaya kong bulalas at pumalakpak pa.

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon