Chapter Four

986 35 1
                                    

Dailez Consan Pov'

"Manang nakita mo si Sherine?" Iyan ang tanong ko agad pagkabukas ng pinto sa kusina.

"Ahh oo kanina nung namalengke kami, umalis na siya. Hindi ba nagpaalam?" Sagot ni Manong Arturo na nag kakape.

Umalis siya ng hindi nagsasabi sa 'kin? Ano bang iniisip ng babaeng 'yon. Ang tanga mo Dail, kasalanan mo.

Na aksidente na nga yung tao kahapon, kung ano-ano pang kabulastugan ang sinabi mo sa kaniya.

Eh ano naman, tama lang 'yon sa kaniya. Malay mo gusto lang talaga niyang gantihan si Wendy. Kaya plano ka rin niyang ilaglag.

"Hijo umamin ka nga sa 'kin, matindi ang away ninyong mag-asawa? Kahapon ko pa napapansin." Tanong ng Mommy na papunta rin sa kusina at mukhang ako ang kailangan.

"Napansin ko rin 'yan Mam, isinasabay namin kanina si Sherine pero tumanggi siya at mas pinili niyang mag commute." Dagdag pa ni Manang Irma na asawa ni Manong Arturo.

"Dail ayusin n'yo 'yan, huwag mong pinapasama masyado ang loob ng asawa mo." Diko pa man naibubuka ang bibig ko ay iyan na agad ang binilin niya.

Bakit ba ang bait-bait nila kay Sherine? Ano bang meron sa babaeng 'yon, hindi siya maganda, sobrang balahura sa katawan. Sa sobrang takaw nananaba na rin siya. Laging hinahabol ng suklay ang buhok, tapos napaka-dirain din sa maraming bagay. At higit sa lahat prone siya sa accidents. Hindi ko alam kung lampa ba talaga siya o pabaya lang.

Mukha siyang pera.

Pero nakikita ko yung dedikasyon niya para makaalis lang sa poder ng tumatayong magulang niya.

Nakakaawa siya, pero paano kung sa kabila ng mga kuwento niya'y wala naman palang totoo. Oo nakita ko kung paano siya binully kahapon nila Wendy, kaso paano kung nagsasabi lang sila ng totoo.

Artsherine Consan Pov'
(Martina University)

"Art gusto mong sideline mamaya?" Bulong sa 'kin ni Reeve, habang oras ng klase sa STS (Science, Technology and Society).

"Anong oras ba?" Excited kong tanong sa kaniya.

"Mga 5:30 pm siguro, ano game ka ba? Sayang din kikitain mo rito." Medyo nag ningning ang mata ko sa sinabi ni Reeve. Basta usapang pera go ako diyan.

Sinulat ko sa notebook ang sagot ko sa offer niya.

"Kol!" Iyan ang isinulat ko. Maya-maya pa'y nag ring na ang bell, senyales na dismissal na, naka three subjects na 'ko sa morning class at sa afternoon class ay wala naman na kaming klase.

"Reeve can I get your number?" Isang balingkinitang babae ang lumapit sa 'min ni  Revo. Nakalabas na kami ng room at kasalukuyang naglalakad sa corridor.

"Sorry, I'm taken." Mabilis niyang wika dmrito, medyo napahiya yung babae at naglakad na ulit kami ni Revo.

Siya si Reeve Layen, classmates ko and best friend. Tinatawag ko siyang Revo, at Art naman ang nakasanayan niyang itawag sa 'kin madalas, pero minsan hindi.

Hindi siya ganoon ka gwapo, pero malakas ang dating niya sa mga babae. Kaya maraming nagka ka-crush sa kaniya. Matangkad, medyo payat, laging nakasalamin, maputi, pointed nose, medyo may pagka dry ang lips kaya laging nag bi-bleeding, pero ang lakas talaga ng appeal niya.

Naudlot ang paglalakad ko ng may nag pop-up bigla sa utak ko.

"Wait Revo." Napahawak ako sa wrist niya.

"Anong klaseng mukha iyan? Bakit ba?"

"Tama ba ang narinig ko, taken ka na?" Diretso ang mata kong nakatitig sa mismong mata niya.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon