After naming mag-breakfast ay pumasok na kami sa school ni Changbin.
"sabi sayo di magagalit si tita ih."
"nandun ka lang kaya di nagalit yun no"
"haha siraulo si Jeongin aba"
"matagal na bwiset talaga. pero aminin mo kinabahan ka! hahaha"
"sino ba namang di kakabahan haha"
"Kala ko ba kampante ka na di magagalit si mama? bakit ka kinabahan?"
"Eh kasi bigla niya tayong tinitigan kanina hahah"
"Siraulo talaga yang si Jeongin humanda yan sakin mamaya pag-uwi ko."
"next time mo na gulpihin, sasamahan mo pa ko mamaya."
"saan?" pagtataka ko. Bakit wala akong maalala na aalis kami? Epekto ba to ng halik niya? char haha
"sa audition ko.."
"kala ko ba next week pa yan?"
"Nagtext kagabi na ngayon daw ako pumunta."
"wow ha. ayos yang agency na yan hahahah teka anong oras ba?"
"after ng class didiretso na tayo. Sunduin kita sa room mo mamaya." yes ngayong 3rd year lang kami hindi naging mag classmate. Bitter ata yung adviser namin nung 2nd year kami. yung mga nagkaroon ng jowa pinaghiwalay ng section.
"mmmm. okay.. "
"I love you see you later."
"I love you too."
Pumasok na ko sa classroom namin at siya naman ay pumunta na sa classroom niya.
--------------
Rinnnnnnngggggg... nagring na ang school bell namin. Sign na yun na uwian na. Nag-ayos na ako ng mga gamit ko nang bigla akong tawagin ni Seri.
"Girl, jowa mo..." sabay turo kay Changbin na nasa may pinto.
"Yiiiiieeee, kaya pala nagmamadaling mag-ayos ng gamit may date!" pang-aasar ni Hyeri
"che! inggit lang kayo haha magjowa na din kasi kayo"
"nah.. sakit lang yan ng ulo"
"wow Seri ha?" sabay naming sabi ni Hyeri. Nagkatinginan kami at nag-apir at saka tumawa.
"Siya, uuna na ako sa inyo. Bye!!"
"Bye!" sabi nung dalawa.
----------
Nandito na kami sa JYP. Iniwan ako ni Changbin sa coffee shop ng agency dahil di pwede pumasok ang di naman mag-aaudition. He bought food for me. Bagalan ko daw ang kain para makatambay ako dito. Ayaw daw niya kasi na sa labas ako maghintay. Sweet talaga ni Changbin.
"Papasok na ako sa loob." pag-papaalam niya.
"Goodluck babe, you can do it. Alam ko namang gagalingan mo." Pag-checheer ko sa kanya. Napansin ko na ngumunguso siya. Natatawa ako kasi di niya masabi na gusto niya ng kiss. Maasar nga.
"bakit nanguso-nguso ka dyan?"
"babe naman ih.. pampakalma man lang" pagtatampo niya biglang pout haha ang cute.. at dahil ang cute niya. I kissed him. Pagkatapos ko siyang bigyan ng kiss biglang lumaki yung smile niya. Ang cute talaga.
"Thank you!. I love you!" Tumayo na siya at kiniss ako sa forehead bago siya lumabas ng cafe.
Shet gusto kong sumigaw sa kilig. First time kasi na mag-kiss kami sa public tas may forehead kiss pa. Kinikilig ako.
