Arthsherine Consan Pov'
Pagkatapos kong isukat lahat ng damit ay bitbit-bitbit ko naman ngayon ang mga paper bags kung saan ito nakalagay. May kinse piraso ata ng iba't-ibang klase ng mga damit ito.
"Mocha, Americano, Latte, Black coffee.." Iyan ang tumatakbo sa isip ko habang kusang gumagalaw ang ilong ko na parang aso.
"Coffee?"
Natingin ako sa nagsalitang si Dail habang naglalakad kami. Napansin niya atang nakakaamoy ako ng kape.
Tss wala ata talaga siyang balak na tulungan ako sa pagbubuhat ng mga pinamili niya na hindi ko alam kung para kanino. Ako lang ang nagsukat pero ang labo niya talaga kung sakaling para sa kin 'tong mga ito.
"Yeah." Iyan lang ang tugon ko.
Napapalunok talaga ako sa bango ng kape na namamayani sa ilong ko.
Sinipat ko ang paligid ng mall habang naglalakad kami ni Dail. At tama nga ako, isang coffee shop ang nakaagaw ng pansin sa mga mata ko.
"Gusto mo?" Tanong ni Dail na huminto sa paglalakad, kaya ganoon din ako.
"Sideline is life but Coffee is lifer!" Masayang anunsiyo ko, it means gusto ko nga ng coffee.
"Asa ka, binili na nga kita ng mga damit. Tara na, masyado ka palang magastos mapangasawa." Saad niya.
Halos mawindang ang loob ko sa sinabi niyang iyon.
Naglakad na ulit siya, at medyo napansin ko ring nangiti siya. Ibig bang sabihin?
Tiningnan ko ang mga paper bags na bitbit ko. Ibig nga ba niyang sabihin na lahat ng 'to ay akin? Kaya nga ba ako ang pinagsukat niya lahat?
"Alam mo ang bagal mo!" Singhal niya sa 'kin na hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na pala siya at bumalik. "Akin na 'yang hawak mo ang kupad mo." He said, sabay kuha sa mga paper bags na hawak-hawak ko at naglakad na ulit.
Sumunod naman ako sa kaniya na puno pa rin ng mga tanong ang isip ko. Tapos ay sumakay na kami sa kotse n'ya na naka-park sa parking area ng Mall.
Wala pa rin akong kibo, hanggang sa ihinto niya ang kotse sa hindi na naman pamilyar na lugar. Ano ba Sherine para kang nagpapadala sa agos kung saan!
Naunang bumaba si Dail, bago ko sumunod ay ilang segundos muna ang pinalipas ng utak ko at bumaba na rin. Isang bahay ang bumungad sa amin sa gate na pinasukan ni Dail, s'yempre ay kasunod pa rin ako.
Hindi ako makapag tanong dahil nagulat pa rin ako sa mga binili niyang damit na para raw sa akin.
Sinipat ko ang labas ng bahay, simple ngunit maganda, napansin kong may kinuha si Dailez sa bulsa niya at susi, oo susi nga iyon!
"Papasok ka o tititigan mo lang ako?" Supladong tanong niya na nabuksan na pala agad ang pinto ng bahay.
Pumasok na siya at ganoon rin naman ako, isang simpleng bahay na kumpleto sa gamit. May nakita 'kong hanging wall shelves na may mga books, pag pasok mo kasi ng pinto ay iyon agad ang bubungad sa'yo.
"Kanino bahay 'to?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Sa atin, binili 'to ni Mommy para raw kapag nagsama na tayo'y dito tayo titira." Diretsang tugon niya.
Napalunok ako ng malalim sa sinabi niya. Kaya pala yung susi ay nasa kaniya.
"So you mean ikaw lang at ako ang nasa bahay na ito ngayon?" I asked.
Nangangatog pa ang mga tuhod ko habang nagsasalita. Dumadalanging sana'y mali ang akala ko.
"Malamang, bahay natin 'to diba? I-dry clean mo nga 'yang utak mo, ang dumi mag-isip." Sermon niya saka pumalatak, bago 'ko iwanan, at parang sa kusina siya nagpunta.
BINABASA MO ANG
The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️
RomanceSi Artsherine Scott ay isang dalaga na ang gusto lamang ay makawala sa poder ng pamilya niya. Dala ng pagiging anak sa labas ay itinuring na siya ng pamilya bilang katulong, minsan pa'y minamaltrato siya, at hindi rin pinag-aral ng kolehiyo, sa kagu...