Humiga ako pagdating ko sa bahay. Binuksan ko ang phone ko para titigan ang wallpaper ko.
"masaya dapat ako diba dahil nakasama naman kita nang matagal, pero bakit ganito nararamdaman ko? Changbin ano na?" kinakausap ko ang picture niya. Nababaliw na yata ako sa lalaking to.
Katititig ko sa picture niya ay di ko namalayang nakatulog na ako.
Pagmulat ko ay madilim na at tanging ang ilaw nalang ng phone ko na nagriring ang maliwanag sa kwarto ko.
Changbin calling......
Hana: uhmmmm (pagsagot ko sa kanya)
Changbin: Nasa dorm na kami babe.
Hana: okay.. (matamlay kong sagot inaantok pa kasi ako saka nagtatampo ako sa kanya)
Changbin: alam ko nagtatampo ka sakin. Sorry..
yan na naman yang sorry na yan..
Changbin: babe...ui?
Hana: hmm, yaan mo na may next time pa naman diba..
Changbin: Sorry.....
Hana: Hayaan mo na babe..
Changbin: Ayaw mo ba kong kausap? parang wala ka kasing gana..
Hana: No, I just woke up...
Changbin: Sorry talaga babe. I'll make it up to you.
Hana: I know..
Changbin: I love you.
Hana: I love you too. Baba ko na inaantok pa ako ih. Good night.
Changbin: Good ni---(end call)
Binaba ko na yung call. Nagtatampo pa rin ako sa kanya kahit alam ko naman na wala dapat akong ipagtampo dahil una wala akong magagawa dahil schedule nila yun. Tsk. Nakakainis.
1 message..
Changbin: Babe, alam ko na galit ka sakin ngayon. I'm sorry. Biglaan kasi yung pag-reresched nila, wala naman kaming magagawa dun kung bigla nilang mapagdesisyunan na mag-guest kami. Sorry talaga, babawi ako I love you.
Oo nga wala nga naman sila magagawa. Ewan ko ba bakit ako nagtatampo di naman niya kasalanan bakit hindi kami natuloy. Di ko siya nireplyan at pumikit nalang ako hanggang sa nakatulog na ako.
------------
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Kinuha ko ang cp ko at nakita na may 20 messages + 25 missed calls ako at lahat ay galing kay Changbin.
Changbin: Babe? Kumain ka na ba?
Changbin: Babe? Sorry na wag ka nang magalit sakin please? :(
Changbin: SOOOOORRRRYYYYY NAAAAAAA... :(((
Changbin: Ui babe? tulog ka na ba talaga o ayaw mo lang ako pansinin? :'(
Changbin: Babe, sagutin mo tawag ko... :3
Changbin: Tawagan mo ko pag nagising ka na ha....
Changbin: Babe.. sorry na please? :( kanina pa ko natawag sayo di mo sinasagot....
Changbin: Babeeeeeeeeeeeee. I love you! replyan mo naman ako... ui? babe...
Changbin: Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.Sorry.
