Chapter Thirteen

973 26 0
                                    

Dailez Consan Pov'

It was a red ring box I'm sure with that. I fixed my gaze on her face as I glance at her. She looks serious about what she's planning to do.

Hindi ko magawang igalaw ang bibig ko dahil alam kong tama ang mga iniisip ko. My eyes widened when she kneeled down in front of me, ang mga matang nakamasid ay nagbibigay ng kakaibang ingay sa paligid.

At bumalik sa alaala ko ang nangyari a few months ago, noong araw na nag proposed ako sa kaniya. I arranged everything that night, even our dinner, a fireworks displays to surprised her in the exact location, moment and time na pinag isipan ko ng almost a year. She accepted my proposal pero hindi pa siya makakapag pakasal sa ngayon. I accepted her choice because I know her first priority and It wasn't me. Until my grandmother asked me to get married this year not knowing that I'm already engaged with Wendy. They don't know about her dahil hindi pa daw handa si Wendy na humarap sa parents ko ng wala pa siyang nararating. Hanggang gusto na nila kong ipasok sa arrange marriage kung hindi pa daw ako makakahanap ng papakasalan.

Until Contractual marriage was the only choice I had, hanggang maging ready na siyang magpakasal. That time kailangang-kailangan ko ng humanap ng babaeng papayag sa kasal, dahil may sakit si Lola at iyon lang ang gusto niyang iregalo ko sa kaniya. Saktong kailangan ng pang tuition fee ni Artsherine noong araw na 'yon.

Pero noon ang alam ko lang magkapatid sila ni Wendy, pero hindi ko alam na ganoon na lamang nila ituring si Artsherine.

"Dailez Consan, alam ko na nauna kang nag-proposed sa 'kin. Pero ngayon ay handa na 'kong magpakasal sa'yo. Will you marry me Dailez?"

The time stopped when I heard that question from her. I heard different reactions from people surrounding us. They're all waiting for my answer.

Pero kung patatagalin ko pa 'to ay mas masasaktan lang siya. Yumuko ako at hinawakan ang dalawang balikat niya at marahan siyang itinayo sa pagkakaluhod.

"Dailez, say yes please?" Her teary eyes begging for love na hindi ko na kayang ibigay.

Two broken pieces of our hearts shattered while we were both drowning in our own tears.

"I love you Wendy, pero may mali na." I said while my lower lip continues trembling.

"Tell me babe, saan ba may mali?"

Halos madurog ako sa boses niyang iyon na puno ng sakit, ang mga mata niya'y diretso lang sa pabuhos ng luha, nanginginig ang labi niya, pansin ko ang kakaibang emosyon ng kaniyang katawan.

"Ayokong saktan ka pa. Kasal na ko Wendy," umiiyak kong sagot sa kaniya.

Dahil masakit rin sa akin na makita siyang umiiyak ng dahil sa akin. Bumagsak sa lapag ang kahon kung nasaan ang singsing na sana'y ibibigay niya sa akin. Ikinulong ko siya sa bisig ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan sa mga oras na'to.

"Ano bang sinasabi mo Dail?" Naguguluhan niyang tanong sa 'kin.

"Kasal na 'ko kay Artsherine, I'm so sorry Wendy."

Deserve niyang malaman ang totoo, kahit pa ikakadurog niya.

Alam kong masasaktan kita Wendy pero iyon ang totoo. Hindi madali ang magiging proseso nito para sa'yo, gago ko at hindi ko maitatanggi iyon. Hindi ko akalain na mahuhulog ako kay Sherine sa loob lamang ng maikling panahon.

Hindi na siya nakakibo and then she fainted into my arms.

Wendy' Yeshia Scott Pov'

Nawalan ng lakas ang katawan ko na tanggapin ang narinig mula sa sinabing iyon ni Dailez. Kasal? Klaro ang boses niya sa pandinig ko. He mentioned Arta.

Kung gano'n ay hindi lang sila may lihim na relasyon kundi ikinasal din siya sa panget na 'yon!

"Wendy, hindi mo man lang napansin na nakuha na pala sa'yo ni Arta ang lalaking 'yon? Kung kailan CEO na siya ng F.P (Fragrance Perfum)?" si Mama ang nagsasalita na halatang galit na galit sa malanding Arta na 'yon.

Pagkatapos ng eksena kanina'y hinatid ako ni Dail na wala ng malay sa bahay. Pero humingi raw siya ng tawad kina Mama.

"Mama p'wede bang iwanan n'yo muna ko?" Mahina kong saad na walang gana.

"Lincon sunugin mo lahat ng gamit ni Arta pati na ang manikang regalo ng Papa niya!" utos ni Mama sa kapatid kong si Lincon habang palabas sila ng k'warto ko.

Isinubsob ko ang sarili ko sa unan at umiyak ng umiyak. Wala akong lakas para komprontahin si Arta sa mga oras na'to.

My phone rang.

Iyah's calling..

"Iyah.."

(Hindi na nga natuloy ang tangka mong pag po-propose two weeks ago, ginawa mo pa rin ngayon. Tss, pakisabi sa akin kung nasaang parte doon ang papahirapan natin ang pulube mong kapatid ha??) sermon niya sa kabilang linya.

Ngayon ay papahirapan ko na talaga siya. Gusto niyang makilala talaga ko, edi sige magpapakilala ko.

"Iyah gumawa ka ng way para mahanap si Zhake Tao."

(Eh si Enrique hindi mo ipapahanap?) nakakalokong boses ang ibinato niya.

"Find both of them no matter what happens!"

(Okay, noted! Tumahan ka na d'yan, kung kasal na siya sa panget na Arta na 'yon, then we will make sure na gugunawin natin ang buhay niya.) call ended.

Alam niya ang lahat dahil naroon din siya sa lugar kung saan kami nagkita ni Dail kanina. Dailez Consan hindi ka man bumalik sa 'kin, ang mahalaga'y manatiling miserable ang buhay ni Arta, mark my fuc*ng word bitch!

Artsherine Consan Pov'

Himala ata't maghapong hindi tumatawag si Dailez. Alas nuwebe na ng gabi at nanunuod lang kami ng movie nila Revo at Gladys habang nakahiga sa kama. Si Revo nasa sahig naman.

"Kapag si Revo nagaka-girlfriend kaya, hindi na kaya natin siya makakasama sa ganitong overnight?" Pagbasag ni Gladys sa katahimikan naming tatlo.

"Oo nga no, ano Revong masasabi mo?" Natatawa kong sambit sabay kain ng pop corn na niluto namin.

"Baby ko kayo pareho kaya malabo 'yon." Binato niya kami bigla ng pop corn pagkasabi no'n.

"Baby mong mukha mo!" Sigaw ni Gladys.

Phone ringing--
Tita Mommy's calling..

Bago ko pa masagot ang cellphone ko ay inagaw na ni Gladys.

"Just for tonight wala munang istorbo okay, mars?"

"Oo nga, minsan na nga lang tayo mag overnight!" Revo agreed.

Wala akong nagawa dahil in-off na ni Gladys ang cellphone ko, at nagbatuhan nalang kami ng pop corn. Nag kuwentuhan narin kami about sa buhay ng isa't-isa at sa future plan namin.

Siguro nga deep conversation ang key sa strong friendship na meron kaming tatlo. Masaya pa rin ako na despite sa lacked of love sa parents, pinupunan naman nilang dalawa 'yon, even ang parents ni Dailez at nitong si Gladys at Reeve.

12:26 AM na pero hindi pa rin ako makatulog habang kakatulog lang nila Gladys at Revo. Binuksan ko na ang phone ko at text ng Mommy ni Dail ang bumungad sa lackscreen display ko.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon