Chapter Five

1K 34 2
                                    

Arthsherine Consan Pov'

"Runaway Model, Fashion show 2020"

Iyan ang nabasa ko sa mga malalaking banner na nakapaskil sa loob ng private resort. Busy ang karamihan at abalang inaayos ang gaganapan ng Fashion show.

Nakasunod lang ako kay Dailez, pero ilang hakbang ang layo ko sa kaniya. Dahil baka sa sobrang sama ng ugali niya ay masunog nalang ako bigla, kapag dumikit ako sa kaniya.

"Coffee, chocolate with whipped cream. Hindi ako pwedeng magkamali, caffé latte."  Pagkausap ko sa isip ko ng makaamoy ako ng coffee.

"Miss ikaw ulit?"

Tiningnan ko ang pinanggagalingan ng tinig, at tama nga ako dahil siya yung gwapong may pandesal na binangaaan ng mukha ko.

Magkakasalubong kasi kami ng daan, naalala niya pa 'ko. Siya ang unang tao na kahit saglit palang akong nakita, ay 'di pa rin ako nakakalimutan.

Mukhang kasali siya sa fashion show ngayon dala ng suot niya na kakaiba at bagay na bagay sa katawan niya.

"David nga pala, Miss." Sabay alok niya sa kamay niya, para makipag shake hands. Pero hindi ko alam kung ibibigay ko ba ang kamay ko.

Lord naman, bakit lapitin ata ako ng mga gwapings ngayong araw na ito? Chararat pala'y isa. 

"Sherine ano pa bang tinatayo-tayo mo riyan?" Sigaw ni Dail sa 'kin.

"Nice to meet you again, Sherine." Saka inabot nung lalaki yung isang kamay ko, at nakipag shake hands. Tapos ay umalis na rin.

Ang weird niya, pero bakit ang lamig sa tengang marinig na tinawag niya 'ko sa pangalan ko na narinig niya kay Dail? Nakaka in love.

Erase, bura. Gumising ka sa katotohanan Artsherine, sa tingin mo ba'y may magkakagusto sa'yo sa mga gwapong nasa paligid mo? Eh mga ka uri mo nga'y ayaw na sa'yo, sila pa kayang mga nasa itaa? Hamak na taga-tingin ka lang, huwag kanang mag assume. Nangangarap ka pa bang maabot ang mga bituin?

Tinampal ko ang pisngi ko at nagtatakbo na papunta sa make-up room ng mga model kung saan pumasok si Dail.

Mga mapanghusgang tingin naman ang nakuha ko, siguro'y dahil sa uniform ko, sa hitsura ko at higit sa lahat siguro'y dahil para sa kanila ay isa lamang akong maliit na piraso ng dumi. Na any moment, kapag dumikit sa kanila ay pandidirihan agad nila. O edi sila ng malilinis! Mga hangal.

"Babe sorry kung pinadaanan ko pa sa'yo 'yang si Arta."

Rinig kong maarteng saad ng Ate ko.

"Ano ba 'yan, ang bantot ng pangalan."

Isang bakla ang nagsalita na naging dahilan para matawa ang mga tao sa loob noon bukod sa akin.

"Si Wendy kasi ang selfish, hindi man lang nag share ng blessing sa kapatid niya." Dagdag pa nung babaeng tiyanak na nambully din sa 'kin nitong nakaraan.

Sige lang, kutyain n'yo lang ako. Digital naman ang karma.

Naglakad ako palapit sa puwesto ni Wendy ng humarang sa harap ko ang isa pang babae.

"Dry hair, dry lips, dry skin. Wendy hindi mo naman sinabing may kapatid kang tuyot." Panlalait sa 'kin nung babaeng lumapit pa para hawakan ang buhok ko.

Tuloy pa rin sila sa tawanan habang ako'y parang barbie doll na nakatayo at hinahayaan silang pagtawanan ako. Umuugong ang malakas na halakhakan sa loob ng make up room, maingay, magulo hanggang sa parang umiikot na ang paningin ko.

Kaya napahawak ako sa ulo ko dala ng panlalabong nangyayari sa akin. Hanggang sa tuluyang mawala ang paningin ko.

*After 1 hour*

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon