Hana's POV
Wala siyang message. Even a call wala. Tinitigan ko lang yung cellphone ko. Bakit di niya ko tinawagan? Kahit text man lang.. Naiyak ako sa iniisip ko. May kasalanan siya sakin pero parang wala lang sa kanya.
----------
Week past and I did not receive a message or a call from him. He must been very busy or he just don't want to talk to me. Arggggghhhh! I don't know anymore. Nandito ako ngayon sa auditorium namin dahil kaming officers ng department ang in-charge para sa event ng sportsfest bukas.
"Double time guys! We have a lot to do especially tomorrow!" Sigaw ng Student Council President (SCP)
"May I remind everyone that tomorrow we will have a big event and big guests. I hope you will put your fangirling at the side first for the sake of the event. Understood?"
"Understood po" sigaw naming lahat.
"Sino po bang guests bukas?" tanong ng isang officer na kasama ko. Sino nga ba ito? Basta siya yung Auditor namin.
"Secret! malalaman niyo din bukas!" pa-thrill naman tong si President. Eenjoyin ko talaga yung event bukas para kahit papano malimutan ko manlang yung ginawa niya.
"Siya! Get back to work!"
Tinapos na namin ang lahat ng aming dapat gawin. Sa stage, sa waiting room, sa buong auditorium, at sa kung saan-saang part pa ng auditorium.
"Good job guys! Especially sa officers ng Broadcasting. So see you guys tomorrow?"
"Yes po. See you!"
Nagpaalam na kami sa mga members ng Student Council.
Lumabas na ako ng auditorium nang biglang tumunog cellphone ko. Kinabahan ako dahil baka si Changbin yung nagtext. Nagmadali akong buksan ang message na natanggap ko kaso na disappoint ako sa nakita ko.
Jeongin: Nooooonnnnaaaaa! Punta ako sa school niyo bukas pwede? Pleasssseee!!! Sige na?! papakabait ako promise!!!!! Please?!!!
Haysss, nakakainis akala ko si Changbin na.
Hana: Bakit ka pupunta dito?
Jeongin: Miss na kita! (ew) HAHA eh kasi diba may idols daw na pupunta?
Hana: Pano mo naman nalaman yan ha? chismoso ka talagang bata ka!
Jeongin: Sige na noooonnaaaa!
Hana: Okay sige pero di kita maaasikaso kasi staff ako sa bukas. Sunduin nalang kita sa gate para makapasok ka.
Jeongin: Noonaaa 2 na ticket ha
Hana: Aba bakit 2?? sino kasama mo? babae? girlfriend mo? bawal ka pa mag-girlfriend!!!!
Jeongin: Noona OA mo, APAKA-OA mo! Si Somi isasama ko.
Hana: Ah okay! Akala ko iba ih. Sige sige 2 ticket bukas. 3pm dapat nasa school kana ha!
Jeongin: Okay! Thank you nooonnnaaa!
Hana: Apakabait kasi may kailangan! galing!