Anna's POV
Papasok na ako ng kwarto ko nang narinig namin ni mama na sumigaw si Changbin mula sa kwarto niya at dahil chismosa ako lumapit ako sa pinto niya para makinig sa kanila ni future sister-in-law. Saka pala si mama lumapit din para makinig sa kanila.
"Babe ha!"
"S-sorry d-di ko naman alam. I'll wait you outside nalang".Nang marinig namin ni mama yung sinabi ni Hana nagmadali na kami para umalis sa pwesto namin kaso wala namang Hana na lumabas kaya nakinig nalang ulit kami ni mama dun sa dalawa haha.
"Stay here babe" aba may pa-stay here stay here pang nalalaman ang kapatid ko.
"M-mag-short ka na m-muna babe. S-sabihin mo p-pag nasuot mo na"
Nagkatinginan kami ni mama sa narinig at natawa ng mahina.
"Kasalanan mo yan ma, di na tuloy virgin eyes ni Hana!" Bulong ko kay mama
"Bakit di mo pinaalala sakin! Kasalanan mo din sumangayon ka sakin kanina"bulong ni mama sakin.
"Luh? Malay ko din naman ba ma. Ano kayang nakita ni Hana ma?" Nagkatinginan kami ni mama sabay nanlaki ang mga mata namin sa naisip namin haha pero actually di ko alam kung pareho nga kami ng iniisip ni mama haha.
"Sira ka talaga! Napakagreenminded mo" sabay batok sakin ni mama pero mahina lang naman.
"Wala naman akong sinasabi ah Ma?"
"Alam ko na nasa isip mo anak"
"So ibig sabihin pareho tayo ng iniisip Ma? hahaha""Baka gusto niyo naring pumasok?" Biglang sita samin ni papa kaya napaayos kami ni mama
"Hon, hayaan niyo na yung dalawa mag-usap. Hay nako kung anu-ano na naman siguro nasa isip niyo"
"Eh kasi pa, biglang sumigaw si Changbin ih nacurious lang kami ni mama"
"Hays, kahit na give them privacy. Malaki na si Changbin he knows what he is doing."
Nagkatinginan nalang kami ni mama kasi napagalitan kami ni papa. Bigla naming narinig yung door knob ni Changbin kaya tumakbo ako sa sala at si mama sa kusina naman tumakbo. Paglabas nung dalawa napatingin kami ni mama sa kanila tas saka kami magtitinginan ni mama at kita sa mukha nila pagtataka bakit kami nagtitinginan ni mama.
Hana's POV
"Ah? Anong meron Ma? Noona?" Tanong ni Changbin sa kanila.
"Ha? A-ah w-wala. Tama, wala diba Ma?"
"A-ah! O-oo wala"sabay ngiti samin ng mama ni Changbin. Weird. Something is going on. I'm sure.
Tinaasan niya ng kilay si Anna unnie pati si tita.
"Okay sabi niyo ih."
----------------------
Hinatid na ako ni Changbin sa amin after maglunch. Habang nasa sasakyan kami napansin ko na malalim iniisip niya."Babe, tingin mo narinig tayo nila noona kanina?"
"Ahh? I'm not so sure bakit babe?"
"Ang weird kasi nila kanina paglabas natin ng kwarto napansin mo ba?"
"HAHAHA, hanggang ngayon yan pa rin pala iniisip mo" natatawa kong sabi sa kanya kaso di siya natawa.
"Sorry babe" pag-sorry ko sa kanya kasi inirapan niya ko haha
"Eh ano naman babe kung narinig nila tita?"
"Luh! Syempre nakakahiya no"
"Eh kasi ikaw di ka nagshorts ang lamig-lamig yun lang suot mo"
"Komportable kasi matulog pag nakaganon lang saka nasa bahay lang naman ako no."
"So ibig sabihin pag naka pajama ka sa apartment ko di ka komportable??"
"Wala akong sinabing ganyan babe.... ikaw ha... gusto mo kong matulog sa apartment mo ng naka-boxer lang ha"
pang-aasar sakin ni Changbin."Hoy hindi ah. Nagtatanong lang ako. Isip mo babe! Madumi"
"Hahah, biro lang sungit mo naman. Syempre komportable ako ang ibig ko lang sabihin MAS komportable ako pag yun ang suot ko sa bahay namin. Okay babe?"
Pag-claclarify niya sa sakin haha nag-explain talaga HAHAHA
"Okay-okay! Bakit ba boxer pinag-uusapan natin?" Natawa nalang kaming dalawa sa topic namin.
Nakarating narin kami sa bahay namin. Hindi ko na siya pinababa ng saksakyan.
"Wag ka ng bumaba babe, go home at have some rest okay?" Tumango siya sakin.
"Okay, I love you!" Sabay halik niya sakin.
"I love you too" bumaba na ako ng saksakyan at saka dumeretsong pumasok sa bahay. Siya naman ay nagdrive na paalis.
