Chapter One

1.3K 37 3
                                    

Arthsherine Consan Pov'
(Hacienda ng mga Consan)

Kasalukuyan kaming nakaupo sa couch ni  Dailez. Kumakain siya ng hiniwang mansanas sa tabi ko, tapos ay kaharap namin si Lola Letecia.

"Apo bakit hindi pa kayo dumito nalang?" Iyan ang naging sanhi para mapahinto sa pagkagat si Dailez, habang 'di ko naman magawang ibuka ang bibig ko.

"Lola nag aaral pa po si Sherine." Pagdadahilan ni Dailez.

Parang kong robot na nakikinig lang sa kanila at hindi ko malaman kung ngingiti ba 'ko o ano. Hindi alam ni Lola Letecia ang tungkol kay Ate Wendy. Na may proposal na nagganap sa pagitan ni Dailez at nung impaktita kong Ate.

Minsan napapaisip din talaga 'ko, na baka kaya lang nag proposed si Dailez don sa bruhang 'yon, kasi nga dahil sa kalagayan ng Lola niya.

"Kahit ngayong gabi lang, pinagawa ko pa naman kayo ng kuwarto rito sa Hacienda." Sabi pa nito.

Napalunok ako ng malalim at napatingin kay Dailez. Halos lumuwa naman ang mata ko ng hawakan ni Dailez ang kamay ko na nakapatong sa mga tuhod ko. Tapos ay ngumiti siya na parang ewan.

"Ayos lang ba sa'yo asawa ko?" He said, kaya bigla akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya.

"Asawa ko?"

Binato ako ng masamang tingin ni Dailez na nagpabalik sa katinuan ng isip ko. Dahan-dahan kong inilingon ang mga mata ko kay Lola Letecia na ngayon ay ako naman ang pinagtatawanan.

"Dumito na muna kayo. Magpapahanda ako ng mga masasarap na putahe mamayang gabi." Masiglang sabi niya sa amin.

At dahil mukhang wala naman akong magagawa'y pumayag na rin ako.

*Mangosteen Farm*

"May klase pa 'ko mamaya at delivery ng flowers. Babalik nalang ako." I said habang pinapanuod na mamitas ng mangosteen ang mga farmers.

"Ihahatid kita mamaya sa school mo, tapos ay susunduin nalang kita." Cold niyang saad sa 'kin habang kasabay kong naglalakad sa farm.

"Nga pala, diba ay may date pa kayo ni Ate Wendy?" Bulong ko, kahit cold na siya magsalita'y wala akong pakielam. Kanina maayos naman siya, ano kayang nangyari.

"Oo, after ng photoshoot niya. Huwag mong banggitin ang tungkol doon kapag nasa loob tayo ng Hacienda." He replied with a cold tone of voice.

"Okay, sabi mo e." Pagkasabi ko niyan ay nauna na 'kong maglakad at tiningnan ang mga na-harvest ng mangosteen.

Naupo ako at hinawakan ng isa-isa ang mga prutas, napansin kong lumagpas sa puwesto ko paglalakad si Dailez. Tiningnan ko siya, I mean yung likod lang pala niyang matikas ang nakikita ko.

"Away mag-asawa?" Isang tinig ang kumuha sa atensiyon ko, kaya't naibaling ko ang tingin ko sa matandang babae na nag-aayos ng mga mangosteen.

"Ay hindi po Manang." Depensa ko, tapos ay iminostra ko pa ang kamay ko at ngumiti.

Akamang bibigyan ko pa ng isang sulyap sana si Dailez ng magtama ang mga mata namin, kaya sabay iwas ko ng tingin sa kaniya.

Siguro'y iniisip niya sa mga oras na 'to si Wendy. Sad, e ano bang pake mo Artsherine, huwag kang maging concern masyado.

"Oh tikman mo!" Nagulat ako ng nakaupo na pala si Dailez sa harapan ko at naka alok ang kamay na may mangosteen.

"Ayoko --"

Pero bago pa 'ko makapagsalita ay isinubo na niya agad sa bibig ko iyon.

Makalipas ang ilang minuto'y hinatid na rin ako ni Dailez sa University na pinapasukan ko, pagkatapos ay nag-bike ako papunta sa flower shop ni Gladys, kaibigan ko.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon