Kabanata 21

133 5 7
                                        

Isang oras din ang hinintay namin bago kami hinarap ng doktor. Kita sa mukha niya ang kawalan ng pag-asa.

"Okay na po ba si Papa?" Tanong ko sa doktor.

"Sa ngayon..." she trailed off. Inisa-isa niya kami ng tingin hanggang sa bumaling siya kay Nanay. "Hindi natin masasabi na stable na ang pasyente pero lagi kaming naka-monitor sa kalagayan niya."

"Pero okay na po siya, 'di ba?" Singit ko.

"Sa ngayon kalmado na ang Papa mo," tangi niyang sagot.

Nilingon ko si Nanay Gabbi. Bakas sa mukha niya ang pagkabigo. Lumunok ako ng isang beses at bumaling muli sa doktor.

"Puwede po bang makita si Papa?"

"Sige, hija."

Humigot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako sa 'di maipaliwanag na dahilan. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay makita si Papa. I wanted to make sure that he's stable already.

Pinayagan kami ng doktor na pumasok sa kwarto ni Papa. Pinasuot kami ng disposable hospital gown at surgical mask.

"Pa," sambit ko habang nakahawak sa kamay ni Papa. Naninilaw iyon.

May malay siya pero parang 'di niya ako naririnig. Awang awa ako sa kalagayan ni Papa. Gusto ko nalang umiyak sa sakit. To watch him like this made me feel so worthless. Wala man lang akong magawa para bumuti ang kalagayan niya.

"Pa, laban lang ha? Nangako ka, 'di ba?"

Uminit ang sulok ng mata ko at sa sandali pa'y bubuhos na ang mainit na luha.

"I want you to fight back, Pa. Ayokong maiwan dito. Sino nalang ang mag-aalaga sa'kin? Sino nalang ang ipagtitimpla ko ng kape kahit gabi na?"

Ayoko! Ayokong mawala si Papa! 'Di ko kaya! Ngayon pa lang ay pinapatay na ako ng sakit!

"Magiging okay ka rin, Pa. Just promise me 'di ka aalis. Huwag mo 'kong iwan," umiiyak kong pakiusap.

Naramdaman ko ang kamay ninuman sa balikat ko. Mas lalo akong umiyak. Sobrang bigat ng dibdib ko. Sobrang sakit. Parang hinihiwa nang dahan dahan ang puso ko.

"'Nak, usap tayo sa labas?" Boses ni Nanay iyon.

Nilingon ko si Nanay at si Tatay. Nangungusap ang kanilang mata. Umiling ako at muling bumaling kay Papa.

"Pa... wait lang ha? Saglit lang 'to. Promise," wika ko.

Kahit ayaw kong iwan si Papa, ginawa ko pa rin 'yon. Nag-usap kaming tatlo nila Nanay at Tatay sa labas.

"'Nak, alam mo naman ang sitwasyon ng Papa mo. Kita naman sa kanya na pagod na siya..." mahinahong wika ni Nanay.

"Pero... pero 'di ba mawawala siya habambuhay? Habambuhay na akong walang Papa kung mawala siya? Kung bibitaw siya at susuko?"

Bumuhos ang luha ko. Wala ng katapusan ang pag-iyak ko. Triple ang sakit ng puso ko. Pakiramdam ko'y paulit ulit na tinataga.

"N-Nay..." sambit ko. "Ayoko... huwag naman, Nay."

Umiling iling ako. Ayoko! Ayoko sa gusto niyang mangyari!

"Nak, isipin mo naman ang Papa mo. Araw-araw siyang lalaban at magtitiis sa sakit para lang sa'yo. Kaya mo ba siyang tignan na nagkakaganyan?"

Napatid ang hininga ko. Hinanap ng mata ko si Papa. Kung titignan, nakadilat nalang siya na parang tulala lang sa kawalan. Nagmimistula siyang bangkay na nakadilat.

"Nak... tama na," ani Nanay kaya napalingon ako sa kanya.

Nangungusap ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko at naghead sign na para bang nagmamakaawa. Maging siya ay umiiyak na rin.

Handang MaubosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon