They say women, being born with a complex mind, were the hardest to understand and the most complicated to deal with, but I beg to differ. Kael, being the most palpable reason for me to vary.
The next day came and he continued ignoring me. Hanggang sa pumasok na lang s'ya sa trabaho, para lang akong hangin. Hindi ko maintindihan kung mababaw ba s'ya o sumobra talaga 'ko, to think my banters were nothing compared to him, making fun of my chest frame.
Pero bahala na, sabi ko sa sarili ko nang matapos akong makapagayos mula sa pagiging fitness buff kuno ko. Good thing that my F.I scheduled for an earlier training, I could push through with my plan.
"Good morning, Ma'am," the lady from the information desk greeted me. "May I know with whom you set an appointment?"
I smiled at her. "I'd like to meet with Mr. Mikael Salazar."
"Your name po?"
"Shimon Vasquez."
"Upo po muna kayo, I'll just call his secretary."
Sinunod ko naman kaagad ito at ipinatong sa lap ko ang niluto kong lunch para kay Kael. Kung 'di n'ya ko papansinin, gagawa ako ng paraan.
"Ma'am," tawag sa 'kin ng babae na medyo dismayado ang mukha. "His secretary told me that he's not expecting anyone nor accommodating anyone without setting an appointment with him."
I knew it, I mumbled in my mind.
Ngumiti ulit ako. "Is Mr. Matteo around?" He's my last resort.
"Yes, Ma'am," she beamed. "Would you like me to call his office, to let him know that you're here?"
Tumango lang ako at agad naman itong tumawag sa opisina ng papa ni Kael.
"Nag-away ba kayo?" bungad sa 'kin ng Papa n'ya pagkarating ko sa opisina nito.
"Opo," nahihiyang sagot ko.
"Ano'ng ginawa ni Kael sa-"
"It was my fault, Sir," I said, cutting him to the chase. "Napikon po s'ya sa 'kin."
To my surprise, he bellowed with laughter. Kaya kunot-noo ko 'tong tinignan.
"Bakit po?" usisa ko.
"That's why you're here, para mag-sorry?" he asked, amused, and I nodded. "Then come with me," dagdag pa nito.
After a short while, I saw myself staring at Kael's scowling face.
"How dare you come here unannounced!" sigaw n'ya.
"Gaddiel, attitude," his father said.
Napaayos s'ya bigla sa pagkakaupo at bahagyang nawala ang kunot sa noo.
"Sorry," sabi ko na lang.
"Who told you to come here?" tanong n'ya.
"Wala." Ibinaba ko ang tingin ko sa sahig.
"Then why are you here?"
"Mag-so-sorry, at saka dinalhan kita ng lunch." Inabot ko sa kanya ang paper bag na hawak ko, pero tinabig niya lang.
"I can buy my own meal. You can go now and take that pack of trash with you."
"No, she's staying," Mr. Matteo announced. "It's almost lunch, why don't you join us, iha?" he added, fixing his gaze at me.
"No, she's leaving." Kinuha n'ya ang wallet n'ya sa bulsa at naglapag ng pera sa lamesa. "Take a cab and go home," dagdag pa n'ya at tumayo na.
"No one's leaving. Tara na, sabay-sabay na tayong kumain," sabi naman ulit ng papa n'ya.
BINABASA MO ANG
A Far-fetched Love ✓
RomanceGay series #1 (GayxGirl): Mikael Gaddiel Salazar & Shimon Vasquez / Kael & Mon-mon There are no right or wrong formulas, or one-size-fits-all instructions, or low or high standards in loving someone. Because when someone loves someone, what that som...
