AFL 05

3.9K 302 209
                                        

First day pa lang, palpak ka na, I thought, restating his last words yesterday before he left.

Either it was a challenge or he was disappointed na ang bagal kong kumilos, hindi ko rin alam. But I took it as the former.

Challenge pala gusto n'ya, then fine. I'd make him mark this day as the official beginning of my Mission Kabaklaan ni Kael a.k.a Mission Kabaklael.

Gumising ako nang sobrang aga para magluto ng ulam na walang sariling timpla. I cooked Tinola for our breakfast.

Matapos kong magluto, nagpahinga lang ako sandali at naligo na rin. I need to look and smell good for my plan.

I rummaged in my closet for my pair of red fitted spaghetti tank top and fitted short shorts. Nagpaddings na lang ako dahil hindi magandang tignan na kita ang bra ko, that won't do the trick.

When I was all dressed, nagpabango ako. Naglagay din ako ng konting liptint para hindi ako maputla at tinignan ko nang maigi ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto.

Saktong paglabas ko nang lumabas din s'ya sa kwarto n'ya.

"Good morning, Kael," bati ko sabay lapit sa kinatatayuan n'ya.

Halos mabali ang leeg ko sa pagtingala because of his towering figure.

Yumuko s'ya para tignan ako nang nakakunot ang noo. "You already took a shower?"

"Oo, bakit? Dapat ba sabay tayong naligo? Sana sinabi mo kaagad, naghintay sana ako." I giggled.

Jusko, tayuan ka please.

"And why the hell will I take a shower with you?" mataray na tanong n'ya.

"Bakit ka kasi nagtatanong kung naligo na kaagad ako?" malanding usisa ko habang iniikot sa hintuturo ang buhok ko.

"Because I'm going to ask you to fry a chicken for me. I'm craving for it. Maamuyan ka kaagad, that's why I asked."

Deputa.

"Aray ko," bulong ko nang mahatak ko bigla pababa ang hintuturo ko sa pagkadismaya.

Ramdam ko ang pagtanggal ng ibang hair strands ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"Bakit mo kasi ipapaikot ang buhok mo sa daliri mo?"

"Don't worry, hindi naman ako nashaktan ih. But thanks for the concern, ha?" kagat-labing sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"I couldn't care less kung nasaktan ka o hindi, what I cared for were the strands of your hair that I am seeing now on my marble floor. Walisin mo 'yan, narurumihan ako," sabi n'ya at umalis na sa harapan ko.

Wala akong ibang naging reaksyon kundi bumuntong-hininga sa mga sinabi n'ya. At gaya ng utos n'ya, winalis ko kaagad ang mga buhok kong nagkalat sa lintek na marble floor n'yang bakla s'ya.

"Gusto mo ba lagyan ko pa ng breading 'tong Chicken o hindi na?" tanong ko habang tinitimplahan ang Manok.

"Nah. You don't have to," sagot n'ya.

"Nah. You don't have to."

"Did you just mimic my words?"

"Ay, hindi," I lied. "Gusto mo ba ng kape?" pag-iiba ko ng usapan.

"Sure. But I'm very particular with the taste, so let me teach you how to prepare my coffee."

Bakit hindi na lang ikaw ang magtimpla kung gano'n lang din naman?

"Sige," tipid na sagot ko at nilamas nang pagkadiin-diin ang manok na hawak ko.

"What are you still doing there? Kunin mo na lahat ng kakailanganin mo para magtimpla ng kape ko," he commanded.

A Far-fetched Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon