Pumasok na ko sa apartment niya at napansin ko na patay pa lahat ng ilaw sa loob.
"Hindi pa siya umuuwi.."
Binuksan ko yung ilaw sa may kusina pati sa sala. Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan siya,, but I hesitated. Should I just wait for her nalang? haiiissst.
It's been an hour since nung dumating ako dito pero wala parin siya. Bumaba ako at tumabay muna sa labas ng gate niya para hintayin siya. Nag-aalala na ako. Kinuha ko ulit ang phone ko para tawagan siya kaso cannot be reached siya. I tried calling her again, but still cannot be reached. Umupo nalang ako dito sa may plantbox sa tabi ng gate niya para hintayin siya.
Hana's POV
"Good job guys! Thank you so much for your help hoping to work with you again next time. So let's go home na and have a happy weekend!" Sabi ni SCP
"Bye, ingat po. Thank you din!" bati namin sa mga officers.
"Kain tayo dali!" sabi ni Kali
"Sige gutom na rin ako. Kayo sasama ba kayo?" -Mia
"Sama ako, ikaw Hana?"-Li Youn
"Huh? ah sige okay lang"
"San niyo gusto?" Helga
"Kahit saan basta may pagkain!" sabi ni Jin Woo
Gutom na nga tong mga to. Malapit na kami sa gate nang may maalala ako.
"Hala!" nagulat sila sa bigla kong pagsigaw
"Bakit???"
"Teka may kapatid nga pala akong naghihintay sakin! Sorry di na ako sasama. Una na kayo bye!" Tumakbo ako pabalik ng auditorium at nakita ko si Jeongin na palakad-lakad sa may main entrance ng Auditorium. Tila ba nawawalang bata haha ang cute niya lang.
"Jeongin!" Pagtawag ko sa kanya at nang makita ako ay tumakbo na agad palapit sakin.
"San ka ba galing noona? cannot be reached ka, kanina pa ko naghihintay dito sayo. Hindi mo ba nabasa text ko?" papaiyak niyang sabi.
"Oh bakit ka iiyak? HAHAH " pang-aasar ko sa kanya at sabay kinuha yung phone ko nang makita kong lowbat na pala.
"Sorry deadbatt na pala..." tiningnan niya lang ako ng masama sabay pout. Ang cute ih.
"Sorry na, ito naman busy lang kasi kanina kaya di ko nabasa tsaka di ko rin na-charge. Sorry na..hmmm please?"
"hmmp.." nagpout siya sabay yakap sakin.
"HAHA tara na nga. Teka, asan si Somi??"
"Sumama na dun sa mga kaibigan niya kanina.."
"Ahh..so kanina ka pa talaga naghihintay dun sa may main entrance?"
"Oo siguro mga 30 minutes ganon, tapos di mo pala nabasa tssss" haha ang cute magtampo ih.
"Sorry na nga diba? haha"
"Dito ako mag-aaral kasi ang astig nag-iinvite ng mga idols!"
"Mag-aral ka dito kasi gusto mo yung course mo hindi dahil sa mga idols."
"Bakit nag-aaral naman akong mabuti ah?"
"Weh? talaga ba?"
"oo kaya. Ang galing talaga nila hyung kanina. Swag na swag" medyo nawala yung ngiti ko nung binanggit niya sila Changbin.
"Syempre 3racha yun ih."
"Makapagpaturo nga pano mag-rap kay hyung"
"Wag ka nang mangarap busy yon, sobra" nginusuan niya lang ako.
"Dun ako matutulog sa apartment mo noona?" sabay smile tas pinakita pa yung dimples niya.
"Kailangan talaga pakita dimples? Nanggigigil ako ha!" Tinawanan niya lang ako nakakainis bakit siya lang may dimples ako wala.
"HAHAHAH bitter walang dimples. Pero dun ako matutulog ngayon ha"
"Hindi pwede, may pasok ka bukas."
"ACP lang naman yun ih" *acp is yung parang rotc hehe*
"Anong 'lang'? Pag di mo tinapos yan di ka makakagraduate no. Maka-lang ka dyan"
"Edi agahan ko nalang gising ko bukas"
"Tsss. sabado bukas madaming mag ba-biyahe bukas. Makikipagsiksikan ka pa? Hindi. Uuwi ka ngayon ipag-bobook na kita ng taxi"
"Sige na nga pero kain na muna tayo mamaya na ako uuwi" nagpacute pa.
"Sige gutom na rin ako. Samgyup?" nakita kong kumutitap ang mga mata niya sa narinig haha
"Sige sige! gusto ko yun!"
Naghanap kami ng samgyup na walang masyadong pila pero lahat meron buti nalang itong last na napuntahan namin maunti ang nakapila kaya pinatos na namin.
"Kelan ka uuwi satin?" nakapulupot ang kamay niya sa braso ko para bang ayaw mahiwalay sakin.
"Bakit miss mo na ako?"
"Oo, tsaka wala na ako masumbong kay mama na naghahalikan sa may gate....A--AARRAY!" Hinampas ko lang naman yung noo niya. Siraulo talaga.
"Siraulo ka talaga! Kailangan talaga sabihin dito?" nakakainis to buti nalang busy yung ibang nakapila di narinig kaloka.
"HAHAH eh totoo naman ih. Landi-landi niyong dalawa" natatawa niyang sabi sakin.
"Pahiram cellphone tatawagan ko si Mama" binigay niya ang phone niya at tinawagan namin si mother.
"Hello Ma, kasama ko si Noona ngayon kakain palang kami baka gabihin ako. Sabi ko sa apratment niya ako matutulog kas..." inagaw ko yung cp niya at pinipilit niyang agawin yun sakin
"Ma, diba di siya pwedeng matulog ngayon sa apartment kasi may pasok siya bukas saka baka malate to bukas." (oo hindi pwede, sabihin mo umuwi ngayon)
"See, hindi ka pwede" binelatan ko siya habang nagpapakahirap siyang kunin yung cp niya. (Hana, bigay mo kay Jeongin)
"Oh, kausapin ka daw"
"Ma,,,," (Uuwi ka ngayon ha. Hindi pwedeng hindi, saka wala akong kasama dito ngayon)
"Okay po....sige po...bye" sabay baba niya ng phone haha tiningnan niya lang ako sabay pout.
"Next time ka nalang matulog sa apartment but not now. I have things to do tomorrow din."
"Okay..." tamlay-tamlayan niyang sagot.
"Arte mo haha"
--------
Sa wakas after 15 minutes nakapasok na kami sa loob.