Chapter 6

20 1 0
                                    

Sa school

"Hoy babae!" sigaw ni Seri sakin. Nakaupo na ko sa pwesto ko at siya naman ay kadadating lang.

"Makasigaw?"

"Aga mo ah. Si Hyeri?"

"wala pa, late yun sure ako" paninigurado ko. Totoo naman laging late yung babaeng yun eh ang lapit-lapit lang ng bahay niya.

"Good morning!!!" bati nang isang pamilyar na boses samin. paglingon namin ni Seri..aba maaga ang gaga.

"Wow! congratulations!" bati ni Seri

"Anong nakain mo at maaga ka ngayon girl?" sabi ko sa kanya.

"hmmmmm. inspired lang HAHAHAH" tsk baliw biglang tumawa ng malakas.

"Ay! may chika ako!!" excited niyang sabi samin at hinila kami palapit sa kanya para kami lang ang makarinig.

"sa Sporstfest natin next week may idols na invited!" 

"Weh? sino??" excited na tanong ni Seri. Well excited din naman ako pero di ko papahalata haha

"san mo naman narinig yan" sabi ko kay Hyeri

"Eh kasi kahapon napadaan ako sa student council tas narinig ko na pinag-uusapan nila yun. Malamang sila nag-organize nung invitation kung sino man yung idols na yun"

"So di mo alam kung sino?" dismayadong tanong ni Seri kay Hyeri

"Hindi hahahaha"

"Alam mo bwiset ka talaga!"

Nag-asaran nalamang ang dalawa. Siraulo kasi tong si Hyeri chichismis na nga lang di pa kinumpleto. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti nang matuon naman ang pansin nila sakin.

"Happy ka no?" tanong sakin ni Hyeri

"Oo, nagkita kami ng babe ko kanina" pang-aasar ko sa dalawang single kong kaibigan. Nginusuan lang nila ako saka umirap hahah.

"Congrats di busy si Mr. S-----" tinakpan ko bibig ni Hyeri. Grabe ang daldal talaga nito.

"Subukan mo, ikakalat ko sa school na....."

"Hindi na! Joke lang ito naman!"

Binitawan ko na bibig niya, kadiri hahaha bigla namang nag ring ang bell namin at nag-start na magklase.

----------------

Maaga akong umuwi sa bahay dahil gusto kong magtulog. Ewan ko ba parang lagi akong inaantok. Yung apartment ko ay nasa 2nd floor kasi yung baba ay garage. Pagpanik ko napansin kong bukas ang ilaw sa loob. Kaya nagmadali akong pumasok at nagulat ako na makita na nandun si Changbin.

"Babe?" paninigurado ko na siya nga yung nasa loob. Lumapit siya sakin para salubungin ako ng yakap

"I told you, i'll give you an unlimited hug" hinigpitan niya yung yakap niya sakin.

"Bakit ka nandito? wala ka na bang gagawin? alam ba nila na..." hindi ko na natapos sinasabi ko kasi pinatahimik niya ko gamit ang lips niya. Ang sweet talaga ng kiss niya. 

"ang dami mong tanong babe..." nakangiti niyang sabi sakin

"eh kasi worried ako na baka tumakas ka lang.."

"haha bakit naman ako tatakas ikaw talaga. Tapos na work namin kaya umuwi ako dito. At alam nila na dito ako pupunta" nakayakap parin siya sakin.

"Dito ka matutulog?"

Tumango siya at saka ako binigyan ng kiss ulit.

"Talaga?"

kiniss niya ulit ako

Same trackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon