Chapter Seven

994 33 0
                                    

Arthsherine Consan Pov'

Sobrang namangha ang mga mata ko sa nakita ko sa kisame ng kuwarto namin, pagpindot kasi ni Dailez ng remote ay dahan-dahang may bumaba na hagdanan doon at bumukas ang medyo malaking square shape sa kisame kung nasaan ang sentro ng hagdanan, may maliit na butas roon at may maliit pang pintuan. Hindi naman kasi ganoon kataas ang kisame sa kuwarto.

"Doon ka sa taas matutulog, diba nga sabi ko sa'yo nagpasadya ako ng Attic." Dail said.

Ibig ba niyang sabihin ay may Attic sa kuwarto namin sa Hacienda Del Luca at pati na rin dito?

Sinubukan kong umakyat sa hagdan at idinungaw ko sa loob noon ang ulo ko, laking mangha ko ng makita ko ang Attic na sinasabi niya. May kutson sa sahig malapit sa pa triangle na bintana, may maliit na flat screen TV sa paanan ng higaan, may round wooden table sa gitna kung saan puwede kong gamiting study table.

Sakto lang din ang taas para makalakad sa loob noon. Tumingin ako sa wall na made rin sa wood, at may hanging white shelves rin roon, tapos ay sa kabilang wall naman merong shelf na puwedeng lagyan ng books or displays.

Color pink na may pagka pastel ang wall, white naman ang kama at sobrang linis tingnan.

Bumaba muna 'ko, mamaya nalang siguro ko aakyat pag matutulog na 'ko. Nakita ko naman si Dailez na nakahiga sa kama at nakapikit na, ang aga niyang matulog ah.

Lumabas ako ng kuwarto at tiningnan ang mga regalong pinagbubuksan ni Dailez kanina. Puro gamit sa bahay ang nakita ko, may mga plates, glass, champagne glass, oven at kung anu-ano pa.

Dahil masyadong makalat magbukas ng mga regalo si Dail, ay kinailangan ko pa tuloy iyong linisin. Hindi lang pala siya parang bata magbukas, kundi pati magkalat.

Wendy Yeshia Scott Pov'

"Wala pa ba ang magaling na si Arta?" Tanong ko sa Mama ko na nag pe-facebook sa sala.

"Sa tingin mo ay uuwi pa 'yon? Rakot lang ng babaeng 'yon." Hindi tumitinging saad ni Mama.

"Ma' tawagan mo, kailangan ko siya bukas." Utos ko sa kaniya.

"Kumuha ka nalang ng ibang make up artist, bakit ba si Arta ang gusto mo? Sinabutan mo siya, tapos aarte ka?" Sermon pa niya sa 'kin.

Kinakampihan din ba niya si Arta? Eh siya nga ang galit na galit sa lukaret na 'yon.

"Mama alam mo namang si Arta lang ang nakakagawa ng mga taste ko sa make-up! Ma gawin mo lahat para umuwi siya, final na bukas ng Runaway Fashion show." Iritang sabi ko, pagpasok ko sa kuwarto ko ay padabog kong isinara ang pinto.

Arg, nanggigigil talaga ko sa Artang 'yon, dahil sa kaniya hindi sinasagot ni Dail ang mga tawag ko. Bakit ba kailangan siyang ipagtanggol ni Dail?Lalo tuloy akong naiirita.

Artha pasalamat ka malaki ang pakinabang mo, kundi ay matagal na kitang pinalayas sa bahay na ito.

Dailez Consan Pov'

Naalimpungatan ako dahil parang may yumayakap sa akin. Idinilat ko marahan ang mga mata ko, at hindi nga ako nagkamali.

Nakita ko si Sherine na mahimbing ang tulog sa tabi ko, mahigpit ang yakap niya sa tiyan ko. Nakasandig naman ang mukha niya sa mismong dibdib ko.

Hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil nakapatong ang ulo niya roon, at hindi ko rin alam kung paano napunta sa ganito ang puwesto naming dalawa.

Malungkot ang mga mata niya, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang wala akong lakas?

Dail nagkakasala ka, engaged ka na! Pero asawa mo siya Dail?

Bago pa 'ko gumalaw ay nauna na niyang idilat ang mga mata niya. Mabilis ang naging reaksiyon ng mata ko para kusa itong tumiklop.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon