Pinapanood ko lang silang tatlo habang umiinom ng beer at kumakain. Ito namang katabi ko na beastmode kanina eh nangunguna na sa kalokohan ngayon.
"Ang dami mo namang biniling beer hyung?" Sabi ni Changbin kay Chan. Oo nga 20 pcs. ng beer ang binili eh 3 lang naman silang iinom.
"Oo nga, balak niyo bang maglasing ngayong gabi?"
"Minsan lang naman to Hana, saka wag kang mag-alala di kami magkakalat. Diba Hyung? Paninigurado naman ni Jisung.
"Di magkakalat eh ang kalat-kalat na nga dyan sa pwesto mo. Tinapon mo pa yung lays gago ka ang mahal mahal non" tiningnan naman ni Jisung si Chan ng masama. Ang cute lang nilang tingnan.
"Nakakatuwa lang isipin na yung mga sikat na napapanood ko sa tv, trending sa social media, performer sa stage ay nandito sa apartment ko at nagkakalat" sabi ko sabay tawa. Binigyan naman ako ni Jisung ng pouty look saka pinulot yung natapon niyang lays.
"Tao lang din naman kami" sabi ni Chan.
"Kaya nga, wag mo kong masyadong i-admire Hana" sabat naman ni Jisung kaya napatingin kaming 3 sa kanya. Binatukan naman siya ni Changbin kaya natawa nalang ako.
"Aray naman! Grabe kanina pa kayo nananakit! Kay Hana na nga lang ako tatabi!"
"Oooppsss! Bawal! Bumalik ka don!" Pagharang ni Changbin sa uupuan ni Jisung sa tabi ko.
"Tss. Damot!"
"Aagawan mo pa ako. Ako lang ang pwedeng katabi ni Hana." Natatawa nalang ako sa pinagsasabi ni Changbin. Lasing na ba to?
"Lasing kana yata babe ih. Kung anu-ano na rin pinagsasasabi mo."
"Hindi ah. Wala pa nga sa kalahati tong iniinom ko oh" sabay pakita sakin ng can niya as if naman makikita ko haha. Lasing na nga to.
"Okay okay. Sige lubusin niyo lang tong bakasyon niyo. Teka. Alam ba ng manager niyo na nandito kayo at umiinom?" Nagkatinginan naman yung tatlo saka sabay-sabay tumingin saka ako nginitian.
"Hay nako.. di bale kayo naman pagagalitan hindi ako"sabay ngiti ko sa kanila.
"Salbahe rin pala tong girlfriend mo Bin" sabi ni Chan. Tinawanan ko nalang sila.
Nagkwentuhan at nag-asaran lang silang tatlo habang ako naman ay taga-tawa. Naubos nila yung beer sila Jisung at Chan yung maraming nainom si Changbin naman naka-apat lang. So problema ko ngayon pano ko dadalhin sa kwarto tong 3 lasing na kasama ko dito sa apartment ko. 3 lasing at makalat na bahay. Haysst. Tiningnan ko silang tatlo. Si Chan at Jisung pinipilit paring idilat yung mga mata nila. Nagtama naman ang tingin namin ni Jisung tas nginitian niya ako saka siya tumingin kay Changbin na nakatingin lang din sa kanilang dalawa.
"Hyung.. gu-gusto ko rin ng katu-lad ni Hana.." sabi ni Jisung kay Changbin. Napatingin naman si Chan sa kanya.
"Ha? Ikaw din? .. kasi ako gus-to ko din"
"Mga siraulo kayo" sabi ni Changbin sa dalawa. Natatawa nalang ako sa mga pinagsasasabi nitong 3 hanggang sa umiyak si Jisung.
"Hyung,, gusto ko din ng girlfriend na katulad niya..(sob)"
Bigla naring umiyak si Chan. Parang mga gago pala tong mga to pag nalalasing hahaha
"Ilang Hana ba meron dito sa bahay mo ngayon? Bigyan mo naman kami ng tig-isa oh (sob)"
"Wala! Nag-iisa lang siya. Para sakin lang.."
"Lasing na kayo. Kaya niyo bang tumayo? May isa pang kwarto, dun na kayo matulog"
"Hyung, bakit siya sayo napunta? Sana pala naging classmate din kita noon (sob)"
"Ano ba Jisung? Nagcoconfess ka ba kay Hana ha?"bwiset na sabi ni Changbin pero di naman siya galit hahaha
"Magsitigil na kayo. Lasing lang kayo. Mga siraulo" Umiiyak parin yung dalawa ni Chan.
"Gusto ko ng katulad mo..." pagmamaktol ni Jisunt ganon din si Chan. Tumayo na ko para sana dalhin na sila sa kwarto ng pigilan ako ni Changbin.
"Ako na babe.. delikado ka pala sa dalawang to. May gusto pala sayo tong 2 to mga gago siraulo." Nilapitan na niya si Jisung na nagmamaktol parin hanggang ngayon.
"Kaya mo ba? Eh lasing kana din ih."
"Kaya ko pa, unti lang naman ininom ko."
"4 na can konti?"
"Tss. Ako na magdadala sa siraulong to"
Tinayo na niya si Jisung at inalalayan papunta sa kabilang kwarto. Inayos ko muna yung kama na hihigaan nila, magtabi nalang sila ni Chan tutal di naman nila malalaman kasi lasing sila.
Pagkadala niys kay Jisung at binagsak niya lang iyon sa kama kaya nagreklamo naman si Jisung.
"Aray naman!"
"Dahan-dahan naman babe"
"Gago ka kasi!" Tiningnan lang siya ng mssama ni Jisung at saka pumikit para matulog.
"Halika na. Pumasok kana sa kwarto natin. Hintayin mo na ko don. Dadalhin ko lang yung isa pang siraulo sa kwarto."
"No, pagdala mo kay Chan matulog kana, ako na bahala dito"
"Ha? Pano kung magising tong 2 na to tas naabutan ka nila dito?" Lasing na nga to sinusungitan ako ih.
"Wag kang mag-alala sa dami ng ininom niyang dalawa diretso tulog na yan. Sige na ipasok mo na si Chan para makapaglinis na ko dito at makatabi na sayo okay." Tinanguan nalang niya ko saka nilapitan si Chan at dinala sa kwarto.
Nagsimula na akong magligpit dito kasi inaantok na rin ako. Paglabas ni Changbin ng kwarto ay nilapitan niya ako.
"Bukas na yan babe, halika na. Ayokong iwan ka dito.. 3 kaming lalaking kasama mo ngayon dito tas yung 2 lasing pa."
"Lasing ka din naman babe. Tatapusin ko lang to bibilisan ko. Sige na pumasok kana"
"Tsk. Ang kulit. Bilisan mo ha."
"Oo" nagmadali na akong maglinis dito, nagwalis at nagpunas lang ako ng lamesa. Yung mga basura ng beer at chichirya at nasa lalagyan naman kaya madaling ligpitin. Akalain mo yon, mga lasing pero marunong magtapon. Pagtapos kong maglinis ay sinilip ko muna sila Chan sa kwarto. Natawa ako nang makita silang magkayakap ni Jisung. Well si Jisung talaga nakayakap kay Chan. Pagkasilip ko sa kanila ay pumasok narin ako sa kwarto namin at nakitang tulog na tulog si Changbin.
Hay nako hindi nagpalit ng tshirt eh amoy beer pa naman. Lumabas ako para kumuha ng towel at binasa para ipupunas ko sa kanya. Bumalik na ako sa kwarto namin dala yung towel na basa. Tumabi ako sa kanya at nagsimilang punasan yung mukha niya.
"Hmmm...hindi pala lasing ha" pinunasan ko din ang braso at kamay niya. Pagkatapos ay kumuha ako ng tshirt niya sa cabinet namin. Ang dami na nga din niyang damit dito. Nilapitan ko na siya para palitan ng tshirt kaso bigla akong kinabahan. Sa 5 years kasi namin di ko pa siya nakikita na nakahubad. I mean yung walang tshirt lang. Nagdalawang-isip tuloy ako kung papalitan ko ba siya o hindi pero sa huli ay pinaltan ko na din siya. Maamoy kasi yung beer na ininom nila kanina. Tinanggal ko na yung tshirt niya and omaygas! Shet!!! Kumalma ka lang girl! Napalunok nalang ako sa view ko at nagmadaling suotan siya ng tshirt dahil baka di ako makapagpigil sa abs niya. Shet may abs siya. Juskolord help lasing yan wag mong samatalahin Hana. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako tumabi sa kanya.
Pagkahiga ko ay nahiya naman akong tumingin sa kanya. Sasabihin ko ba na pinalitan ko siya ng damit or hindi nalang? Pag sinabi ko baka isipin niya sinamantala ko kasi lasing siya. Pag hindi naman iisipin niya na hinayaan ko lang siya. Pumikit nalang ako para matulog hanggang sa naramdam kong niyakap niya ako. Ang bilos ng tibok ng puso ko. Hindi parin ako makatingin sa kanya nahihiya ako ano ba yan. Mga ilang sandali lang din ay nilingon ko na siya. Tulog na tulog siya habang nakayakap sakin.
"I love you, Changbin" hinalikan ko ang noo niya saka siya niyakap at saka ako tuluyang pumikit.