Chapter Fourteen

989 27 0
                                    

Text Message; 12:27 AM
(Hija, dalhn mo nmn ng food ang asawa mo sa office nya, di daw xa uuwi ngyon. Nabalitaan ko rin n sub2× xa sa trabaho para mag labas ng nu product.)

Ay putsa! Alas dose ng mahigit, kumain na kaya siya? Kasi naman e!

Dinial ko agad ang number ni Dail, sumagot ka pleasssse?

(Napatawag ka? Anong oras na,) iyan ang bungad niya.

Parang paos ata ang boses niya ngayon, sobrang busy ba talaga niya at hanggang ngayon ay gising pa rin siya?

"Nasa-office kapa ba?" I asked.

(Yes, hindi ka ba makatulog? Hindi pa 'ko kumakain.) At siya na nga ang nagbanggit tungkol sa gutom, yari! Bakit ba hindi siya nagpa-order? Ganoon na ba kabagsak ang kumpanya na 'yon para hindi siya makakain?

Pero bkit ba parang may sakit ang boses niya?

"Dalan kitang food? or umorder--"

(No need na, kaya ko pa naman. Sige na matulog kana. I'm fine, goodnight.) pinatay na rin niya agad ang tawag.

Gano'n na ba siya ka-stress sa work? Tapos magpapalipas pa nang gutom, shh. Dahil sa nakukunsensiya talaga ko at tinawagan at tinext pa 'ko ng Mom n'ya ay mukhang responsibilidad ko ngang dalhan siya ng food kahit paumaga na.

Dapat kasi sinagot mo nalang ang tawag kanina Artsherine!

Mabuti nalang at may natira sa niluto naming pagkain kanina kaya iyon nalang ang naisip kong dalhin sa kay Dailez. Buti at nagising ang Mama ni Gladys para mag-CR, kaya ayon at  ipinagluto n'ya pa 'ko ng pandagdag. Nakakahiya man pero sabi huwag na raw akong mahiya, edi go!

Pinahatid na rin ako ni tita Marita sa driver nila, kaya naman madali akong nakarating sa Fragrance Perfum company. Naglakad na agad ako papunta sa Entrance ng Fragrance Perfum ng makababa ako sa kotse, at marami pa ring tao at sasakyan sa paligid kahit ganitong oras na.

"Ma'am saan po kayo?" pagharang sa 'kin ni kuyang security guard sa labas ng Entrance.

"Kay Mr. Dailez Consan po," magalang kong saad.

"Ma'am may ID po ba kayo o card?" tanong pa niya.

"Wala po, dadalhan ko lang ng food ang--"

Napahinto ako sa pagsasalita ng mag proseso sa isip ang nangyayari, ang boba mo Artsherine! Malamang maghihigpit 'yan, kumpanya 'yan at CEO pa ang hinahanap mo!

"Manong Guard I am Mr. Consan's wife po." Weird kong sagot.

"Naku Ma'am! Luma na 'yan, nag-iimbento pa kayong kuwento," natatawang sabi ni kuyang Guard na ikina dismaya ko naman. "Sige na Ma'am umalis nalang kayo, hindi effective sa akin ang budol. Kung hindi kayo aalis, tatawag ako ng police." Pananakot pa niya.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa mga maling akala niya. Mukha ba kong nakikipagbiruan sa kaniya? Tiningnan n'ya pa 'ko mula ulo hanggang paa na sinundan din ng mga mata ko. Mukha akong manang na may pagka sira sa ulo. Dahil naka pantulong pa 'kong damit na lagpas sa tuhod, at tsinelas na pang bahay.

Bakit ba hindi ako nag-ayos? Asar sinong matino ang pupunta ng kumpanya ng ganito ang suot. Sinong maniniwala na asawa ko ng CEO gayong mukha lang akong katulong niya!

"Sige na Ma'am, sa iba nalang kayo manggulo." Anito pa.

Sayang ang effort ko na pumunta rito para sa pagkain ni Dail hindi rin naman pala 'ko makakapasok,  makauwi nalang talaga. Ahhh kainis! Sarap mong kaltukan Arta!

Dailez Consan Pov'

"Sir gumising na po kayo, Sir.."

Naidilat ko ang mga mata ko sa boses na nagmumula kay Pia na secretary ko. Sa-couch pala 'ko nakatulog.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon