Arthsherine Consan Pov'
"Sa iisang kuwarto tayo matutulog?" Halos lumuwa ang dalawang mata ko habang sinusundan si Dail paakyat ng hagdanan.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi sa'yo ni Lola Letecia? At yung sinabi ko about sa Attic?"
So totoo nga na pinagawan kami ng kuwarto ng Lola niya at pinagpasadya niya ako ng Attic? Ano ba, baka pagsamantalahan ng Dail na 'to ang pagkababae ko.
No waaaaay! Napatakip ang dalawang kamay ko sa dibdib ko na pa-cross.
Hindi, hinding-hindi ko isusuko ang bataan! Kahit pa ang tarlac at laguna!
"Baka nakakalimutan mong Mrs. kita sa loob ng pamamahay na ito, Sherine." Aniya.
Napahinto ako ng nasa harap na kami ng isang kuwarto.
Napakagat labi ako at nangiwi sa nilalabas ng bibig niya. Pagkabukas niya ng pinto noon ay siya namang lingon n'ya sa 'kin. Na para bang nababasa niya ang takbo ng isip ko.
Santisima! Kahit na anong mangyari ay hindi ko ibibigay sa kaniya ang perlas ng silanganan, kahit pa ang prelas ng timog, hilaga at kanluran!
Sa bawat hakbang ng paa niya palapit sa 'kin ay siya namang pag angat ng paa ko paatras.
"Misis kita, asawa, apelydo ko ang dala mo, so wala naman sigurong masama kung gagawin na natin diba?" Tapos ay ngumisi siya.
Oh mahabagin, pigilan ninyo po siya, 'di po niya alam ang sinasabi niya.
"Ano ba Dail, nasisira--" Bago pa 'ko matapos magsalita ay bigla niyang sinalo ang waist ko dahil muntik na akong mauyot, at kung nagkataon ay siguradong maggugulong-gulong nalang ako sa hagdanan.
Nag slow motion ang lahat, kung paano niya sinalo ang likod na bahagi ng baywang ko, kung paano naka sway sa braso niya ang likod ko, at kung paano niya ko hinapit sa katawan niya palapit para lang hindi niya ko mabitawan.
"Lapitin ka talaga ng disgrasya 'no?" Pagkasabi niya noon ay inayos niya ang puwesto ko, saka humiwalay sa waist ko. "Kung ano-ano kasing iniisip mo, mukha bang gagalawin kita?"
Pumasok na siya ng kuwarto at naiwanan ako sa labas na tulala. Ano bang nangyayari sa 'kin, bakit nag slow motion? Sinampal ko lang ang sarili ko ng matauhan.
"Aray!" Bumalik na ang kukote ko sa tamang takbo ng makaramdam ng sakit, kaya pumasok na 'ko sa kuwartong pinasukan ni Dailez.
Bumungad sa 'kin ang napakagarbong kuwarto namin, may picture pa naming dalawa nung kasal na nasa isang malaking portrait na naka-dislpay at mga picture namin ni Dailez na naka ayos sa ibabaw ng maliit na table na may tucador sa ibaba.
May puting curtain na floral at malaking flat screen TV. At ang nakaagaw talaga ng pansin sa mata ko ay ang bed namin na sobrang laki. Kulay white rin tapos ang paligid nude color palette. Overall napaka ganda.
"Woah ang ganda!" Iyan ang naging reaksiyon ko at ibinaba ang bag sa table na malapit sa pinto. Isinara ko muna ang pinto at naupo sa kama. "Ang lambot!" sabi ko.
Si Dailez naman ay binuksan ang black sliding aluminum window. Pagtingin ko, wow! Ang ganda, tanaw na tanaw sa puwesto namin ang mga bahay sa paligid. Meron din sa labas ng window na parang maliit na Terrace na may bench pa na made of wood.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Dail sa 'kin na naupo sa bench. Tumango naman agad ako dahil totoo namang nagustuhan ko.
"Design idea mo?" I asked, tapos ay nahiga ako sa kama para damahin ang lambot nito.
"Oo, pero ginamit ko rin yung mga ideas ni Wendy." He said, naipikit ko lang ang mata ko, nang sabihin niya iyon.
So kaya ganito ang hitsura ng kuwarto, ay dahil para kay Wendy talaga 'to nakalaan kapag naghiwalay na kami.
BINABASA MO ANG
The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️
RomanceSi Artsherine Scott ay isang dalaga na ang gusto lamang ay makawala sa poder ng pamilya niya. Dala ng pagiging anak sa labas ay itinuring na siya ng pamilya bilang katulong, minsan pa'y minamaltrato siya, at hindi rin pinag-aral ng kolehiyo, sa kagu...