Chapter Twelve

966 30 0
                                    

Artsherine Consan Pov'

"Tse! Kapal mo!" Ismid ko sa harapan niya.

"Tatayo ka kasi." Pang-aasar pa niya, obvious na pinipigilan niyang matawa sa sinabi. Bastos 'to.

"Nakatayo na nga diba? Bulag ka ba?" mataray kong wika. "Tsaka sino ka ba?" Sabay taas ko ng isang kilay.

"Miss Sherine woah!" Napahawak siya sa noo niya na para bang na disappoint sa akin. "Hindi mo nga ako naalala, gano'n?"

Sino ba'to? At saka bakit Sherine ang tawag niya sa 'kin? Kailangan pa 'ko nagkaroon ng ganito ka gwapong kakilala?

"Sino ka ba?" curious kong tanong.

"David? 'Yung model? Twice na tayong nagkita, nakalimutan mo na agad." Medyo may pangungunsensiya ang tono ng boses niya.

David? Ahh! Naalala ko na! Nakagat ko ang labi ko ng maalala ko kung sino nga siya, at kung ano ang papel niya sa buhay ko. Papel talaga, tch.

Siya 'yung model na binanggaan ng mukha ko no'ng unang pagkikita namin sa photoshoot ng witcher na si Wendy, at 'yung pangalawang beses ay sa Runaway Fashion show! Oo nga.
Hinablot niya pa ang kamay ko noon at nakipag kamay.

Omayyyjii!

"Naalala mo na no? Sa gwapo kong ito'y gano'n mo lang kadaling nabura sa isip mo." Medyo may pagka mahangin niyang saad.

Dahan-dahan akong tumango. "Sorry, ang kapal nga naman ng mukha kong makalimutan ka sa pangit kong ito." Tumawa pa 'ko pero yung labas ngipin at halatang pilit.

"Big ekis sa mga babaeng sinasabihang pangit ang sarili nila. Ay! Bad 'yon, maganda ka okay?" He said.

Siyang ikinagwapo niya'y siya ring ikinabolero.

"Oh Art nandito ka lang pala."

Napatingin kami ni David kay Revo na may dalang Ice cream at kasama na rin si Gladys na binato ako ng kakaibang tingin.

"Friends mo?" Tanong ni David sa 'kin.

"Yeah." I said tapos ay naglakad ako papunta kina Revo na malapit lang naman. "Revo, Gladys, si David nga pala. Kasamahan ni Ate Wendy sa fashion show nung mga nakakaraan." Pagpapakilala ko sa kaniya.

"Hi bro' nice to meet you!" Revo said.

"Hello Kuya, I'm Gladys!" Sabi naman ni Gladys na seryoso ang mukha.

"Hello din sa inyo. Wait tama ba ang narinig ko na kapatid ka ni Wendy Yeshia Scott?"

"Oo, kapatid siya ng bruhang impaktitang nilalang na 'yon!" Bago pa 'ko makasagot ay si Gladys na ang nagsalita.

Natawa ako bahagya dahil ganoon na lamang ang galit niya kay Wendy.

"Totoo pala ang mga k'wento, nga pala nice to see you again Sherine Scott. Sana next time na magkita ulit tayo ay kilala mo na 'ko." Iyan ang mga linyang iniwanan niya sa 'kin bago umalis.

"HAHAHAHA!" Halakhak ni Revo at Gladys ng makalayo sa amin si David na ikinataka ko naman.

"Anong meron?" Tanong ko dahil parang ako lang ang walang alam sa dahilan kung bakit para silang hihimatayin sa pagtawa.

Mga abnormal.

"Mars hindi mo nakita? Butas 'yung boxer na suot ng model na friend mo HAHAHAH!" Halos ikaubos ng hininga niya ang paghagalpak niya ng tawa na kalaunan ay pinilit pigilin dahil sa mga tao sa paligid na nagtitinginan sa amin.

Teka butas ang boxer? Halos mapagsalikop ko ang ibaba at itaas na bahagi ng labi ko para pigilin rin ang pagtawa. "Gagi 'di ko napansin 'yon."

"Sa may p'wetan kasi kaya 'di siguro nakita HAHAH!" Hindi pa rin tumitigil si Revo sa pagtawa na akala mo ngayon lang nakakita ng butas na boxer.

"Color purple pa atang brief na suot n'ya HAHAH!" Kahit anong pigil ni Gladys sa tawa niya'y wala siyang magawa kaya nahahawa na rin ako.

"Hoy tumigil na kayo, pati ako'y dinadamay ninyo sa kalokohan n'yo. Tara na at ituloy ang pamimili." Sabi ko at naglakad na, hindi ko mai-alis ang kakat'wang pangyayari na 'yon sa isip ko.

Lintik kasi apaka hangin niya kanina na kesyo gwapo raw siya, butas naman palang suot na boxer.

Dailez Consan Pov'
(3:30 PM)

"Mr. Consan, meron po kayong stakeholders meeting ng 6:00 PM sa Fragrance Perfum hall and also meeting with the board directors ng 8:00 PM."

Naisubsob ko ang ulo ko sa desk habang nakaupo sa swivel chair.

Bakit ba ang daming problemang iniwan ni uncle Lance? Itinaas ko ulit ang ulo at tumingin sa secretary ko.

"Kumusta ang marketing department?" I asked.

"Gumagawa na po sila ng plan for the sales promotion next month. Pero may mga employees na rin po na nagpasa ng resignation letter dahil sa pag-aalala na baka tuluyan ng bumagsak ang kumpanya, at hindi na makaahon lalo pa't umaasa nalang daw tayo sa mga investors ng company." She explained.

Hindi na ako nagulat dahil inasahan ko na 'yon.

"Maglalabas tayo ng bagong product next month, iyan ang goal natin at maipakilala agad ito sa market as soon as possible. Patataasin natin ang sales nito kahit na anong mangyari. Paki cancel ang lahat ng meetings ko ngayong araw."

"Okay po Sir."

Ilang araw kong ibinababad ang sarili ko sa trabaho, maraming impleyedo ang umaasa sa akin ngayon. Pagkatapos ng pag-uusap namin ng secretary ko'y itinuon ko ang atens'yon ko sa pag pa-plano.

Alam kong sobrang ikli ng panahon para makapag produce ng new product at pataasin ang sales nito, pero alam kong kaya pang bumangon ng kumpanya.

Phone ringing--

Napahinto ako sa ginagawa ko ng makita kong tumatawag si Wendy.

(Babe ano ba 'yan ang tagal mo namang sagutin.)

"Magkita tayo babe, nasaan ka ba?"

(Ano ba 'yan, namiss mo agad ako? Sure.)

"Ngayon na."

I ended the call at kinuha ang susi ng kotse at nagmamadaling umalis. Hindi ko na kayang patagalin pa ang mga pangyayari.

A few minutes after, inihinto ko na ang kotse sa tapat ng isang luxury hotel at pumunta sa isang restaurant na malapit doon. Nakita ko agad ang p'westo ni Wendy. Ilang menutos akong tumayo sa entrance ng restaurant. Hindi ko intensiyon na saktan ka at lokohin. I know you, mahal na mahal mo 'ko at ganoon rin naman ako sa'yo.

Humugot ako ng lakas ng loob para maglakad patungo sa p'westo niya, bigla nalang nangyari ang lahat. Lumalaon mas nakikita kong mahalaga rin sa 'kin si Sherine, may personalities siya na sa kaniya ko lang nakita. Hindi ko ma-admit sa sarili ko kung ano ba talaga itong nararamdaman ko but at least mapalaya muna kita.

Wendy, I had feelings for you, and they were true, but when I was with Sherine, I saw that they were pure.

"Babe ang bagal mong maglakad!" Tumayo siya, at sinalubong ako ng halik sa labi.

"Maupo na tayo," tipid kong saad.

"Wait, I'll show you something Babe." Tapos ay may maliit na box siyang inilabas na nagpalaki sa mga mata ko.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon