Chapter 1

48 2 2
                                    

Hana's POV

Nagising ako sa tunog ng cp ko. I checked who messaged me and I'm happy to see that it's Changbin kaso.......

Changbin: Good morning babe, can we see each other next time? We just have a schedule for later. I'm so sorry babawi ako... I love you please always know that ok? Sorry.

Nawala yung ngiti ko nang mabasa yung text niya.

Hana: Good morning too babe. It's okay. I love you too.

Yun nalang ang ni-reply ko sa kanya kahit gusto kong magalit sa kanya. Bumangon na ako para maligo at pumunta sa restaurant na pinlano ng mga friends ko na puntahan ngayon.

--------------

"Hi!" walang ganang bati ko sa mga friends ko pagdating ko sa restaurant.

"Luhh? Anong ginagawa mo dito girl?" tanong ni Seri na halatang gulat na gulat dahil present ako ngayon. Well not just today pala.

"Diba invited ako?" 

"Di ka na naman sinipot ni Changbin no?" tanong ni Hyeri.

Napabuntong hininga nalang ako bago ko sagutin ang tanong niya.

"May schedule daw sila ngayon ih"

"Nako ha! Pang-ilan beses na niyang kinacancel date niyo tapos sa mismong araw pa talaga. Sorry Hana ha. Alam naman natin yung nature ng trabaho niya pero sana naman wag ganyan." inis na sabi ni Hyeri.

"pang-ilan na ba to Hana?" tanong ni Seri

"Well simula nung  lumagpas ng 10 di na ko nagbilang."

"Tingnan mo. Baka naman may babae yan ha?!"

"Hoy gaga ka talaga Hyeri! Imbes na walang iniisip na ganyan si Hana binigyan mo!" natatawang sabi ni Seri

"Di niya magagawa yon no. Kilala ko si Changbin."

"Eh pano kung trainee sa JYP?"

"Alam mo nakakatulong ka.. Nako Hana wag mo nalang pansinin mga sinasabi nitong babae na to."

"So eh san nga ba ang punta niyo dapat?"

"Kakain at magsisine sana.."

"Tayo nalang magsine tutal present ka naman ngayon."

"Anong ngayon? She's always present sa gathering nating tatlo no kasi nga diba puro cancel tong jowa niya."

"Bitter mo Hyeri may pinag-dadaanan ka ba?" natatawang tanong ni Seri kay Hyeri.

"Naiinis lang ako para kay Hana okay?!. Ikaw naman kasi masyado kang mabait. I-confront mo baka naman din kasi nasasanay na yan na okay lang sayo yung ginagawa niya na on the day biglang di itutuloy yung plano niyo."

"Ayoko ng conflict, saka I understand his work. He is an artist, natural lang naman na maging busy siya at no time sa date namin. Okay lang naman yon."

"Weh? eh bakit ang lungkot niyan?" sabay turo ni Hyeri sa mga mata ko.

"Pinagsasasabi mo? di ako malungkot no. Order na nga tayo." I smiled but the fake one.

------------

Gabe na kami nakauwi dahil nag-aya pa yung dalawa na magsine. Pagkauwing-pakauwi ko nagshower na agad ako para makapagpahinga na then I suddenly received a call from Changbin.

Changbin: Babe...

Hana: Hello.. nakauwi na ba kayo?

Changin: hindi pa, nandito pa kami sa studio.

Hana: ahh. kumain ka na ba? 

Changbin: We're done already... Babe sorry di na naman natuloy yung plano natin.

Hana: It's okay babe. I understand don't worry...

Changbin: Thank you.. thank you babe... I love you.. Kumain ka na ba?

Hana: Yah, sumama ako kila Hyeri kanina.

Changbin: Oh,, well that's good then..........are you sure you are not mad?

Hana: Bakit naman ako magagalit?.......I 'm not mad. I'm okay babe.

Changbin: Sorry talaga........(hyung, start na daw tayo) Babe I need to hang up now. I'll call again later okay. I miss you and I love you.

Hana: I love you too.. and I miss you so much.. 

Changbin: Bye.. I love you..

End call......

Pagkababa niya ng tawag tinitigan ko nalang yung phone ko na siya ang wallpaper. Sobrang miss ko na tong lalaking to. Miss na miss.

--------

Nakahiga na ako pero di pa rin ako dinadalaw ng antok. I'm always checking my phone baka kasi magtext siya....It's already 12:30 a.m. and I was about to close my eyes when I suddenly hear someone inserting a key to my door. Tumayo ako para i-check kung ano yun baka kasi mali lang ako nang naririnig. Paglabas ko ng kwarto nagulat ako nang makita si Changbin na pumapasok.

"a--anong gi-nagawa mo dito?" sobrang nagtataka ako bakit siya nandito ngayon kasi sa pagkakaalam ko may gagawin pa sila.

"not happy to see me?" he walks towards me and hug me tightly while I'm still dazed in confusion. Di ko lang talaga inexpect na uuwi siya.

"of course not.... but why did you not tell me na uuwi ka pala?" I hugged him back.

"baka pagsinabi ko di na naman matuloy ih.." he broke the hug and looked at me but he is still holding my waist.

"tssss...kahit na no, akala ko may magnanakaw nang nakapasok" tinawanan niya lang ako and then he gave me a kiss.

"Namiss ko yun.. isa pa nga.." request ko and he kissed me again but this time matagal. Grabe namiss ko talaga siya. I hugged him tightly and he did the same. We are just kissing passionately. Aba dapat lubusin na hanggang nandito pa siya baka mamaya bigla nalang siyang tawagan nila Jisung.

After the long passionate kiss he broke the hug and stared at me cupping my face.

"I love you....so so much..." 

"bakit sobrang sweet mo? may ginawa ka ba?" pang-aasar ko.

"pag-sweet may ginawang kasalanan agad?" natatawa niyang dipensa.

"oo, haha joke lang, sige na mag-shower kana." I pushed him softly papuntang banyo at ako naman ay pumasok na sa kwarto.

-----------

I'm living in this apartment alone for almost 1 year already. Changbin decided na dito siya uuwi sa apartment ko dahil medyo malapit kasi to sa work niya but his schedule made him not to stay in my apartment anymore kaya paminsan-minsan nalang siyang nauwi dito.

I'm in my 4th year college now, taking broadcasting course. While Changbin is part of 3racha with Chan and Jisung. Sobrang sikat nila dahil sa mga songs na prinoproduce nilang tatlo. I'm in a relationship with him for 5 years. I witnessed all the hardwork he did to become a successful producer and a singer.




Same trackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon