How do men make women fall for them? Gano'n kadalasan ang tanong. Pero sa pinasok ko, how do women make gay men fall for them? ang pasok na pasok sa banga. And how? Hindi ko rin alam.
Halos hindi ako nakatulog kagabi kaiisip kung paano ko sisimulan ang trabaho kong paglandi kay Kael. Nandoon na nag-research pa ako, but I ended up calling my best friend kasi minsan na 'tong nanligaw sa ex-boyfriend na nito ngayon.
"Una, 'wag kang magba-bra. Ipagmalaki mo nipples mo, ghurl! Ewan ko na lang kung hindi pa magising pagkalalaki ng Salazar na 'yan."
Kaso una pa lang, palpak na. Kasasabi ko lang kay Kael kagabi na dalagang Pilipina ako, tapos makikita n'ya akong ipinangangalandakan ang nipples ko habang rumarampa sa condo n'ya? Shutangina, no.
"Pangalawa, wear something fitted mula ulo hanggang paa para kita ang curves mo. And when I say curves, baks, kasama ang v-shape sa ibaba. Para seductive."
Pati pangalawa palpak. 'Yong fitted top pwede ko pang patulan but not the bottom clothing.
"Pangatlo, since walang banyo sa kwarto mo, pagkatapos mong maligo make sure na makikita ka n'yang narampa nang nakatapis. Tapos tanggalin mo bigla, kunwari aksidente."
Kung hindi ko lang kailangan ng tulong kagabi, malamang binabaan ko na 'to ng tawag. Sinong matinong babae naman ang gagawa n'on, nagmukha pa akong tigang na sex ang habol sa kanya.
"Pang-apat, lutuan mo ng Soup No. 5 nang mag-init si bakla. Tapos buntisin mo na."
Nagkalimutan pa yata kami kung sino ang babae sa amin ni Kael at ako pa ang nasabihan nitong mambuntis sa kanya. But I'd give cooking a second thought, pero hindi aphrodisiac soup ang lulutuin ko.
"Pang-lima at pinakahuli sa lahat, be yourself. Oh, matino 'to sa lahat pero 'di ko sinasabing 'di matino 'yong iba. Syempre matino 'di ba? Galing sa 'kin, eh. So, ayon nga, be yourself, Mon. A lot of men handily fell for you because you're as genuine as... as a penguin. Para rhyming."
Ito talagang gagawin ko. I'd be myself. Hindi ko naman siguro kailangan baguhin sarili ko para lang mabago ang sexual preference ni Kael. Gaya ng sabi ni Cheska, maraming nagkagusto sa 'kin because I'm as genuine as...as a penguin, kahit walang konek basta masarap pakinggan kasi rhyming.
Huminga muna ako nang malalim at inayos ang pantulog na suot ko bago ako lumabas ng banyo. Katatapos ko lang mag-toothbrush at maghilamos. Since weekday ngayon at Saturday and Sunday lang ang MA ko, I have all the time to work on Kael. Kahit may work siya at aalis na rin maya-maya, ayos lang din.
Dumerecho ako sa kusina para magluto ng breakfast naming dalawa. Bacon, ham, hotdog, and rice ang naisipan kong lutuin gaya ng tipikal na kinakain 'pag almusal.
Ilang minuto matapos kong magluto may narinig na akong bumukas na pintuan. Kaya dali-dali akong umupo sa isa sa mga upuan sa bar area ng unit n'ya.
I don't know what came after me, that the moment I sat there--I pulled down my shirt's neckline to make my cleavage visible. Tapos nag-bend ako pababa para kita talaga. Nakaunat na ang mga braso ko habang nakahawak ako sa tuhod ko.
"Good morning, Kael," bati ko sabay ngiti nang malawak. Sabi kasi nila maganda raw ngiti ko, killer smile.
"What are you doing?" he snapped. He even arched his left brow.
Vaklang toh!
"What do you mean?" Pinungay-pungay ko ang mga mata ko para seductive.
"'Yan." Tinuro niya pa ako na may bahid ng pandidiri sa mukha.
Pwede makisakay ka na lang? Kasi 'di ko rin knows ba't may pa cleavage ako today.
"Alin?" Nag-bend pa ako lalo pababa.
BINABASA MO ANG
A Far-fetched Love ✓
RomanceGay series #1 (GayxGirl): Mikael Gaddiel Salazar & Shimon Vasquez / Kael & Mon-mon There are no right or wrong formulas, or one-size-fits-all instructions, or low or high standards in loving someone. Because when someone loves someone, what that som...
