Chapter 4

20 1 0
                                    

Nakahiga na ako nang makalabas si Changbin sa cr. Dumiretso higa na rin siya sabay yakap sakin habang nakapikit. I hugged him back para i-comfort siya dahil alam kong pagod na pagod siya. I was just staring at him habang nakapikit siya. 

"kiss..." request niya. Gising pa pala siya kala ko ay nakatulog na at katulad ng request niya. I kissed him and after that minulat niya ang mata niya at tinitigan ako.

"Mahal na mahal kita.." nginitian ko siya dahil sobrang sincere ng pagkakasabi niya.

"Mahal na mahal na mahal din kita.." sabi ko sa kanya, pumikit siya at ngumiti. Pagod na pagod talaga siya.

"Matulog kana para makapagpahinga ka.." tumango nalang siya habang nakapikit. Maya-maya ay nakarinig ako ng mahinang hilik. Nakatulog na nga siya. Tinitigan ko lang siya habang natutulog. Ayokong matulog kasi baka paggising ko wala na to sa tabi ko. Di niya kasi ako ginigising pag may biglaang schedule sila at kailangan ng bumalik ng dorm. Makikita ko nalang text niya na nagsosorry dahil di na siya nakapag-paalam sakin bago umalis. Pero dahil mahirap kalaban ang tulog, nakatulog na rin ako.

-------------------

Napangiti ako nang maimulat ko ang mga mata ko. Nandito pa siya.... Di ko mapigilang mapangiti dahil katabi ko pa rin siya at nakayakap sakin. Mga ilang segundo lang nagising na rin siya. Kita sa mukha niya ang pagtataka bakit ako nakangiti.

"Good morning...bakit?" mahina niyang sabi saka pumikit ulit.

"nandito ka pa.." nakangiti ko paring sabi at napangiti rin siya.

"hmm.. iniisip mo ba na baka umalis na ako?" 

"Oo, lagi ka kasi umaalis nang di nagsasabi."

"Sorry, ayoko lang kasing istorbohin yung tulog mo. Saka ayokong makita kang malungkot kasi kailangan kong umalis." bigla niyang hinigpitan ang yakap niya sakin at ganon din naman ako.

"kahit na, please babe sa susunod gisingin mo ko ha?" minulat niya ang mata niya saka tumango at kiniss ako sa noo.. 

rinnngggg... may tumatawag kay Changbin na ikinakaba ko dahil malamang sa malamang, aalis na to. Umupo siya para abutin ang phone niya sa may drawer.

Changbin: Hello Hyung....ahh.. okay... ngayon ba?....sige sige..... oo.... okay lang ba yon?... sige, thank you. Bye.

end call---

napatingin siya sakin. Kinakabahan ako sa tinginan niyang yan. Ano ba yan. Kaya nga may schedule ih. Umupo ako at humarap sakin si Changbin.

"need mo nang umalis?" 

"hmmm.. mamaya pa namang 10am"

"Ahh. Okay" malungkot kong sagot sa kanya. Babalik na sana ako sa paghiga nang bigla niya kong hilain at yakapin.

"Sorry.."

"It's okay, ano kaba"

"Don't worry di naman ako aalis mag-isa."

"huh? what do you mean?" pagtataka ko

"Isasama kita. Pumayag si Hyung na isama kita." Nagtataka parin ako di ko naman narinig na nagpaalam siya na isasama niya ako.

"Alam nila na dito ako umuwi kaya sabi ni Chan hyung isama daw kita."

"totoo? pwede akong sumama?" paninigurado ko.

"Oo kaya maligo ka na, sa labas na tayo kumain tas diretso na tayo sa company saka pag maaga kami natapos we can go somewhere else." napangiti ako sa sinabi niya. Tumayo na ako para maligo dahil naexcite ako.

Same trackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon