PROLOGUE

2.9K 55 0
                                    

|PROLOGUE|
So I'm secretly married to my sister's fiance?

Siguro'y kung malalaman lang ng Ate ko na sikreto akong ikinasal sa fiance niya'y palagay ko ba ay umuusok na ang bunbunan non. Deserve.

Maldita siya. Mabait ako pag nakapikit. Well, papatalo ba naman ako sa bruhildang 'yon. No way!

Nung nagsabog ng kagagahan sa planetang earth, sinagap niya lahat.

Nung umulan naman ng kagandahan, ewan ko ba, basta tulog ako n'yan, hindi tuloy ako naulanan.

Sikat siyang modelo, pero 'di ba dapat modela kasi babae? Okay pop corn for sale tayo d'yan!

Baka gusto n'yo ng malditang Ate, pa add to cart nalang ang Ate ko. Free shipping pa, don't worry. Garantisadong bruha 'yon 'di na kayo lugi.

Sexy, maganda, diyosa paki-add n'yo nalang sa description ang bruha.

Ako?

Medyo malusog, lampa, tanga, panget, o lahat na. Baka mahirapan pa kayo sa pagbabasa.

Alam n'yo kung saan ko madalas marinig 'yan, nako saan pa nga ba edi sa mabait ko lang namang Ate na si Wendy Yeshia Scott. Taray ng name no?

Screen name lang naman.

Ang totong pangalan n'ya talaga ay Elemita Bukuba Arinola. Jokeee.

"You may kiss the bride." Inginuso ko na ang labi ko sa harapan ng mukha ni Dailez. Hindi na birhen ang labi ko--

"Arta baka gusto mong gumising d'yan!" Iyan ang sigaw na sumira ng panaginip ko.

Narinig ko na naman ang mabantot kong pangalan mula sa bibig ni Mama.

"Nag cellphone ka na naman siguro magdamag! Napaka palamunin mo talagang bata ka!" Bulyaw pa niya sa 'kin. Every morning naman ay ganito ang scenario.

May bago pa ba, pero yung magaling niyang anak na model kuno andoon sa kuwarto niya, for sure himbing na himbing sa pagtulog.

Huwag na kayong magtaka, dahil sa pamilyang ito'y isa lamang akong dakilang sambi. Anak sa buho. Dakilang tagalinis, tagaluto, tagapamalengke, at take note ako ang nagpapaaral sa sarili ko.

Bumangon ako at ginawa na ang lahat. Dahil lunes ay may pasok ako, college life din, working student ako, may tatlong side line every day. Ganon lagi ang ikot ng mundo ko.

"Arta linisin mo yung kuko ko sa paa bago ka pumasok, may photoshoot ako mamaya." Sigaw ni Wendy na lumalamon sa sala.

Ang kapal talaga ng apog ng babaeng 'to.

"Hoy Arta narinig mo bang Ate mo?" Nakakunot noong tanong ng Mama ko na busy sa pagkain ng niluto ko sa lamesa.

"Opo Ma'." Tipid kong saad.

Mag-ina nga kayo. Kumalma ka Artsherine, hindi dapat nila masira ang araw mo kaya pagkatapos kong kumain ng umagahan ay sinunod ko ang utos ng maldita kong Ate na magaling lang kapag may kailangan.

"Gandahan mo ang nail design ha, may date kami mamaya ni Dailez." Sambit pa niya habang nag i-scroll sa cellphone. For sure na picture na naman niya ang tinitingnan niya.

"Maghihiwalay din kayo."

"May sinasabi ka ba Arta?" Isang tingin na may pagbabanta ang ibinato niya sa akin, habang nakaupo ako sa may paanan niya.

"Wala, ang sabi ko'y stay strong sa inyong dalawa," tapos ay binigyan ko siya ng pekeng ngiti.

Nail cutter-rin ko pa 'yang pilik mata niya, tingnan ko kung maka-irap pa siya.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon