"Noong una annulment talaga ang plano ko gaya ng napag usapan natin sa kontrata. Pero noong nakasama na kita, noong nakikilala na kita, noong hinalikan kita lahat nagbago." halos matulala ako sa bawat linyang lumalabas sa bibig niya.
Bumibilis ang kabog ng puso ko, at patuloy pa ang nagiging patibok nito habang inaatabayanan ang mga susunod pang sasabihin ni Dail.
"Mahina ka Sherine, pero biglang naging kahinaan rin kita. Isang araw nagising nalang akong iniisip ka, inaalala ang ginagawa mo." napansin kong huminga siya ng mas malalim. "Baka mamaya na aksidente ka na naman, parang gusto na kitang samahan sa lahat ng bagay. Sherine Nagkakagusto na ata ako sa'yo." iyan ang nagpahinto sa takbo ng oras sa paligid.
Para kong aatakihin sa puso ng marinig iyon mismo mula sa kaniya. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dala ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Wala akong lakas ng loob para magsalita I tried to open my mouth, but it didn't work, I felt like my mouth froze for a while kaya't nanatiling taga-pakainig lamang niya ako.
"Kung papayag ka, pwede bang gumawa tayo ng new contract, a life time contract?" halos ikalaglag ng panga ko ang sinabi niyang iyon.
Artsherine patibong lang 'yan! Sasaktan kalang niya, at sa huli babalik din siya sa Witcher na Ate mo.
Makinig ka sa isip mo Sherine! Huwag kang makinig sa puso mo dahil ipapahamak ka lang niyan!
"Huwag ka ngang magpadalos-dalos Dail. Infatuation lang ang nararamdaman mo." mariing wika ko.
Hindi ako tanga Dail, I know you hindi ka basta-basta mahuhulog.
Hindi ka katulad ni Zhake, hindi ka katulad ng first love ko. Matino kang lalaki Dailez alam ko! Si Zhake inagaw siya sakin ni Ate Wendy at nagpaagaw siya.
Pero iba ka Dailez, ayokong maulit sakin ang ginawa ni Ate Wendy kahit gaano pako kagalit sa kaniya hindi kita susulutin. Hindi ako katulad ng Ate ko.
Tumayo ako at siya namang paghawak nya sa kanang kamay ko.
"Alam kong hindi ka pa maniniwala sa ngayon Sherine, I'm willing to wait hanggang sa mapatunayan kong sincere ako sa'yo at sa pagka gusto ko sa'yo." sabay bitaw niya sa kamay ko.
Wala sa katinuan ang isip ko ng umalis ako sa lugar na 'yon. Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay nila Ate Wendy. Ang tagal ko ng hindi umuuwi dito.
"Sinong nagbigay sa'yo ng permiso na magpakita pa dito Arta?" isang galit na boses ang narinig ko sa harap ng gate.
Galit na galit ang mukha ng Mama ni Ate Wendy sakin, kung gayon ay alam na rin niya ang lahat.
"Lumayas ka na dito! Mula sa araw na ito wala kanang lugar sa pamamahay na ito malandi ka!" nag iigting ang panga niya sa galit.
Kailan ko ba siya huling makitang magalit ng ganito? Tsaka kailan bako nagkaroon ng lugar sa bahay na'to? Wala akong maalala.
"Nga pala lahat ng gamit mo abo na! Kaya lumayas kana dahil nakakadiri ka!" walang humpay ang sigaw niya.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang buhok ko. "Mga kapitbahay!" she shouted. "Itong babaeng ito inahas lang naman ang mapapangasawa ng anak ko! Sabagay pareho kayo ng Nanay mo! Malandi at makati!"
Nangilid ang luha sa mata ko ng marinig iyon mula sa kaniya, hindi ko inaasahang masasaktan niya ako gamit ang mga salitang iyon na matagal tagal na ring hindi pumasok sa isip ko. Sa pagkakataong ito pinilit kong umalis sa pagkakasabunot niya.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng pang aahas mo sa fiance ng Ate mo!" bago pako makalayo ay isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa kanang bahagi ng pisngi ko. Wala akong nagawa kundi mapahawak sa bahaging ito ng mukha ko.
Aminado akong nasaktan ako sa ginawa niya, ngunit mas masakit ang maalalang anak lang ako sa kasalanan ng totoo kong Ina at ni Papa. Anak ako sa labas, bakit nawala iyon sa isip ko.
Pero hindi ako malandi, wala akong inaahas!
"Kahit kailan Ma' wala kayong narinig sakin! Noong inalila nyo ko? May sinabi ba ako? Noong inagaw ng magaling ninyong anak si Zhake may nagawa ba ko? Ma' wala akong inaahas at inaagaw! Kung nasaang sitwasyon man ako ngayon, kasalanan nyong lahat yon!" sigaw ko sa harap niya habang dumadaloy ang luha sa mga mata ko.
Matagal kong kinimkim ang lahat ng ito, at ngayon binigyan siguro ko ng pagkakataon para mailabas ang lahat ng saloobin ko sa ilang taong pananatili ko sa impyernong bahay nila.
"Ang kapal mong magsalita ng ganiyan! Pinalamon ka namin Arta! Tapos ganiyan ang ipapamukha mo sa amin? Sabagay nakadali ka nga naman ng milyonaryo, kaya may maipag mamalaki ka na!" dinuro-duro niya ang mukha ko.. "Hala! Sige lumayas ka at ng mawala na ang malas sa bahay na ito!"
Itinulak niya ako at bumagsak ang katawan ko sa lupa. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo, kung noon wala akong lakas ng loob para umalis, ngayon talagang aalis nako sa poder ninyo!
Hindi ko kailan man hiniling na manatili sa impyernong lugar na'to! Umuwi nako sa bahay namin ni Dailez at nagmukmok lang sa Attic. Tanging hikbi ko lamang ang maririnig sa loob nito at wala ng iba pa.
Dailez POV'
Sa loob ng mahigit isang buwan ay naiayos ko ang lahat sa kumpanya bago ang pagpapakilala ng bagong produktong pabango ng Fragrance Perfum.
Hiwalay na rin kami ni Wendy, at gumagawa pa rin ako ng paraan para maipakita kay Sherine na totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya. Alam kong hindi siya agad maniniwala pero gagawin ko ang lahat para sa kaniya.
(Company Meeting)
"Kailangan natin ng effective na Marketing strategies sa paglalabas ng new product ng Perfume at para tutukan ang Event na maggaganap. Any suggestions?"
"Mr. CEO how about mag invite tayo ng mga social media influencers during the event."
"I agree with Cha Mr. CEO, malaking tulong ang mga influencers online para ipakilala ang new product natin."
"Maraming nakatutok sa mga YouTuber and even sa mga Tiktoker Mr. CEO, malaking bagay kung makakakuha tayo ng mga kilalang influencers especially sa promotion ng New product."
"Ang goal ng product natin ay mag top one sa sales sa Perfume industry at muling mailabas sa mga magazines, news, at muling makilala. Okay, mag print kayo ng mga influencers at dalhin nyo sa office ko mamaya, pipili tayo sa kanila ng sa gayon ay ma-e e-mail nyo agad at ma contact sila."
"Noted Mr. CEO."
Pagkatapos ng meeting tumawag si Mom para ipaalala na birthday ngayon ni Dad. Dinial ko ang number ni Sherine dahil hindi pa siya nag te-text o tumatawag man lang ngayong araw.
Cannot be reached pa din. Nagpalipas muna ko ng one hour at umalis na. Nag drive ako papunta sa bahay namin ni Sherine na hanggang ngayon ay tinitirhan niya. Kumatok ako pero parang walang tao mabuti nalang at may susi ako ng bahay kaya madali rin akong nakapasok.
Babad ako sa trabaho kaya hindi ako nakakapunta dito at kaya rin sa Hacienda Del Luca ako umuuwi dahil mas malapit iyon. Pero madalas ay sa company na din ako natutulog.
BINABASA MO ANG
The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️
Storie d'amoreSi Artsherine Scott ay isang dalaga na ang gusto lamang ay makawala sa poder ng pamilya niya. Dala ng pagiging anak sa labas ay itinuring na siya ng pamilya bilang katulong, minsan pa'y minamaltrato siya, at hindi rin pinag-aral ng kolehiyo, sa kagu...