Classmate ko si Changbin nung 1st year high school actually schoolmate ko na siya noong elementary palang kami. Naging sobrang close kami noon hanggang nung nag-2nd year na kami, nagconfess siya at nanligaw. 3rd year hs kami nung sinagot ko siya at yun ang pinakamasayang araw naming dalawa.
Flashback-Year 2015
sa Hallway ng school...
"Babe, mag-aaudition nga pala ako sa JYP."
"Talaga?? kelan yan?" excited kong sabi. Oo excited talaga ako chance ko na yon! haha
"Next week pa naman, sasamahan mo ko?
"Oo naman no. Chance ko na yon para makakita ng ibang idols noh!" tinignan ako ng masama ni Changbin sa sinabi ko.
"di na wag ka na sumama, sa bahay ka nalang."pagsusungit niya.
"hahahahaha, joke lang ito naman di mabiro." tiningnan pa rin niya ko ng masama. ang cute niyang magtampo hihi.
"Babe! joke nga lang ito naman, syempre na sayo ang support ko no, gusto mo paggawa pa kita ng banner agad-agad? hahah"
"Ako lang talaga isusuport mo?" humarap siya sakin.
"Opo, Mr. Seo. Sayo lang ang support ko." with the fighting gesture.
"Okay! tara na at kailangan na kitang maiuwi sa inyo."
Nginitian ko nalang siya at hinawakan niya ang kamay ko. We used to walk pag-uwian na. Yun lang yung matagal na chance namin na magkasama bukod sa breaks at lunch. Sabi ni mama need akong iuwi ni Changbin bago mag 6:30 p.m. Nakipagbargain pa yan, originally kasi dapat 5:00 p.m. nasa bahay nako, inuto niya lang siguro mama ko kaya pumayang na hanggang 6:30 ang curfew ko hahahaha.
"Ano bang sinabi mo kay mama at napapayag mo siya ng 6:30?"
"wala inuto ko lang haha" sinasabi ko na nga ba nauto lang si mama nitong mokong na to
"Ano nga? bakit ayaw mong sabihin sakin?" Tumigil siya sa paglalakad at pinaharap ako sa kanya.
"Sinabi ko lang naman na I want to spend time with you because I love you so much." ewan ko pero kinilig ako ng sobra sa sinabi niya, isipin niyo ng corny pero pagmahal mo talaga nagsabi iba ih. Shet ka Seo Changbin alam na alam mo paano ako mapapangiti.
"Sinabi mo talaga yon?" ngingiti-ngiti kong sabi. Automatic yung lips kong napapasmile ih.
"Oo bakit hindi? eh totoo namang mahal na mahal kita."
"Bakit ang sweet mo ngayon? may ginawa ka no?" pang-aasar ko sa kanya.
"Wala ah. pag sweet may kasalanan agad?" defensive niyang sabi.
"hindi naman haha, I love you"
"I love you more.." He hold my hands and we started walking again until we reached our house.
"Thank you. Ingat ka pag-uwi ha." hawak ko parin yung kamay niya. Parang ayoko ng bitawan.
"Yes, I will. I love you" Nag-paalam na siya at nagsimulang maglakad. Papasok na ko ng gate ng bigla nya kong tawagin.
"Hana!" sigaw niya at pagharap ko ay naglalakad na siya pabalik sakin.
"bakit? may nalimutan ka?" pag-aalala ko
"Oo meron"
"an----"
"yan.....yan, nalimutan ko. Bye I love you!" sabay takbo palayo sa bahay namin.
Hindi na ko nakasagot sa kanya dahil sa gulat sa ginawa niya. Well hinalikan lang naman niya ko. Pero sa lips! Uulitin ko... sa LIPS! normally sa forehead niya lang yun ginagawa or cheeks... first time to na halikan niya ko sa lips. Napakagat nalang ako sa lips ko at pumasok na ko bahay.
