Chapter 23

7 0 0
                                        

Sobrang saya nung araw na nakakapagbakasyon si Changbin, parang narefresh yung relationship namin that time. Akala ko naging okay na ang lahat na para bang lahat na ng susunod na mangyayari sa relation namin ay puro masasayang alaala. Pero mali ako, nagkamali ako.

After 1 month, naging busy na ulit si Changbin which is normal na samin. Busy siya dahil magcocomeback sila at nagpeprepare for the tour. Sanay naman ako na busy siya, but this time is really different. He often asks me to meet him somewhere but there's no Changbin appearing in that place. Nung una, okay pa naiintindihan ko na baka may urgent schedule, but the 5th time he did it, parang napagod na ako maghintay. Yung mga text niya din minsan 1 beses lang or minsan wala talaga.

I don't want to bother him so I don't text him unless he messaged me first.

Marami na siyang di sinipot na date namin na siya naman ang nagprepare and paulit-ulit lang, he will say sorry and apologize tapos ako patatawarin siya.

Nakahiga ako ngayon at nag-iisip-isip, mahal ko siya. Mahal na mahal, iniisip ko pa lang yung mangyayari pagnaghiwalay kami feeling ko di ko kakayanin pero nakakapagod na kasi.

"Haaayyy.. Sana tumawag ka naman kahit ngayon lang..."

Ring...Ring...Ring..

Changbin calling...

I saw his name popped up. I don't know pero di ako na-excite kahit na hiniling ko na sana tumawag siya.

"Babe, kakauwi lang namin ng dorm"
Napatingin ako sa orasan and it's just 8:27 p.m

"Maaga yata kayo ngayon?"

"Oo, nag-aya kasi sila Minho kakain daw sa labas"

"Minho?"

"Kaibigan namin, about to debut sila"

"Ahh, okay. So tinapos mo na yung work mo para makasama sa kanila?"

"Nope, pwede pa naman bukas yun ih."
I smiled sarcastically though di naman niya nakita. So pwede naman palang ipagpabukas pero pag sakin di pwede. Ayos.

"Okay, babe.. pwedeng dito ka matulog? Miss na kasi kita ih.. saka ngayon ka lang nakatawag ulit."

"Dyan talaga ako matutulog no, kakain lang naman kami then didiretso na ko dyan okay? I love you!"

"Talaga babe? Seryoso yan?"

"Oo babe. (Tara na?)"

"Tinatawag ka na nila. Sige na enjoy and eatwell!"

"Call you later. Love you!"

"I love you too"

End call

I felt a little bit happy knowing na uuwi siya dito.

-----------------
2 hours have passed. I was sitting here in the sofa waiting for him to arrive and waiting for his call also. I patiently waited for him dahil baka nag-enjoy sila sa pagkwekwentuhan.

It's 2:45 a.m. already pero wala paring Changbin na dumadating. I tried calling him but cannot be reached.

"Di na dapat ako nag-expect" Pumasok na ko sa kwarto pero lumabas din ako in case na dumating siya hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na ako sa sofa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Same trackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon