I woke up because of my alarm. Tinitigan ko lang si Changbin na sobrang himbing pa ng tulog. He is still hugging me. I really love this man. Hinawi ko yung buhok niya na nakaharang sa nakapikit niyang mata, na naging dahilan para magising siya. Sorry babe. :3
"Good morning" tulog na tulog pa yung boses niya pero bakit ang gwapo paring pakinggan.
"Good morning too. I'll just cook ha" pag-papaalam ko sa kanya. Tumango siya habang nakapikit. Antok pa talaga siya. I gave him a kiss on his forehead na ikinangiti naman niya.
Lumabas na ako pero nagtoilet muna ako para gawin ang aking facial morning routine.
Pagtapos ko sa cr ay dumiretso na ako sa kusina. Kinuha at hinugasan ko na muna yung saucepan na gagamitin ko nang maramdaman kong may yumayakap sakin mula sa likod kaya nilingon ko.
"bakit bumangon kana?" nakayakap parin siya habang naghuhugas ako.
"I miss you"
"Hah? I miss you too haha." natatawa ako sa kanya pero nakatingin lang siya sakin kaya tumigil ako sa pagtawa at hinarap niya ko sa kanya tas bigla niya kong kiniss.
"Tss.. nakaw ng nakaw ng halik" maglalandian pa sana kami kaso biglang nagring yung phone ko.
Jeongin callling
Hana: Sabi ko sayo magtext ka pag nakauwi kana diba? Ano ngayon ka lang nakauwi ng bahay? pagsusungit ko kay Jeongin well actually nalimutan ko rin naman gawa ni Changbin HAHAHA
Jeongin: noona... (crying) Nagulat ako nang marinig kong umiiyak kapatid ko.
Hana: bakit ka naiyak? anong nangyari? napatingin ako kay Changbin at halata ring nag-alala siya at bumubulong kung bakit.
Jeongin: noona si mama, kasi ano (crying) noona di ko alam gagawin ko..
natataranta na niyang sabi.
Hana: Anong nangyari kay mama Jeongin??
Jeongin: di ko alam, pag-baba ko wala na siyang malay dito sa kusina. Tumawag ako sa rescue pero 20 mins. na wala pa rin sila. Noona anong gagawin ko (crying)
Hana: Sige pauwi na ako dyan ngayon. Pagdumating yung rescue tawagan mo ko para dun ako didiretso. Relax lang Jeongin okay? wag mataranta pupunta na ako dyan ngayon.
Jeongin: bilisan mo noona (crying)
end call...
Binaba ko na yung phone at nagmadaling tumakbo sa kwarto para ayusin ang kailangan kong dalhin.
"anong nangyari kay tita?"
"nawalan daw ng malay ih. Babe, I need to go home.." naiiyak kong sabi sa kanya at pinapakalma naman niya ko. Then tumakbo siya sa may bag niya para kumuha ng susi.
"San ka pupunta?"
"I'll get my car in the company's parking lot. I'll go with you okay? I'll be back soon. Go now prepare the things we need to bring" he kissed my forehead before leaving the apartment. Katulad ng sabi niya inayos ko na yung dadalhin namin. Nagpalit na rin ako ng damit. After 15 mins. I received Changbin's text.
Changbin: I'm on my way, hintayin mo na ako sa baba. Don't forget to turn off the lights and locked the door.
Pinatay ko na yung switch ng mga ilaw. Dinouble check ko na rin para sure. Bumaba na ko para hintayin siya. Sakto namang pagbaba ko ay dumating na siya. Sumakay na ako at nagmadali na siyang magdrive. 40 minutes din ang biyahe pauwi sa Yongin. Hometown namin ni Changbin. Napansin ni Changbin na kinakabahan ako kaya kinuha niya yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
"Calm down babe, everything will be all right" tumango ako sa sinabi niya.
Jeongin calling...
Hana: Kamusta si mama?
Jeongin: noona ngayong lang dumating yung rescue... papunta na kami sa Yongin Severance Hospital (crying)
Hana: Sige dun na kami didiretso.
end call
"San dinala si tita?"
"Sa Severance Hospital"
"Okay, relax lang babe. Magiging okay din si tita. hmm?" um-oo nalang ako sa sinabi niya. Hawak parin niya yung kamay ko habang nagdri-drive ayaw niya bitiwan.
-----------
Nakrating na rin sa hospital at nakita kami agad ni Jeongin. Tumakbo siya palapit sakin habang naiyak parin.
"Noona" niyakap niya ako at umiiyak parin siya. Napansin ko na nakapang-ACP uniform siya.
"tama na.. nasan si mama?"
"nandun (sob) sa emergency (sob) chinicheck na nung doctor" ang cute umiyak ng kapatid ko. Yumakap ulit sakin si Jeongin at ganon din ginawa ko.
"hyung (sob)" bati niya kay Changbin kaya bingyan siya nito ng pat sa likod.
"wag ka ng umiyak" sabi ni Changbin sa kanya
Umupo muna kami sa may waiting area para hintayin yung doctor sa ER since di rin naman kami pwedeng mag-stay dun.
"Kamusta si Miriam?" nagulat ako sa nagtanong samin.
"Tinawagan ko si Mama kanina" sabi ni Changbin samin.
"Ah, tita hello po. Nasa emergency pa po chinecheck pa po nung Dr." nahihiya kong sabi sa mama ni Changbin napatingin naman ako kay Changbin at nginitian niya lang ako kaya ngumiti narin ako sa kanya.
"Aigo, Jeongin wag ka ngang umiyak. Ikaw talagang bata ka" sabay upo sa tabi ni Jeongin at niyakap niya para pakalmahin.
"Babe nakakahiya naman kay tita" pabulong kong sabi kay Changbin.
"Hayaan mo na babe, gusto rin naman ni mama na tumulong"
"Thank you babe." nginitian niya ako.
"Sino po ang guardian ni Miriam Yang?" may lumabas na nurse para tawagin kung sino ang guardian na kasama ni mama.
"Ako" pangunguna ng mama ni Changbin samin.
"Okay na po yung vitals niya. Na-high blood po si Mrs. Yang kaya nawalan siya ng malay. A--ahh huh? di-ba ano?" natigil siya sa pagpapaliwanag nang makita niya si Changbin. Binaba naman ni Changbin ng maigi ang kanyang sumbrero.
"nurse?" pag-interrupt ko sa kanya.
"ah opo, Ito po yung mga prescription niya. Once po na magising siya pwede na po siyang madischahrge."
"salamat" sabi ko sa nurse.
Umalis na yung nurse pero napapatingin parin siya kay Changbin na ikinatawa ko naman.
"Na-starstruck yung nurse kay hyung" nangingiting sabi ni Jeongin kaya ngumiti nalang din si Changbin.
"Umuwi na muna kayo at kumain. Ako na bahalang magbantay sa mama niyo. Tatawag kita Hana pag nagising na si Miriam ha. Changbin, samahan mo na muna sila sa bahay nila." sabay abot samin ng pagkain na mukhang kakaluto lang ni Mama este tita hahaha
"Nako, wag na po kami nalang po ni Jeongin magbabantay, nakakahiya po."
"Anong nakakahiya, ikaw para ka namang iba. Sige na umuwi na muna kayo at kanin niyo tong niluto ko. Saka magpahinga na muna kayo. Ako ng bahala." ang bait talaga ni mama char.
"Sure po kayo?"
"Oo sure na sure. Sige na Changbin." pagtataboy samin ng mama ni Changbin
"Sige po. Thank you po tita. Thank you po talaga."
Pumasok na si tita sa ER para puntahan si mama. Pumunta na kami sa parking kung saan naka-park yung sasakyan ni Changbin at umuwi na muna kami sa bahay namin.