Chapter Sixteen

1K 28 0
                                    

"Artsherine?" tawag ko sa pangalan niya pero mukhang wala nga siya.

Umakyat ako sa kwarto ko at ganoon pa rin naman iyon, maayos. Pagkatapos ay pumanik rin ako sa Attic ma nagsisilbing kwarto ni Sherine, wala siya.

Wala naman sigurong masama kung titingnan ko ang mga gamit niya hindi ba? At dahil wala naman siya ay itinuloy ko na ang balak ko. Nakita ko ang mga printed papers na nagkalat sa round table, pati na din ang laptop niya na kulay yellow. Paglingon ko isang book shelves, nakita ko ang mga paper bags na binili kong clothes sa kaniya noon.

Naglakad-lakad pako sa paligid, binuksan ko ang closet niya at kakauti lang ang gamit. Nabalitaan kong sinunog raw ang mga gamit niya ng Mama ni Wendy. Wala silang itinira ni ang mga regalo kay Sherine ng pumanaw niyang Ama.

Tumungtong ako sa kama niya na naka pwesto sa mismong sahig ng attic at malapit sa hugis tatsulok na bintana, naupo ako doon at marahang binuksan ang window. Sinilip ko ang paligid sa labas at sinamyo ko ang maaliwalas na simoy ng hangin na nagmumula rito.

Wendy's POV'

Ilang minuto na akong nakatindig sa gilid ng isang gym, ngunit wala pa ding Iyah na dumarating. Nasaan na nga kaya ang babaeng iyon? Balak ba niyang paputiin ang aking mata sa paghihintay sa ibabalita niya. Mula pa kanina'y wala akong ibang ginawa kundi ilipat-lipat lamang ang aking mga mata sa dalawang bahagi ng kalsada na nasa harap ng gym kung saan maaari siyang dumaan.

Halos mapatalon ako sa pwesto ko ng may malamig na kamay ang bigla na lamang humawak sa balikat ko. Pa-tube dress kasi ang style ng suot ko kaya't ganoon na lamang ang naging reaction ko sa inasal ng lalaki na ngayon ay kaharap ko na.

"Can you please remove your hand on my shoulder?" may pagka mataray kong sambit na nakakunot ang noo.

Hindi naman siya mukhang goons, pero malay ko ba kung maniyak pala siya o isang magnanakaw.

"Chill, I think hindi mo nako nakikilala?" inalis na niya ang kamay niya. "Enrique Dior."

Napatitig ako sa hitsura niya, hindi ako makapaniwalang ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay si Enrique na.

Akalain mo nga namang ang patpating nerdy boy noon ay ibang-iba na ngayon. Ibig sabihin siya na mismo ang magandang balita sa akin ni Iyah. Isang buwan rin ang itinagal bago niya makita si Enrique.

Pero si Zhake Tao kaya? Nasaan na kaya siya?

"Teka balita ko ay pinapahanap mo raw ako? Long time no see Miss Wendy Yeshia Scott. Pangungunahan na kita, if you're here because you want me to do such crazy things like before for you, uunahan na kita, hindi nako ang Enrique na madali mong nakumbinsi noon." he said with a stupid tune of voice.

Well, let's see kung mahihirapan nga ba akong kumbinsin ka Enrique. Nakumbinsi kita noon, ngayon pa kaya.

"Oh come on Enrique, but you're right I want you to do something for me for the second time." then I gave him an evil look. "Anyway if you still remember the video before, I kept it for you." nginisihan ko siya na ikinasama ng mukha niya.

Nagbago lang ang hitsura at tindig mo, pero hindi ang sikreto natin. It's been a long time Enrique, pero akalain mo nga namang for the second time magagamit pa rin pala kita pati ang video-ng iyon.

"You're crazy Wendy, you're still the same person before, you never changed!" halata sa boses niyang nagulat din siya sa sinabi ko tungkol sa video na lalong nagpangisi sa labi ko.

Kinuha ko ang isang papel na naka lagay sa case, sa bahaging likod ng cellphone ko.

"Here, magkita tayo dyan bukas ng tanghali. Siguraduhin mo lang na magpapakita ka, dahil kung hindi alam mo ng posibleng mangyari. Byieeee Enrique." tinalikuran ko na siya na walang kibo.

One month lang akong nanahimik dahil wala pa kaming connection kina Zhake Tao at Enrique Dior. Pero mukhang nakikiayon sakin ang mga mangyayari. Magpakasaya ka na Arta, bilang nalang ang mga araw mo. Nasira man ang unang plano ko na papahirapan kita, pwes ngayon pagdudusahin na kita. Hanggat nakikita kitang masaya.

Tandaan mo Arta, sa mundong ito, you don't have the rights to be happy bitch!

Artsherine's POV'

"Anong ginawa mo sa kwarto ko?" salubong kong tanong kay Dailez na pababa ng attic habang ako'y nakapasok na sa kwarto niya.

"Wala ba kong karapatan na i-check ang room ng wife ko?" sabay talon niya mula sa natitirang tatlong palapag ng hagdan.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Mr. Consan." then I rolled my eyes at hinawi siya para sana makaakyat ako sa hagdan ng Attic.

Alam kong masaya ko na makita siya ngayon lalo pa't sa sobrang busy niya mas madalang pa sa patak ng ulan kung magkita kami. Pero alam kong mali, hindi dapat ako matuwa.

Hindi ko pa naitatapak ang isang paa ko sa hagdanan ay bigla na lamang niya akong hinawakan sa braso at iniharap sa kaniya. Hindi iyon masakit dahil mukhang tantsado naman niya ang naging asal niya. Inaamin kong nagulat ako, bumilis rin ang kabog ng puso ko na alam kong hindi pangkaraniwan.

"Dailez isa!" nilukot ko ang aking noo at sinamaan siya ng tingin bagaman alam kong hindi niya ito papansinin ay ginawa ko pa din.

"Wala kang nararamdaman kahit na kaunti?" tanong niya gamit ang mapang akit na boses na nagpakaba naman sa akin.

"Wa-wa-wala! Huwag nga ako Dailez." halos magpali-palipit ang aking dila sa nerbyos na ipina padama niya.

Artsherine ano ba! Bumalik ka nga sa katinuan mo, nahihibang ka naaaa!

"Kahit pa ganito kalapit?" and then he wrapped his arms around my waist na naging sanhi para mas mapalapit ako sa katawan niya na talagang nagpahina sa mga binti ko.

Ganito ba ang inaasal niya dahil alam niyang posibleng bumigay ako? Alam ba niyang kakaiba rin ang nararamdaman ko? May ideya na ba siya na tulad nya'y malapit na rin akong mahulog sa bangin ng pag-ibig?

This time wala akong masmabit ni isang salita. Tila ang mga mata ko'y naestatwa sa kaniyang mata. Kundi ako nakakulong sa bisig niya, malamang ko ba ay kanina pa ako bumagsak sa sahig dala ng kahinaang dulot niya.

"Mas lalo akong nahuhulog sa'yo Sherine, ano bang gayuma ang ipinakain mo sakin at para bang ikaw na ang gusto kong kainin." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, mabilis na dumaloy ang mainit na pakiramdam patungo sa mukha ko, sigurado akong napamula ng mga sinabi niya ang pisngi ko.

Artsherine umayos ka! Kung ayaw mo ako ang aayos sa'yo!

"Ang manyak mo Dailez!" pinilit kong sabihin iyon gusto ko sanang isigaw ngunit tila awtomatikong pinahina ang boses ko na naging banayad.

Nawawala na ba ako sa sarili..

"Kung ako ang mamanyak sa'yo, aayaw ka ba?" isang nakakalokong boses ang ibinato niya sakin tsaka pinisil ang ilong ko gamit ang isa niyang kamay. "Biro lang haha. Sige na magbihis ka na, at baka sa kama pa tayo mapunta sa halip na sa Hacienda Del Luca."

Pagkabitaw niya sakin ay agad akong nagtatakbo paakyat sa Attic. Isinara ko ang pinto noon at napahawak sa mukha, sobrang init ng pakiramdam ng aking mukha.

Arrrrgh! Ano bang nakain ng kumag na 'yon at ganoon na lamang magsasalita? Baliw! Baliw! Ganoon ba ang epekto sa kaniya ng pagiging CEO? O baka naadik siya sa amoy ng perfume?

Eh bakit ba kasi ko AAAAAHHH bumalik ka sa normal Artsherine!

  Kesa matuluyan akong masiraan ng ulo sa kay Dail, maliligo na sana ako ng tangkang huhubarin ko na ang t-shirt na suot ko, doon ko lang napagtanto na..

AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon