Maaga akong nagising kaya bumaba nako at nakita ko naman si mama na nagluluto na.
"Ma? okay ka na ba at nagluluto ka na dyan?"
"Oo, okay na ako saka kung hindi man magluluto ka ba?"
"Hindi hahah" tinawanan nalang ako ni mama.
"Si Jeongin?"
"Tulog pa yata gisingin ko na ba?"
"Hindi wag na hayaan mo siya"
"okay?" patanong ko sagot sa kanya.
"Ah nga pala, dalhin mo to kila Martha. Sabihin mo salamat sa pagsama niya sakin sa hospital kahapon though nasabi ko na naman yun sa kanya pero sabihin mo ulit." sabay abot niya sakin ng pagkain na niluto niya.
"Ano to ma?"
"Pagkain ano pa ba?"
"Ma, alam kong pagkain to. Pilosopo ka ma ha"
"It's Lasagna my daughter" pag-iinarte ng nanay ko
"Arte ha. Magaling ka na nga ma." sabay kaming nagtawanang dalawa.
"Maligo ka na at dalhin mo to kila Changbin bilis."
"Opo maliligo na"
Umakyat na ko para maligo.
--------------
Ding Dong.....
Magdodoorbell na sana ako ulit nang may magbukas na ng pinto.
"Good morning Unnie" si Anna unnie ang nagbukas ng pinto mukhang kagigising lang ata nito.
"Oh, ikaw pala. Pasok ka, long time no see Hana!" sabay yakap niya sakin bago pa ako makapasok sa bahay nilang magara.
"Aga mo ha, mukhang tulog pa yung pinuntahan mo haha" natatawa niyang sabi.
"Sino yung dumating Anna?" rinig kong sabi ni tita mula sa kwarto nila. Magsasalita palang si Unnie nang lumabas si tita sa kwarto at nagulat nang makita ako.
"Oh, Hana! kamusta mama mo?"
"Okay na po ayun po, ang aga nga po yatang nagising kasi nakapagluto pa po ng Lasagna para sa inyo, ito po." inabot ko na yung dala kong lasagna kay tita.
"Salamat daw po sa pagsama sa kanya sa hospital kahapon."
"Nako wala yon, mama mo talaga. salamat dito ha. May time pa talaga siyang magluto ng lasagna at ngayong umaga talaga ha. Upo ka muna." natawa kami ni unnie sa sinabi ni tita.
"Ay Hana dito ka na mag lunch ha bawal tumanggi."
"Wag na po okay lang po"
"No, it's not. You will eat here for lunch" sabay ngiti sakin ni tita at dumiretso sa kusina para ayusin yung dala kong pagkain.
"Good morning po tito" bati ko sa papa ni Changbin na kakapasok lang ng bahay nila nagwalking siguro si tito sa baba.
"Aba may magandang bisita pala tayo ngayon ah?" pabirong bati sakin ni tito. "nagbreakfast ka na ba?
"Ah,, opo kumain na po ako" actually di pa ako nakain kasi si mama excited padala yung pagkain kila tita.
tumango nalang si tito sa sagot ko. "Excuse muna ha." pagpapaalam ni tito sakin at pumasok na siya sa kwarto nila.
"Hana puntahan mo si Changbin malamang naghihilik pa yun sa kwarto niya." sabi sakin ni tita na ikinagulat ko. Char hahaha hindi kasi nila alam na natutulog sa apartment ko si Changbin haha lagot kami pagnalaman nila mama at tita yon malamang sa malamang iisipin pa nila na may ginagawa kaming milagro don hahah.
"Po? okay lang po sa inyo?"
"Ano ka ba Hana syempre okay lang no" sabat naman ni Unnie at tumango naman si tita sakin kaya pumasok na ko sa kwarto niya at pagpasok ko nakita ko na sobrang himbing ng tulog niya.
Umupo ako sa kama niya at pinanood siyang matulog. Mga ilang minuto din nagising siya. Napatingin siya sakin tas saka pumikit ulit. Natawa naman ako kasi malamang antok pa to kasi di ako pinansin haha pero mukhang natauhan siya sa nakita niya.
"Babe?" gulat niyang sabi sakin at napatayo pa siya sa pagkakahiga.
"Good morning!" He looks confused kaya natawa ako sa kanya
"HAHA ang cute mo babe! bangon na dyan!"
"A-anong ginagawa mo dito?" pagtataka niyang tanong sakin.
"Ginigising ka kaya bangon na dyan!" sabay higit ko ng kumot niya at nagulat ako sa nakita ko kaya napalingon ako sa ibang lugar sa kwarto niya at siya naman ay nag madaling higitin yung kumot niya pabalik.
"Babe ha!" pagsuway ni Changbin sakin but in an embarrassed way.
"S-sorry d-di ko naman alam ih. I'll wait you outside nalang" patakabo na ko sa pinto nang bigla siyang magsalita kaya napatigil ako. Shet di ako makatingin sa kanya nakakahiya ano ba yan.
"Stay here babe." tinap niya yung kama niya. Napalingon naman ako sa kanya pero di siya makatingin sakin at nakita ko na namumula yung tenga niya feeling ko namumula rin tenga ko.
"M-mag-short ka na m-muna babe." Sabay talikod ko. "S-sabihin mo p-pag nasuot mo na" nauutal kong sabi. Pano ba naman naka-tshirt at boxer lang siya. Shet naman kasi bakit di ko naisip na baka yun lang suot niya since mag-isa lang siya ngayon sa kwarto niya. Putek. My eyes, my goodness. First time ko siyang makita na nakaganon kasi pagmagkasama naman kami normally naka-shorts siya or pajama. Putek talaga!
"Okay na, dito kana sa tabi ko" kaya lumingon nako at nakapajama na siya. Nahihiya naman akong tumingin sa kanya at siya rin naman ganon.
"sorry babe :3" ngumiti siya sakin at saka niya ko niyakap mula sa likod.
"It's okay babe" natatawa niyang sagot sakin.
"kasi naman ih..." sabay pout ko sa kanya kaya ngumiti ulit siya saka ako binigyan ng kiss.
"Sorry, di ko naman alam na pupunta ka dito ih."
"Di ko rin naman alam na pupunta ako dito at mas lalong di ko alam na papayagan ako ni tita na pumasok dito sa kwarto mo no" bumitiw siya sa pagkakayakap at humarap sakin
"Oo nga no? Pumayag si mama??"
"Oo, kaya nga ako nandito ngayon sa harap mo diba?" inirapan niya ako at niyakap ulit ako mula sa likod.
"Pilosopo. Well, early gift ko na yon sayo"
"Ang alin?" pagtataka kong tanong sa kanya
"Yung nakita mo" sabay tawa niya
"Bastos ka!" hinampas ko siya sa braso siraulo.
"A-aray! joke lang ito naman" natatawa paring niyang sabi sakin kaya inirapan ko nalang siya.
"Tara na sa labas may padala si mama na lasgana"
"Wow, lasagna for breakfast. Kumain ka na ba?"
"Nope, excited kasi si mama na padala yung lasagna sa inyo kaya di na ako nakakain"
"Si tita talaga. Tara na nga, baka isipin pa nila mama may ginagawa tayo kasi ang tagal mo dito sa kwarto"
"haha buti alam mo. tara na" sabay hila ko kay Changbin at lumabas na kami ng kwarto niya. Paglabas namin napatingin naman si unnie at tita samin tas nagtinginan sila at saka ngingiti-ngiti samin kaya nagkatinginan kami ni Changbin at nagkibit-balikat nalang siya.