Chapter Two

1.1K 40 1
                                    

Arthsherine Consan Pov'
(Photoshoot)

"Arta ano ba, tutunga kana lang diyan?" Inis na usal ni Ate Wendy sa 'kin.

Huminga ako ng malalim at itinuloy ang ginagawa sa mukha niya, ni hindi ako sumulyap kay Dailez kahit isang beses dahil ayokong mapansin niya ang katangahan ko.

"Nasaan ang make-up artist mo? Bakit si Artsherine ang nandito?" Dailez asked.

Napakagat labi ako ng siya na mismo ang bumanggit sa pangalan ko. Bakit ba kasi kailangan pa ulit naming magkita rito. Kainis.

"Babe close ba kayo ni Arta? Huwag mo ng siyang tawaging Artsherine dahil hindi bagay sa histura niya." Puno ng mapanghusgang saad pa ni Wendy.

Nagsalita na naman ang impaktitang bruha. Kung alam mo lang Wendy Scott, ikamamatay mo ang lihim ko.

"Okay start na tayo." Sigaw nung photographer.

Tumayo na si Ate Wendy at humalik kay Dailez bago kami iwanan. Inayos ko na ang mga make-up tools at hindi pa rin nililingon si Dail.

"Bakit nandito ka? Hindi ba may delivery ka?" Tanong niya mula sa likod ko.

Bakit ba kinakausap niya 'ko?

"Tinatanong pa ba 'yon." Suplada kong sambit sa kaniya, tapos ay kumuha ako ng wipes at naglakad kung saan, naiihi na kasi ko.

Saan kaya rito ang confort room? Sasabog na ata ang pantog ko. Nang malakayo ako sa set ng photoshoot nila ay biglang may humila sa braso ko papunta kung saan.

"Bitawan mo nga ako, ano ba!" Mahinang sigaw ko kay Dail na hila-hila ang braso ko.

Masyado siyang malakas para makawala agad ako.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya ng sa wakas ay huminto na rin siya kakahila sa 'kin.

"Anong mangyayari sa 'kin?" Pagbabalik ko ng tanong na nagpakunot ng noo niya. Sus 'di bagay.

"Seryoso ko Artsherine, bakit ang dami mong sugat?" Mariin niyang tanong ulit. Osige mag tanungan nalang tayo.

"Wala lang 'yan, huwag mong pansinin, bumalik ka na ron at baka hanapin ka ni Ate Wendy." I said, sabay talikod ko sa kaniya.

Akala ko ay tapos na, pero hinawakan niya ulit ang braso ko at hinila paharap sa kaniya.

"Mamaya tayo mag-usap, ayusin mo 'yang sarili mo. Mahiya ka naman kay Lola Letecia, baka akalain niyang namulot lang ako ng mapapangasawa sa kalye." Inis niyang singhal sa 'kin saka ako iniwanan.

Nakadama ako ng kirot sa loob ko. Ngayon ko lang narinig si Dailez na magsalita ng ganoon. Sa loob ng one month, ay ito lamang ang unang beses na nagalit siya.

Kulang nalang ay sabihin niyang panget ako. Na hindi ako maganda, na mukha lang akong basura at wala ng iba pa. Bakit ba ko nabaitan sa lalaking 'yon? Pareho nga lang pala sila ng ugali ni Ate Wendy. Wala silang pinagkaiba sa isa't-isa. Bagay nga sila.

"Oh Artsherine bakit ka umiiyak? Don't tell me ngayon ka pa maapektuhan?"

Pinunasan ko agad ang luha ko at hinanap na ang comfort room, pagkatapos ay bumalik na rin agad ako sa set. Nadatnan ko naman si Dail na nakatayo at nakatingin sa kinukuhanang si Ate Wendy.

Gwapo si Dail, maganda si Ate Wendy. Parehong masama ang budhi nila. What a perfect match! Naupo ako sa isang bakanteng upuan at nilibang ang sarili sa cellphone.

"Aray!" Mahinang sambit ko ng aksidenteng tumama ang tuhod kong may gasgas sa lamesa.

"Arta pa-retouch naman!" Sigaw ni Ate Wendy.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon