Chapter Eleven

944 27 0
                                    

Artsherine Consan Pov'

Siya ang tumawag sa 'kin kanina no'ng nasa funeral home pa 'ko. Ang sabi niya'y kailangan niya ang tulong ko ng 6:00 pm ng gabi. Sinend niya sa 'kin ang address ng Granhallia Hotel. Pero mukhang hindi photoshoot ang ipinunta niya rito kundi date nila ng boyfriend n'ya na asawa ko sa kontrata.

Pero anong magiging papel ko sa eksenang ito? Nakaupo kaming tatlo at magkakaharap sa iisang mesa. Magkatapat si Dail at Wendy, samantalang ako'y nakaupo naman sa pagitan nilang dalawa.

"Café au Lait, Espresso, Mocha latte.."

Ang bangoooo! Napapalunok ako sa mabangong amoy na nagmumula sa mga kape. Nilalandi na naman ako ng kape.

"Is that all Ma'am?"

"Hey Artsherine what do you want to order?"

Agad nabaling ang tingin ko sa bruhang si Wendy na may kakaiba talagang ikinikilos. Mukhang naka-order na sila, at ako nalang ang hindi pa.

Arta ang tawag niya sa akin kasi naniniwala siya na iyon daw ang mas nararapat na itawag sa 'kin kesa Artsherine, because for her Arta means ugly, stupid and pathetic.

"Anything," peke kong sagot.

"Miss do you have a coffee menu?" Singit ni Dailez.

Pasimple akong napatingin kay Dail na parang alam ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na'to.

Habang kataka-taka naman ang tingin na ibinato sa kaniya ni Ate Wendy na obvious namang gusto ng ilabas ang totoo niyang ugali.

"Yes po Sir," sagot nito.

"Puwede ko bang makita? Thank you."

"Sure Sir, kukuhanin ko lang po."

After a few minutes bumalik na ang waitress, at inabot kay Dail ang coffee menu.

"Here's the menu, I think much better kung ikaw ang pipili ng gusto mo." Sabay abot sa akin ni Dail ng menu.

Napatingin ako kay Wendy bago ko kinuha ang menu, as usual she just gave me half faked smile. Ano bang iniisip niya sa mga oras na ito?

"One doppio coffee please with one slice of chiffon cake, I think that's all Miss. Thank you." I said.

"Mukhang kilalang-kilala mo na si Artsherine, babe."

Ang akward na nga ng situation namin, pero mas lalo pa niyang pinapalala.

"Madalas ko kasi siyang makita na may dalang coffee." Tipid na sambit ni Dail.

"Ahh I see," Wendy said, tapos sa akin siya lumingon. "Nga pala Artsherine pinapunta kita rito para maging saksi sa pinaka importanteng araw ng buhay ko." Dugtong niya pa.

Napatitig ako sa sinabi niya na hindi ko naman maintindihan.

Dumating na ang order namin, at kumain na kami. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Wendy kanina. Kailan pa siya naging ganito ka weirdo? Ang witcher kailan pa nagka pake sa presensiya ko?

Napansin kong parehong nasa table ang kamay namin ni Dail, at sh*t 'yung wedding ring! Suot pa namin pareho.

Mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa lamesa. Anong gagawin ko? Bakit kasi hindi ko tinatanggal, argh! At ito namang si Dail napaka-careless, ba't naman ngayon n'ya pa sinuot? Eh sa pagkakaalala ko'y inaalis niya 'yon kapag wala siya sa Hacienda.

"Babe feeling ko'y handa na 'ko.." Napataas ang tingin ko kay Wendy na hinawakan pa ang kanang kamay ni Dail.

Bakit ako kinakabahan sa sitwasyong ito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na tila lumalamon sa 'kin ngayon na may kahalong kirot.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon