Changbin's POV
We are about to leave the auditorium nang mapansin ko si Hana at si Jeongin. Naglalakad sila palabas ng campus. They are laughing while walking. I miss to see her smile....
"Hyung" tawag ni Jisung sakin.
"Bakit?"
"Wala ka na bang naiwan sa loob? pauwi na tayo."
"I have my things with me already"
"Okay, tara na" pag-aaya sakin ni Jisung at siya naman ay pumasok na ng sasakyan.
"sakay na Changbin" sabi ni hyung (manager) sakin.
"hyung sandali,"
"bakit?"
"Di ako sasabay sa inyo ngayon" pag-papaalam ko lumingon muna siya sa dalawang nasa loob na ng kotse at napatingin din naman sila samin.
"Paano ka uuwi? dala mo ba sasakyan mo?"
"Mag bus nalang siguro ako"
"Seryoso ka ba dyan? Changbin baka nakakalimutan mo sikat kang tao baka mamaya di ka pa makauwi."
"Sige na hyung kahit ngayon lang. I need to go to her.....pleasee"
"haist Changbin. Ihatid ka nalang namin sa bahay niya."
"Hindi na hyung, kaya ko naman ih."
"Alam kong kaya mo pero pano naman yung mga taong nasa paligid mo? If you really want to go to her allow me to bring you there."
I sighed "fine" pumasok na ko sa loob ng sasakyan.
"anong meron?" tanong ni Chang hyung sakin, umiling lang ako at sumandal sa upuan.
"Anong address ni Hana?" inabot ko kay hyung yung cp ko na may notes ng address niya.
"san tayo pupunta?" tanong ni Jisung.
"ihahatid lang natin si Changbin sa apartment ni Hana"
"Nagka-usap na ba kayo?" tanong ni Chan hyung sakin
"Konti........I know she's mad at me right now"
"Konti lang?? Ano ba yan nasayang lang effort namin ni Chan hyung kanina."
"Bakit? anong meron??" pagtataka ko sa dalawang to.
"Sinadya namin na papuntahin ka ng cr para ayusin yung damit mo, pagpasok mo lumabas na agad kami sinama namin yung mga make-up artitst." paliwanag si Chan hyung
"Iniwan pa nga namin yung ear-piece para kunin ni Hana" dagdag ni Jisung.
"I doubt she did not notice that Changbin was not with us earlier kaya nagprisinta siyang kunin yung ear-piece....tapos malalaman namin di pala kayo nagka-ayos."
"I hugged her and said sorry but she did not response, instead she let go of my hug" I heard Chan hyung sighed.
"So complicated hyung!" pagrereklamo ni Jisung
"Okay lang yan Changbin, part yan ng relasyon. Kung nagkamali ka, admit it. Wag niyong hayaan na kainin kayo ng pride niyo di yon healthy." sabi ni hyung(manager) nakita ko naman ang reaksyon nung dalawa na halatang nagulat sa sinabi ng manager namin.
"Wow, ang romantic naman pala nitong manager natin!" pang-aasar ni Jisung
"May girlfriend ka no? Sino? Pakilala mo samin nang mabigyan ng helmet" dagdag pa ni Chan hyung. Mga siraulo ih.
"Siraulo! wala akong girlfriend. Nag-aadvice lang naman ako dyan sa kaibigan niyong brokenhearted"
"Dyan nalang hyung. Yan na yung apartment niya"
"Medyo malapit lang pala to sa school at company natin" sabi ni Jisung habang inaaninag yung apartment mula sa bintana.
"Salamat hyung" paalam ko sa manager namin.
"Ayusin mo yan ha." Chan hyung said and I smiled at him.
"Oo naman. Mahal na mahal ko yung babaeng yun ih"
"Alam namin. Sige na bye!"
"Ingat kayo!" sinara na ni Jisung yung pinto ng kotse at umalis na sila.
