Chapter Seventeen

1K 33 0
                                    

BAKIT WALA AKONG BRA? AAAAAAHH! Napasabunot ako sa buhok ko, hindi naman siguro naramdaman ni Dail 'yon hano? Ahhh nakakahiya! Bakit kasi bigla-bigla siyang nang kukulong sa bisig! Depungaaaaaal!

Huminga ka Sherine, wala siyang naramdaman, hindi nya napansin na wala kang bra! Girl napaka tanga mo! Halos lamunin ako ng kahihiyan, kainis kasi tapos nag parttime job ako nang wala ring Bra, huhu!

After 1 hour and 30 minutes. Nakaalis na kami ng bahay, di ako kumikibo dahil sa hiya. Nakaka ilang dasal nako na sana hindi niya alam na wala--

"Mainit ba kanina?" iyan ang pumutol sa pag-iisip ko. Parang pinipigilan niyang matawa sa pagkakasabi noon habang nag mamaneho ng kotse.

"Gusto mo sakalin kita?" may mapag banta kong saad.

"Hindi naman halata kasi pang bata. Haha." may gana pa talaga siyang tumawa, hindi na nga niya ko ginalang, binastos pa! Grrrr.

"Oh edi humanap ka ng dalawang nag-uumpugang bundok! Letsseee ka!" may pagka sarkastikong wika ko.

Akala ba niya'y nakakatuwa siya? Nilalait ba niyang dibdib ko! AAAAAHH!

"Nag-uumpupugan talaga?" halos mamatay siya kakatawa na mas lalo kong ikinainis. "Hahanap pako ng iba, nandyan ka naman na." biglang naging seryoso ang boses niya.

"Kung sanay pa kayong makuntento sa isa." bulong ko.

Hindi na siya nagsalita pa na para bang naapektuhan sa sinabi ko. Wala na siyang kibo hanggang makarating kami sa Hacienda Del Luca. Mabuti na din ang ganiyan, dahil para siyang ibang tao kapag pinapakita niya sakin na gusto niya ko.

(6:54 PM)

"Sayang naman pala at kasal na ang iyong anak kumpare, irereto ko pa naman sana siya sa anak ko." wika ng isang matanda na bisita ng Dad ni Dail.

Magkakaharap kami ngayon sa isang long table. Katabi ko si Dail sa left side ko, at nasa right side naman si Tita Mommy.

"Wala pa ba si pareng Alfredo? Balita ko ay successful Doctor na ang anak niya." ani pa ng isang kumapare ni Tito Daddy.

"Tamang-tama pala at ako ang pinag-uusapan ninyo." singit ng isang medyo may edad na boses.

"Oh ayan na pala si Alfredo." another old man said.

Nalingon kami pare-pareho sa nagsalita, ngunit tila parang huminto ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko ng isang pamilyar na lalaki ang aking nakita. Katabi siyang nakatayo ng matandang lalaki na tinatawag nilang Alfredo.

Alfredo Tao..

"Sherine ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Dail, halos mapako na ang mata ko kay Zhake. Agad ko ring iniwas ang tingin ko ng tumingin siya sa bahagi ng kinauupuan ko.

Bakit ganito kaliit ang mundo? Of all people bakit siya pa ang tinutukoy nila.. Bakit si Zhake Tao pa.

"Bigla ka nalang natutulala, tss." supladong saad ni Dailez.

"Aakyat lang ako sa kwarto, sasamaan ata ako ng pakiramdam." pag papaalam ko.

"Sige Iha umakyat ka na." nakangiting sabi ng Mommy ni Dail.

"Sige, aakyat na din ako maya-maya." He said, ang kaninang may pagka supladong tinig ay naging maamo.

Tumayo na ako sa pwesto ko, dahil hindi ko kayang makasama ang lalaking nanakit sa akin noon at ipinagpalit ako sa Ate ko.

"Oh iha anong ginagawa mo dito?" hahakbang palang sana ako ng marinig ko ang mga salitang 'yan. "Artsherine Scott tama ba?" dagdag pa niya.

Tinangka kong gumalaw pero may humihila sakin na maupo ulit sa pwesto ko.

"Kilala mo siya kumpare?" tanong ng Dad ni Dail na kinatatakutan ko.

Paano nalang kung malaman nilang may pamilya at mga kapatid ako? Na dahil sa contract marriage nagsinungaling ako sa kanilang lahat.

"Ex girlfriend kasi siya nitong binata kong anak. Sa totoo lang hindi pa siya nag aasawa dahil--"

"Papa tama na, nakaraan na po iyon." Zhake said.

Nakaramdam ako ng kirot ng marinig muli ang boses niya,  para kong dinudurog sa tuwing sasagi sa isip ko na niloko niya ko, na hindi niya ko pinili, na ginago niya lang ako sa kabila ng pagmamahal at katangahan ko sa kaniya.

Naudlot ang kadramahan ko ng biglang hinawakan ni Dailez ang kamay ko, at tumayo rin siya.

"Dad masama po kasing pakiramdam ng wife ko kaya aakyat na po muna kami sa kwarto." magsasalita pa sana ko pero hinila na niya ko.

Kinailangan naming dumaan sa harapan nila Zhake dahil nandoon ang pinto palabas ng sala. Nagtama ang mata namin at para bang may nais siyang sabihin sakin. Nagulat marahil siya na kasal na ako. Pero mas ikinagulat ko ang pagsulpot niya bigla.

Kung kailan ayos na ko.

Pero ayos na nga ba talaga ko?

Pagpasok namin ng kwarto, nagulat ako sa inasal ni Dailez. Habang hila n'ya ang kamay ko ay ibinagsak niya ako sa kama, mabilis ang pangyayari at nakapatong na siya sa katawan ko habang hawak ang isang kamay ko na nakapatong sa kama.

"Nababaliw--" hindi nako nakapagsalita ng mariin niya akong hinalikan sa labi.

Hindi ko dapat suklian ang pagiging mapusok niya ngunit hindi ko na kontrolado ang emosyon ko sa mga oras na ito. Sinuklian ko ang halik niya sa ikalawang pagkakataon ng buhay ko, ewan ko pero nakakabaliw ang halik niyang iyon, sanhi para tuluyan kong ipalupot ang kamay ko sa batok niya.

Sa bawat halik niya ay siya ring balik ko ng halik, hindi ako okay kanina pero para bang madali noong naibsan ang lahat ng tumatakbo sa isip ko ng makita ko Zhake. Sa isang halik lang niya, nanghina ako at nanaig ang gusto ng puso ko.

Para bang ganoon na lamang kami kasabik sa labi ng isa't-isa, mariin ngunit kakaibang saya ang dala nito sa akin. Sa eksaktong moment na'to, ramdam kong mahal ko na nga siya.

Kalaunan ay huminto rin siya at pareho kaming naghahabol ng hininga. Nanatili siya sa ibabaw ko at kakaibang ngisi ang inilaan niya sakin. Sa oras na ito alam ko ang tumatakbo sa isip niya.

"Pwede ko na bang sungkitin ang mga bituin ng ika'y maging sa akin?" sa tono ng boses niya halatang inaakit niya ako.

"Saan bang gusto mo? Dito sa kama mo, sa Attic? sa CR or sa lapag?" may pagka pilya kong sagot.

"All of the above." sabay ngiti niya ng matamis at hinayaan ko siyang sakupin ang kalawakan ko buong gabi.











The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon