Chapter Eighteen

1.2K 38 0
                                    

Nakakabaliw ang pakiramdam ng pag-ibig. Alam kong nagbago ako ng dahil dito. Sana'y hindi ko pagsisihan na hayaan siyang maangkin ako.

*Kinabukasan*

6:30 AM

Iminulat ko ang aking mata dala ng liwanag na nagmumula sa araw. Nasaksihan ko ang maamo at gwapong mukha ni Dail habang natutulog. Yakap pa rin niya ako, ramdam ko ang katawan namin na wala pa ding saplot at medyo may masakit sa bahaging ibaba ng katawan ko.

Hinawakan ko ang ilong niya pababa sa labi niya. Bakit ang gwapong katulad mo ay mahulog sa chakang katulad ko Dailez Consan.

"I love you Mrs. Artsherine Scott Consan." biglang bulong niya.

Napangiti ako, dahil narinig ko 'yon mula sa kaniya sa unang pagkakataon.

"I love you too Mr. Dailez Consan." I response.

Mas hinigpitan niya ang yakap sakin kahit dipa siya dumidilat. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap ko din siya.

"Sino yung lalaki kagabi? Ex mo nga ba?" tanong niya.

Inalis ko ang yakap sa katawan niya at tumingin sa ceiling.

"Yeah." I replied shortly.

Dapat ko pa bang sabihin sa kaniya na inagaw ng ex fiance niya sakin ang first love ko? Oh huwag nalang siguro. Para saan pa nga ba kung sakali mang malalaman niya.

"Anong naramdaman mo when you saw him?"

"Galit at sakit. Tama na nga, may trabaho ka pa sa Fragrance Perfum Mr. Consan." pag babaling ko ng usapan sa ibang topic sabay pisil ko sa pointed nose niya.

Kung sakali mang mapansin niya na iniiwasan kong pag usapan naming dalawa ang tungkol kay Zhake, sana maintindihan niya.

"Sa evening event ng company ipapakilala na kita bilang asawa ko Sherine. Hindi ka na pwedeng tumanggi, dahil you're officially my wife." and then he kissed me. "I love you Misis ko."

Halos masira  ang aking labi sa lawak ng ngiti dahil sa sinabi niyang iyon.

*After 29 Days*
-Fragrance Perfum Event-
7:00 at the Evening

Halos kalagitnaan na ng Event sa pagpapakilala ng "Elegance Perfume" na bagong product ng Fragrance Perfum. Maraming sikat na YouTuber ang bisita. At iba pang social media influencers. Halos kulay pink ang paligid dala ng mga ilaw. Nakaupo lang ako at tinitingnan ang mga taong nagsasalibayan, gayon na din ang ilang reporters.

Laking gulat ko ng mamatay ang ilaw na nagpa ingay sa paligid. Ramdam kong may humawak sa braso ko, hindi ko alam kung sino siya pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong kaba.

"Miss Artsherine, pasensya kana iniutos lang ito sakin ni Mr. CEO sabi niya sumama ka daw sakin." tila boses babae ang nagsasalita sa tabi ko.

Naalala ko ang sinabi ni Dailez sa akin, ipapakilala na daw niya ako bilang asawa niya. Sumilay ang ngiti sa aking labi, kaya nga ako nagpaayos at nagsuot ng magarang damit dahil alam kong hindi na ito contractual marriage. Hinawakan ako ng babae sa kamay at sumunod ako sa kaniya. Ilang sandali ay huminto na rin kami at binitawan nya na ako, kasabay ang pagtutok sa akin ng spot light sanhi para matuon sa akin ang atensyon ng lahat.

Kakaibang tingin ang natamo ko sa kanila. Ilang sandali pa'y parang nagbago ang mga matang nakamasid sakin..

"Ugh..ughh.." ungol..

Napalingon ako sa pinanggagalingan noon, halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng ang malaking screen na nasa likod ko ay may naka-play na isang se* video. Maingay ang paligid, maingay na maingay dala ng mga bulong. Bakit ako ang babaeng nasa video na tumagal lamang ng isang minuto. Tanging mukha ko lamang ang kita sa video at ang lalaking nakatalikod. Walang malaswang parte ng katawan ang kita, ngunit ang ungol ang nagbigay ng kahulugan sa video habang pinapaulanan ng lalaki ang mukha ko ng pera.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon