Chapter Nine

902 25 1
                                    

Arthsherine Consan Pov'

Pagkasilay ng araw umalis na agad ako ng bahay dahil wala namang klase kaya't inaya ko nalang sina Revo at Gladys na mag-jogging.

Habang nasa isang street kami malapit sa subdivision ay huminto kami sa isang lugawan at umorder ng goto.

"May ginawa ba sa'yo si Wendy kagabi at namamaga 'yang mata mo?" Tanong ni Revo na kumukuha ng mineral water habang nakaupo na kami ni Gladys.

Tumingin naman sa 'kin si Gladys na tila alam ang totoong rason sa pamamaga ng mga mata ko. Gusto kong itanggi na hindi si Dailez, pero sino bang tanga ang nagbigay ng halik? Ikaw lang naman iyon Artsherine. Gaga ka!

"I'm just tired this past few days." I lied.

"Art kunin nalang kaya kitang scholar ko? Gusto mo ba?" Revo said.

Tiningnan ko siya at halatang seryoso ang mukha.

"Tumigil ka nga Revo, cellphone mo nga di- keypad tapos ay kukuha ka nang scholar? Sira!" Pagkontra ni Gladys sa kaniya na halatang may halong pangbubuksa, dahilan para matawa ako dahil totoo naman ang tinuran ni Gladys. Mahirap lang si Revo, kaya nga part-timer din siya tulad ko.

"Huwag mo 'kong minamaliit Gladys." Mapaklang buwelta ni Revo.

Nagsimula na naman ang aso't pusa. Pagkatapos naming kumain ng lugaw ay umuwi na sila Gladys, at habang papasok na sana ako sa subdivision ng bahay kung nasaan ang bahay namin ni Dail na technically sa kaniya lang naman talaga bahay, dahil contractual pa rin ang marriage namin ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko.

Speaking of the evil witch, Wendy Scott.

"Bakit?" Walang gana kong sagot.

(Where are you? Bakit hindi ka pa umuuwi?) Rinig na rinig ko ang pekeng boses niya sa kabilang linya.

At anong masamang kemikal ang nakain ng bruha at nagtatanong kung kailan ako uuwi? Kailan pa siya nagkaroon ng lakas ng loob para tanungin kung nasaan ako?

Ang bruhang impaktita himala't nagkakaroon ng amor!

"Anong kailangan mo?" Hindi na 'ko nagpaligoy-ligoy pa.

For sure sa 100% na hinala ko'y alam ko na kung bakit. May kailangan sita, walang halong duda. Impokrita siya.

(Umuwi ka na, I realized na kapatid pa rin pala kita. At mali ang mga ginagawa ko sa'yo.)

Sixteen percent, kasinungalingan.

Four percent, pagpapanggap.

Thirty percent, may kakaiba sa boses niya.

Twenty percent, impaktita.

Ten percent, Bruha.

At the rest, hindi siya magaling umarte. Anong pinaghuhugutan niya ng rason para magbaba ng pride sa mga oras na 'to? Ang bruha naging Angelita? Tubuan ka sana ng kulugo ang dila niya.

"Ibababa ko na, may sideline pa 'ko." Sabay hung up ko.

Naglakad na ulit ako at inayos ko ang sarili ko bago pumasok sa mismong bahay. Huminga muna ako ng malalim upang inihanda ang sarili kung sakaling makita ko si Dailez sa loob.

Wendy Yeshia Scott Pov'

"Naniwala ka na sa akin? Nakita na ng dalawang mata mo, right? Hindi ako makapaniwala na ang isang Wendy Scott ay nasulutan ng future husband."

Halos mag init ang buong katawan ko, hindi ko man nakita si Dailez pero nakita naman ng dalawang mga mata ko si Arta na pumasok sa bahay na tanaw ng mga mata ko mula sa kinatatayuan ko.

The Contractual Marriage [COMPLETED/ Tagalog]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon