Chapter Eight

988 33 1
                                    

Artsherine Consan Pov'

   Isang linggo na ang nakakaraan nang maganap ang Runaway Fashion Show. Pero hindi pa rin ako umuuwi sa bahay, mas kampante pa 'ko sa bahay na niregalo sa 'min nang Mommy ni Dailez.

"AHHHHHHH!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko sa baba habang nag-aayos ako ng sarili dahil may pasok.

Sigaw ba 'yon ni Dailez? Bababa o bababa?

Tanong ko sa sarili ko na nakaharap sa salamin dito sa kuwarto ni Dail, samantalang sa attic naman ang kuwarto ko.

At dahil sabi ng brain ko ay bumaba raw ako, edi sinunod ko naman iyon agad. Bumaba ako at hinanap ang pinanggagalingan kanina ng sigaw.

"Dail?" Tawag ko sa pangalan niya sa sala, wala kasing katao-tao.

Pero walang sumasagot, umalis naba siya? Wait sigurado akong sigaw niya ang narinig ko kanina.

Pumunta ako sa kitchen para sana kumuha ng tubig kaso narinig ay ko ang shower sa CR, kaya naglakad ako palapit sa may pinto.

"Dailez?" Pagtawag ko sa pangalan niya, pero hindi siya sumasagot. Tinry ko ring kumatok at idikit ang tenga sa pinto ng CR, pero wala pa ring response.

Hindi kaya naiwanan niyang bukas? Oh multo? Baka nga may multo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng comfort room ng makita ko ang lalaking nakahandusay sa harap ko.

"Dail?" Sigaw ko sa kaniya pero hindi siya kumikilos. Agad akong napalapit sa puwesto niya. Halos mapatakip ako ng mukha ng mabaling ang mata ko sa basta!!

Basta, ang mata ko hindi na virgin! Shit!

Gaga ka Arta, walang malay 'yan uunahin mo pa ang mata mo.

"Dail sasampalin kita pag hindi ka nagising!" Sigaw ko sa kaniya na hindi ko pa rin magawang imulat ang aking mga mata.

Depungal talaga! Bakit naman kasi kailangang maghubad pa habang nag sha-shower? Saka dipa ni-lock ang pinto?

"Dail naman e!" Pag-iinarte ko at sinubukang kapain ang puwesto ng ulo niya, yung ulo na may mata ah! Say no to madumi ang pag-iisip.

"Dail hinimatay kaba kasi nadulas ka? Bobo ng sahig no?" Pagkausap ko sa kaniya, pero hindi pa rin ako dumidilat para 'kong tanga.

Dailez Consan Pov'

  Iminulat ko ang mata ko ng humawak siya sa mukha ko. Nakatakip ang isang kamay niya sa mata habang ang isang kamay niya ay padampi-dampi sa parte ng mukha ko.

Nadulas ako sa diko malamang kadahilanan kanina, napasigaw ako ng malakas, sinubukan kong tumayo kaso ay na-sprained atang ankle ko. Bigla pa siyang kumatok sa CR kaya nag pretend tuloy akong nahimatay.

"Dail tatawag naba 'ko ng ambulance? Mamatay kana ba? May huling habilin ka ba sa parents mo? Dailez?" Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mangiyak-ngiyak niyang boses, na medyo parang batang naiiyak.

Hindi ko makita ang nerbyos sa kaniya, walang kaba, parang hindi lang niya alam ang gagawin niya. She's pretty cute every time na umaatake ang pagiging isip bata niya na ewan.

"Ayos lang ako."

Nagulat ako ng bigla niyang imulat ang mga mata niya ng marinig ang boses ko, sa gulat niya ay napaupo siya sa puwesto niya.

"Para kang tanga!" She said na para bang maiiyak na.

Ni hindi na n'ya pinansin na wala akong saplot na kahit na ano sa katawan ko. Kitang-kita ko kung paano namuo ang likod sa dalawang mata niya.

Ngayon lang tuluyang nagpakita ang kaba niya na kanina ay hindi ko mabakas kahit na kaunti.

Arthsherine Consan Pov'

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon