AFL 02

5.4K 307 212
                                        

The job wasn't as demoralizing as I thought it was, so I didn't wobble when Mr. Matteo handed me the contract and stroked my pen on the bottom part of the sheet.

Hindi ko na kasalanan kung kailangan ko talaga ng pera pang sustento sa pag-aaral ko. All I could think of that time was that it was a perfect ticket to attaining my visioned Psychologist self three to four years from now.

I have no parents to finance my needs nor a closest good-hearted relative to lend me a hand. Anak ako sa labas ng parehas kong mga magulang and as a typical child conceived out of wedlock, none of my parents' spouses chose to bestow me a lodging. I was unwanted.

'Yong kaisa-isang tao na tintrato akong parang anak, nawala pa. And there was no way for me to bring my Lola back. It has already been three months since she died and I knew she wouldn't want me to live my whole life mourning over her death, kaya kinakaya ko.

All that she had left for me was the house where I was roofing my existence and a middlingy amount of money for my daily subsistence. Kaya kailangan ko talaga ng trabaho.

"Sure ka ba sa papasukin mo, Mon-mon?"

I snapped out of my drama when I heard my best friend, Cheska, ask me the same question I had been grilling myself with at first.

"Sure na to, Kai," sagot ko. "Saang lupalop naman ng mundo ako makahahanap ng trabaho na may gano'n kalaking bayad, 'di ba? Saka two months lang 'to, two months," I went on while packing my clothes.

"Two months nga, pero paano 'pag na-fall ka? Marupok ka pa namang hayup ka." She crawled on my bed and gave me a knowing look.

"Ay, wow. Share mo lang?" Hinampas ko 'to ng damit na hawak ko at agad naman itong umiwas.

"Bakit, hindi ba?"

"Kunin mo na lang 'yong mga panty ko sa sampayan sa labas baka hindi kita matantya," utos ko sabay tulak dito paalis sa kama.

Marupok? Ako? Myghad. Marupok ba akong matatawag? I thought to myself as I watched her walk her way out of my room.

"Shimon, alam ko masyadong maaga para rito at wala pa akong isang buwan na nanliligaw sa 'yo. Pero sana payagan mo na akong maging boyfriend mo. I swear, liligawan kita araw-araw 'pag sinagot mo na 'ko."

"Why not."

Pagiging marupok bang matatawag 'yan? Naging considerate lang naman ako sa manliligaw kong 'yan noong highschool kami. I was young and foolish to begin with, so I doubt na marupok ako.

"Will you be my pseudo girlfriend to make my ex-girlfriend jealous? Your beauty can definitely trigger some jealousy in her."

"Sure, kailan natin sisimulan?"

Sinubukan ko lang naman tumulong no'n, pero hindi ko in-expect na ang ending ako pala ang magseselos kasi nagkabalikan sila. He solely made use of my beauty, gaya ng napag-usapan. Bukod sa sakit na natamo ko, instant kaaway na rin dahil ang dami pa lang tropa ng gagang ex-gf ng kumag na 'yon.

"Ibenta mo na 'yong bahay niyo, Shimon."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi pwede ka namang tumira sa puso ko."

"Hala. Parang tanga 'to, pero pag-iisipan ko, ha?"

A Far-fetched Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon