WAKAS

1.8K 48 4
                                    

Buong gabi hinanap ko si Artsherine, alam kong sa lahat ng nangyari siya ang pinaka nasaktan. Hindi ako naniwala sa video clip dahil alam ko na ang totoo, inosente si Sherine, hindi siya gold digger, hindi mapagsamantalang tao. Biktima lang siya ng lahat.

Sa Hacienda Del Luca ako huling pumunta, at tama nga ako nandito siya. Nasa Attic iyon ang sabi ni Mama Cham. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at umakyat sa attic at hindi nga ako bigong makita siya. Nasa sulok siya ng kama yakap-yakap ang sarili, rinig na rinig ko ang iyak niya.

"Naalala mo pa pala. Sabi ko sa'yo pinasadya ko itong Attic para may maiyakan ka." sabi ko at itinaas niya ang ulo niya para makita ako.

Naupo ako sa tabi niya. "Iiyak mo lang, lilipas din 'yan." tapos ngumiti ako.

"Kung totoo ba ang video iiwanan mo ko?" umiiyak niyang tanong.

"Hindi ko alam, pero naniniwala ako sa mahika ng pag-ibig na kapag mahal mo yung tao you'll accept her. Kasi ganoon ang pag-ibig. Kapag mahal, mahal mo talaga."  sa kauna-unahang pagkakataon naging direkta ako sa kaniya, naniniwala ako sa magic ng love. Pero ngayon ko lang sinabi sa babae ang tungkol dito.

Noong una akala ko hindi ako mahuhulog sa kaniya. Pero bigla ko nalang naramdaman na mahalaga na pala siya.

"Dail paano pag nalaman nila Lola na Contractual lang ang kasal--"

Isinandig ko ang ulo niya sa balikat ko. "Huwag kanang mag-alala, alam na nila ang lahat. Sayang sasabihin ko na sana sa event, kaso ang daming surprised."

Planado naman na talaga ang lahat. Noong sinabi ko sa kaniya na ipapakilala ko na siya bilang asawa ko, kinausap ko na ang parents ko at si Lola. I explained everything, ni ang maliliit na detalye.

Hinawakan ni Sherine ang dalawang pisngi ko at lumagay siya sa harapang bahagi ko. Malungkot man ang mata niya'y alam kong napagaan ko kahit papano ang loob niya.

"Thank Dailez Consan sa lahat." pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ko na sinuklian ko rin naman agad.

Sino bang mag aakala na mamahalin ko siya. Na ma-i-in love ako sa maikling panahon. Totoo nga pala na hindi nasusukat ang pag-ibig sa tagal ng panahon. Yung akala mo tamang tao na, hindi pa rin pala.

Kung sino pa yung hindi natin inaasahan sila pa palang magiging bahagi ng buhay natin. May mga pagkakamali na pwede pang maitama at may bagay na kailangan nating tanggapin na hindi talaga para sa atin.

"I love you Mr. Dailez Consan." bulong niya ng paulit-ulit sakin.

"I love you too Misis ko, Mrs. Artsherine Scott Consan." pagkatapos ay ikinulong ko siya sa bisig ko.

Artsherine's POV'

--After One year--

Second subject na pero feeling ko makakatulog ako sa antok at para bang nahihilo ko at gusto kong masuka. Ang lambing kasing magsalita ng prof namin. Nanlalata tuloy ako

*knock-knock*

May kumatok sa pinto ng room sabay dukdok ko naman ng ulo ko sa desk.

"Artsherine tingnan mo kung sino ang nasa pinto?" sunod-sunod na kalabit sakin ni Gladys na naka pwesto sa likod ko.

"Inaantok yung tao e." reklamo ko.

"Gaga yung asawa mo." halos mapabalikwas ako ng upo ng banggitin niya ang salitang 'asawa'.

Pagkatingin ko ay isang lalaking naka black suits at pormang-porma sa may pinto na kausap ang professor namin. Sinenyasan ko siya kung anong ginagawa n'ya dito pero ngumiti lang siya. Subalit ilang saglit palang ay umalis na din siya. Luh?

"Mrs. Consan pwede mo bang kuhanin ang bouquet ng flowers sa ilalim ng inuupuan mo?" utos ng Prof namin sakin.

bouquet of flowers? Nagtinginan sakin ang mga classmates ko na para bang kinikilig. Sinunod ko ang professor namin at may bulaklak nga akong nakita sa ilalim ng pwesto ko. Kulay asul ang artificial flowers.

Isang katok mula sa pinto ng room ang umagaw sa atensyon naming lahat sa loob, si Dailez. May hawak siyang kulay asul na cakes at balloons na kapareho ng kulay ng cake at Flowers.

Ano bang okasyon ngayon? Anniversary na ba namin? Ahh wala talaga kong maalala!

"Congratulations Mrs. and Mr. Consan, your baby is a boy!" sigaw ng Professor namin na ikinagulat ko.

Nagpalakpakan ang lahat ng kaklase ko, at para bang nangangatog ang tuhod ko. Lumabas na pala ang resulta. Alam na naming buntis ako pero hindi ko alam na sa ganitong paraan ire-reveal ni Dailez ang gender ng first baby namin. Kaya pala kulay asul ang lahat.

"Sorry Misis ko, nasupresa ba kita?" tanong niya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

"Ang daya mo, paano mo nalaman ang resulta?"

"Kinausap ko ang Doctor mo, sabi ko ako ang i-update kapag lumabas na." sabay halik niya sa noo ko.

"Edi sana all may CEO husband."

"Congrats Artsherine."

"Ang sweet naman ni Sir Consan."

"Hindi ko alam na may asawa na pala siya."

Hindi ko alam ang eksaktong nararamdaman ko, pero sobrang saya ng loob ko. Hindi ko inaasahan na matatagpuan ko pala sa'yo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig Dailez Consan.

Ang marriage agreement natin hindi pa rin ako makapaniwala na mauuwi sa totohanang pag-ibig. Sa loob ng isang buwan natutunan kong magpatawad, pinatawad ko ang sarili ko, si Mama, si Papa at ang totoong pamilya ni Papa.

I met different kind of people na naging mabuti sakin, si David na hindi ko na ulit nakita, ang parents ni Dailez at si Dailez mismo.

Hindi ko man nakita ng personal si Enrique Dior dahil nag stay na siya for good sa New Zealand bilang gym instructor, pero masaya pa rin akong pinili pa rin niyang gawin ang tama para sa lahat at itama ang mga pagkakamali niya noon. Syempre si Zhake Tao din na first love ko noon na naglakas loob para humarap nung gabing lumabas ang totoo.

Yung love, Faith, forgiveness, healing process, acceptance, and trust. Lahat ng 'yan may poder pa sa buhay ng isang tao. Nasasa atin nalang talaga kung ibibigay natin at sa iba at sa sarili natin ang lahat ng 'yan. Once kasi na ibinigay natin 'yan, magiging masaya tayo.

Ito ang kwento namin ni Dailez Consan na napasok sa Contractual Marriage. Muli ako si Artsherine Scott Consan na nagsasabing "Piliin mo pa ring maging mabuti sa lahat ng sitwasyon."

--WAKAS--



























The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon