Dailez Consan Pov'
Dapat ko bang sagutin ang tawag mo Wendy? Gayong isandaang porsiyentong nagkakasala ako sa'yo?
Magpakalalaki ka Dail, mas mabuting putilin mo nalang bago ka pa mas makasakit ng babae.
"Hello Babe," bungad ko sa tawag niya.
(Babe I miss you.) Saad niya sa kabilang linya.
"Magkita tayo mamaya, susunduin kita d'yan sa inyo."
(Bakit walang I miss you too? Tsk, nagtatampo na talaga ko sa'yo babe, kainis ka.) Malungkot ang boses niya.
"I miss you too, sorry babe." I said, i tried.
Pinipilit kong maramdaman ang pakiramdam noon, pero bakit kunsensiya nalang ang tumatakbo sa isip ko?
(Wala 'yon, osige na babe byieee! May rehearsal pa kami. I love you.) Masiglang aniya sa kabilang linya.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng sabihin niya ang salitang I love you, natulala nalang ako hanggang sa patayin niya ang tawag ng walang I love you too siyang narinig mula sa akin.
*ding-dong*
Doorbell ang nagpagalaw sa 'kin sa puwesto ko. Pumunta ako sa pintuan at agad sinilip sa maliit na butas ang tao sa labas, si Mom pala.
"Oh Mom ang aga n'yo naman ata?" Bungad kong tanong sa pintuan, agad siyang pumasok at sinipat ang paligid.
"Ang asawa mo nasaan? May pasok ba siya ngayon?" Tanong niya na hindi na sinagot ang naunang tanong ko.
"Nasa taas po, nga pala anong ipinunta n'yo rito?" Pag-uulit ko.
"Good question, halika at maupo tayo. May idi-discuss ako sa'yong mahalagang bagay."
Mukhang seryoso iyon kaya't sinunod ko naman siya at naupo kami sa may sofa.
"Business?" I asked.
"Yes, we need your help son. Ang uncle Lance mo ay lumipad na papuntang Israel, wala ng mamamalakad ng kumpanya." Paunang sabi niya, pero iba ang kutob ko rito. "Nasa critical condition ang company, nalubog sa utang at dahil iyon sa kagagawan pa rin ng uncle Lance mo. Kapag hindi tayo kumilos ay baka tuluyang ma-bankrupt ang company." She added.
"Kung ganoon ay ako ang tatayong CEO ng Fragrance Parfum?" I asked, tapos ay tumango naman siya agad.
Ang Fragrance Parfum (F.P) ang isa sa mga kumpanya sa Pilipinas na nag po-produce ng isa sa pinaka kilalang brand ng pabango sa bansa noon, na ngayon ay hindi na gaanong kakilala dahil sa mga controversial issues na si uncle Lance pa rin ang dahilan.
"Ikaw nga at wala ng iba pa. Son may potential ka na magpalakad ng kumpanya, ikaw lang ang inaasahan ng mga Consan na mag-ahon sa F.P company." She said.
Sa tono ng boses niya'y alam kong kailangan nga nila ang tulong ko. Sa oras na bumagsak ang kumpanya ay tiyak na apektado rin pati ang private life namin ng pamilya, kaya't wala akong ibang choice kundi ang tumayong CEO ng F.P.
Pagkatapos ng usapan namin ni Mom ay umalis na rin siya agad dahil may trabaho pa siya sa farm ng Hacienda Del Luca. Halos isang oras na ay hindi pa rin lumalabas si Artsherine sa attic.
Artsherine Consan Pov'
Phone ringing--
Nagising ako sa sunod-sunod na ring ng cellphone ko, kaya naman nakapikit ko itong kinapa sa ilalim ng unan na hinihigaan ko.
"Hello?" Tipid kong bungad dito.
(Mars may sideline ako para sa'yo today? Want mo?) Si Gladys lang ang kilala kong nag-aalok ng sideline na mukhang ligayang-ligaya sa buhay, dahil rinig na rinig ang tawa niya mula sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️
RomanceSi Artsherine Scott ay isang dalaga na ang gusto lamang ay makawala sa poder ng pamilya niya. Dala ng pagiging anak sa labas ay itinuring na siya ng pamilya bilang katulong, minsan pa'y minamaltrato siya, at hindi rin pinag-aral ng kolehiyo, sa kagu...