AFL 21 ✓

3.5K 245 56
                                        

"Ano'ng gusto mong dinner mamaya?" I asked while we were in the middle of our breakfast.

"Fried chicken," he plainly replied without even looking at me.

"Favorite mo talaga chicken, 'no?"

"Yes, do you have a problem with that?"

"Wala."

"Then shut up and eat."

Tumahimik na lang ako sa bwisit ko, hanggang sa natapos kaming kumain at kanya-kanya na kami ng ayos para sa pagpasok sa work.

"Fix my tie," narinig kong sabi n'ya paglabas ko ng kwarto.

Napatingin muna ako sa oras at pasado alas nueve na. I couldn't be late for work.

"Bakit late ka na yatang napasok nitong mga nagdaang araw?" I asked while fixing his tie.

"None of your business."

Hinigpitan ko ang pagkakaayos ng necktie n'ya dahil sa sagot n'ya.

"What the fuck?!" he yelled, as he let out a cough. "Why did you do that?!"

"Ayaw mong sumagot nang maayos, eh."

"Kasi wala ka na ro'n."

"Fine," sagot ko at umalis.

But I hadn't walked that far when to my dismay, he did it again.

"My tie, fix it." He threw the tie in my direction.

Sasabihin ko pa lang sana na 'wag na n'yang tanggalin ulit at wala akong oras na. "Tanggalin mo ulit, ha?" I sarcastically said.

"Ok," aniya. "Ayusin mo na ulit, kasi sabi mo tanggalin ko ulit, 'di ba?"

Naramdaman ko na lang na nakasabit sa balikat ko ang tie n'ya. I had no choice but to fix it again.

"Kael, please lang. Ma-le-late ako. Kaya tara na, sabay na tayong bumaba."

"Fine. Bukas na lang ulit."

The moment we reached the lobby, we separated ways. He went to the parking lot and I went to the terminal to grab a ride.

Nang makarating ako sa school, dumerecho na 'ko sa unang klase ko. Late na 'ko kung ilalagay ko pa ang mga gamit ko sa faculty room, so I brought them with me.

We were in the middle of our discussion when my phone rang. Nahiya tuloy ako sa mga estudyante ko dahil sinabihan ko silang i-silent or i-vibrate ang phone nila during class hours, tapos ako 'tong hindi.

"Sorry." I mumbled and took my phone.

Nagulat ako to see Kael's name on my screen, he's calling on messenger.

Kailan pa nagkaroon ng messenger 'to? tanong ko sa sarili ko bago nag-excuse sa klase.

"Sasagutin ko lang, importante. Excuse me," sabi ko sa at pumunta sa likuran.

"Kailan ka pa nagkaroon ng messenger?"

"None of your business."

"None of your business pala, ha? Fine, I'll hang up-"

"It took you thirty seconds to answer, make it quick next time."

"Nasa klase ako malamang! Kaya sige na, ibaba ko na 'to. Mamaya ka na lang ulit tumawag."

"I will call whenever I want."

"Ewan ko sa 'yo. I-e-end ko na 'tong tawag. Nakakahiya sa mga estudyante ko."

I ended the call right away and went back to the front.

Ilang sandali lang nag-chat kaagad s'ya.

A Far-fetched Love ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon