Chapter 16

32 0 0
                                    

"NOOOONNNNAAAAAA!!!!!!"

Nagising ako sa pagsigaw ni Jeongin. It's been a while. Siguro namiss niyang ring sumigaw pag-umaga.

Knock! Knock!

Pinagbuksan ko siya ng pinto. Dahil sigurado mambubulabog lang to pag di ko binuksan.

"ANO NOONA WALANG PASOK?"

"WALA!" Pagsagot ko sa kanya. Isasara ko na dapat yung pinto kaso pinigilan niya at pumasok na ng tuluyan sa kwarto ko.

"Bakit wala kang pasok??? Kow! Absent ka lang ih!"

"Oh, basahin mo" sabay abot ko sa kanya ng cellphone ko.

School for Media and Arts (SFMA)
Good day, MAEANS! Classes will resume next Monday. Enjoy our School Festival this week! See our bulletin board for today's line-up!

"Oh? So may pasok nga kayo?"

"Wala nga, festival lang sa school ngayon okay lang hindi pumasok"

"Weh? Walang attendance?"

"Wala, saka staff kami last Friday sa concert no kaya lalong okay lang na di kami magreport ngayon. Ibang level and course naman yung assigned para sa event ngayon"

"AYOS ah! Dun talaga ako mag-aaral noona!"

"Oh ikaw? Bakit nandito ka pa? Baka malate ka?"

"Hatid mo ko noona?" Sabay pacute sakin.

"Hay nako Jeongin di mo ko madadaan sa pacute-cute mo na yan. Sabay talukbong ko sa kumot tas hinigit niya din naman.

"Dali na noona!!" Pagmamaktol niya.

"At bakit mo naman gusto magpahatid??"

"I-fle-flex lang kita sa mga classmates ko" sabay ngiti sakin haha siraulo talaga.

"Hoy ikaw ha, baka naman sinabi mo sa mga kaklase mo na boyfriend ko si Changbin??"

"Luh?! Hindi ah. Alam kong may pagkachismoso ako pero di ko naman para ipagkalat yon no."

"Dapat lang no, kundi lagot ka kay Changbin. Gusto mo siyang makitang magalit? I haven't seen him being mad so I guess nakakatakot siyang magalit."

"Hindi ko nga sinabi at wala akong balak sabihin no. Takot ko lang kay hyung... Feeling ko nga nakakatakot siyang magalit kaya noona wag mong gagalitin yun."

"Bakit ko naman siya gagalitin? Alam mo wala ka ng sense kausap lam mo yon?" Natatawa kong sabi sa kanya. Kung anu-ano na pinagsasabi ayaw pang pumasok.

"Pumasok ka na nga!"

"Hatid mo nga kasi akooo pleaseee?"

"Pag-ihahatid kita, maliligo pa ko, mag-aayos pa ko. Malalate ka lang Jeongin."

"Tssss. Minsan lang manlambing. Hmp!diwag!!!" Luh nagtampo hahahaha

"Tampo ka na niyan???"

"Eh kasi... sige na?" Dahil sa sobrang cute ng dimples niya napapayag niya rin ako.

"Sige na sige na! Buti nalang cute dimples mo!"

"Yes!! Maligo ka na hintayin kita sa baba" sabay takbo niya sa baba.

Naligo na nga ako. Binilisan ko ng konti  baka kasi malate tong si Jeongin.

Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako saka bumaba.

"Oh, san ka pupunta. Pabalik ka na ba ng Seoul?" tanong sakin ni Mama.

"Hindi pa po, sa Wednesday pa po ako babalik, ito kasing si Jeongin nagpapahatid" ngingiti-ngiti naman si Jeongin kay Mama.

Same trackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon