Changbin's POV
"Sorry babe.." napatingin sakin si Hana na nakayakap na sakin.
"Oo na.. sorry din kasi naiinis talaga ako sa kanya"
"I understand babe... grabe ang pagkaselosa mo talaga"
"Masisisi mo ba ko kung ganito kita kamahal?"
Napangiti ako sa narinig ko. I kissed her forehead then her lips.
"Sakin lang to babe ha" pang-aangkin ko sa lips niya.
"Opo sayong-sayo lang" sabay tawa namin pareho. Hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya.
"Matulog ka na babe" nagtatakang napatingin sakin si Hana.
"Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?"
"Matutulog na rin. Kailangan muna kitang patulugin Babe"
"Wag mo kong i-spoiled...sige ka, baka hanap-hanapin ko yan"
Nginitian ko nalang siya at hinalikan ulit sa noo.
"Pikit na" sumunod narin naman siya sakin. Nang masiguro kong tulog na siya saka lang ako natulog.
--------------
Hana's POVNagising ako sa mga halik ni Changbin sa noo ko.
"Sorry, nagising ba kita?" Umiling naman ako saka siya nginitian at saka pumikit ulit. Naramdam kong niyakap niya ko ng mahigpit.
"I love you" bulong niya sakin kaya tuluyan na akong gumising. Hinigpitan ko din ang yakap ko sa kanya.
"I love you more" nginitian niya ako at hinalikan sa labi.
"Babe, hindi ka ba nasasawa sakin?" Tanong ko sa kanya.
"May dahilan ba para pagsawaan kita? Wala naman diba?" Paninigurado niya sakin.
"Lakas pala talaga ng tama mo sakin" sabay tawa ko ng mahina kaya natawa na rin siya.
"Ikaw kasi ih, sinigurado mo talagang ma-i-inlove ako sayo nung high school tayo."
"Luh? Wala nga akong ginawa non"
"Yun na nga ih, wala kang ginawa kaya lalo kitang nagustuhan. Di ka man lang nag-effort na magpa-cute sakin." Natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit naman ako magpapa-cute sayo, saka di ko pa naman alam non na may gusto ka na pala sakin. Akala ko friends lang tayo non."
"Tss. Manhid talaga ih." Sabay tawa niya
"Babe,, hindi naman sa manhid ako. Ayoko lang mag-assume. Mabuti nang maingat at mas mabuti kung sayo talaga manggagaling. Ayoko lang umasa. It hurts" sabay ngiti ko sa kanya.
"Pero feel mo na ba nun na baka may gusto ako sayo?"
"Honestly, oo pero dahil nga ayokong mag-assume I ignored it."
