31. Antagonist...NOT

8.8K 113 4
                                    

Kung hindi lang tumawag si Katy, hindi ako gigising.. Should I really stay here? Halos 1 week na ring ganito ang buhay ko... Nagkukulong sa kwarto. Lalabas kung wala si Carin... It's not that I hate her, hindi lang ako handang humarap sa kanya.

I don't know if she notices it pero I prefer it this way, ang hindi kami magpang-abot. Halos 1 week ko na ring hindi masyado nakakalaro si Bella. Nakiusap sa akin si Brent na hayaan muna ang mag-inang magkasama..

Speaking of Brent, madalas rin syang wala dito sa bahay. I don't know what's up with him. Call me pathetic but somehow, umaasa ako sa sinabi niyang "pls stay" but how will I stay kung ganitong wala akong nakikitang action from him...


 --------------------------------> ITSURA NI YELEINA HABANG NAGMUMUKMOK AT EMO. 


Hindi sa iniipit ko sya, pero hindi naman maganda kung ganito na lang ang sitwasyon diba? The ex-wife and the current girlfriend living together with a common denominator? Naidaldal kaya ni Bella at ng mga katulong kay Carin ang tungkol sa amin? I hope not.

Gusto ko pang intindihin si Brent... Kaunti na lang ang natira sa pasensya ko but I have to endure this.. It may be hard for Brent, for us three but I won't give up this easy.

Fighting Yeleina. Fighting!

Kyaa!!!!!!!!!!!!!!! Nakakainis. Maloloka na ko. Para kong tanga dito sa kamang kong nagmumukmok. Brent naman kasi eh! Make me feel naman na I should stay. Hindi kaya mahal pa talaga niya si Carin at hindi lang niya ako matapat? wahhhh!!!!!!!! I'm going gaga and insane!

Makababa na nga. I  gotta keep moving. I need a decent person to talk to, I should go to Katy. Siya na talaga ang ginawa kong dr.love.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto para masigurado kong walang makakakita sa akin. Mapapaalam naman ako kay manang ng maayos eh. Tsaka saglit lang naman ako, Sasamantalahin ko lang lumabas habang wala si Carin dito. 

After talking to manang, dumiretso ako sa garage ng mga kotse.. Pero asan na yung kotseng pinapagamit sa akin ni Brent? grrrr! Mkabalik nga muna sa loob!


"Manang, nakita mo ba yung kotseng-----------"


"Hi Lian, yung kotse bang red? Sorry ginamit ko pero na-ipark ko sa kabilang garage.. Kukunin ko na lang."


"Ikaw pala Carin. Sige ako na. Wag ka na mag-abala. Sige bye." sabay ngiti at talikod sa kanya.. Relax Yeleina, Nothing's gonna happen. Maayos ko naman syang pinatunguhan diba?


"Teka Lian... Pwede ba tayo mag-usap sandali?"

LOVE or LUST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon