Naiwan kami ni Changbin sa may gate dahil naunang pumasok si Jeongin para ayusin yung pagkaing binigay ni tita samin.
"it's good to be back here."
"oo nga, kailan ka ba huling pumunta dito babe?" napaisip kami kung kelan nga ba siya huling pumunta samin.
"hmm, kailan nga ba? parang after graduation pa yata yon. Tagal na."
"Oo nga ang tagal na." na-interrupt kami sa pag-uusap ng bigla kaming sitahin ni Jeongin.
"Ano reminiscing kayo dyan sa may gate noona at hyung?" tiningnan ko siya ng masama. Naalala ko na naman nung nahuli niya kami ni Changbin na nagkikiss dito sa may gate.
"Che! chismoso ka talaga. Ayusin mo na yung kusina." sigaw ko sa kanya at tinawanan niya nalang ako saka siya tuluyang pumasok sa bahay.
Natatawa-tawa naman si Changbin sa pag-aaway naming magkapatid.
"Pasok na nga tayo babe." At siya pa talaga nag-yaya hahah.
Pumasok na kami at kumain. Pagtapos namin kumain ay ako na nagligpit ng kinainan namin.
"Tulungan na kita babe"
"ako na babe, manood ka nalang don, sige na." pagtataboy ko kay Changbin. Ang kulit kanina pa gustong maglipit pero sa huli ako rin naman nanalo kaya nanood nalang siya sa may sala. Si Jeongin naman ay umakyat para mag-palit ng damit. Pagtapos kong maghugas ay nilapitan ko si Changbin at umupo ako sa tabi niya.
"Babe, thank you ha."
"for what?"
"For staying with me."
Ngumiti siya sakin then he cupped my face and kiss me.
"I love you" sabi niya sakin.
"I love you more.." he kissed me again. Sobrang soft ng lips niya until we heard a munching sounds kaya napatigil kami ni Changbin at hinanap yung tunog. Napatingin ako sa may hagdan at nakita si Jeongin na may dalang popcorn at nanonood samin ni Changbin.
"May popcorn talagang kasama???"
"Oo, ang ganda kasi nung pinapanood ko ih ang title Maglandian tayo."
"Tss. ewan ko sayo"
"In fairness nag-level up kayo ha. Dati dun lang kayo sa labas ng gate, ngayon nandito na kayo sa loob ng bahay palibahsa wala si mama. Baka sa susunod... huh! " may patakip pa siya ng bibig sa reaksyon na. Kung alam mo lang haha. Sa apartment kaya natutulog si Changbin. Magkatabi pa kami hahha.
"Siraulo ka talaga Jeongin" natatawang sabi ni Changbin sa kanya. Lumapit naman siya samin para alukin kami ng kinakain niya.
"Anong number ng school mo? tatawagan ko para i-excuse ka" binigay naman niya ang ID niya sakin para tawagan yung school niya.
"hyung, pano ka nainlove dito?" makaturo tong bata na to putulin ko yang daliri mo ih.
"Don't point at her Jeongin" seryosong sabi ni Changbin na ikinagulat naming dalawa.
"Seryoso ka naman masyado hyung ha ha ha" hahaha kinabahan ang loko
Tumingin pa siya at ngumiti sakin bago sumagot. Kikiligin na sana ako kaso sobrang ayos ng sagot niya.
"Actually, di ko nga rin alam ih. Siguro ginayuma ako nito. Sobrang gwapo ko kasi nung high school kami. Tsaka alam mo laging nakatingin sakin si Hana noon kaya halatang may gusto to sakin noon kaya ayun kinaibigan ko para maconfirm ko and totoo nga. Crush na crush pala niya ko noon saka..AA--ray! Aray ko masakit ha!" hinampas ko siya sa braso niya mga 3 beses.
