23. Have you moved on?

9.5K 123 9
                                    

(I LOVE THIS DAY! SOMEONE WHO USED TO BE SO IMPORTANT TO ME CALLED UP! :)) WALA LANG. SHARE KO LANG. HEHE)

Ang sarap ng nilutong grilled chicken teriyaki ni Lian kagabi. I really loved its juiciness. Kaya naman pala may mga pula pula ang mga kamay at braso niya. Her hands got burnt siguro para lang ipagluto ako ng paborito ko..

She doesn't need magpakapagod dahil andyan naman sila manang but I really appreicate her effort.

She will make a good wife for sure.. 

Darating ang friends ko tonight. Little get together lang, pa-despedida namin kay Kris na aalis abroad. Ewan ko ba at dito sa bahay ko nila naisipang gawin yung party.

Binulahaw ko tuloy sila manang para magluto ng makakain at maihanda yung mga iinumin namin.

Buti at maaaga natutulog si Bella at least she won't have to see me and my bunch of friends drinking. Ayoko naman maging bad influence sa sarili kong anak.

"Love, do you want me to make grilled chicken teriyaki again? It's your favorite"


"Okay lang Love but kung mapapaso ka lang ulit then better not.."


"No, Love. I can manage. Ako pa. So seat back and relax, kami na bahala nila manang and yaya maghanda para sa party tonight."



I'm sure magugustuhan din nila Jude ang lulutuin ni Lian. Really the best chicken teriyaki in town! I'm drooling. 

Naiset-up na ang mobile bar at naihanda na ang isang malaking mesa na gagamitin ng buong barkada. Parating na rin siguro sila. Everything is set and ready for Kris' despedida.

******************

Okay na sana yung mood ko eh. Pero kay Kris pala itong despedida party!

Sana nga hindi na sya bumalik. Kaya sige talagang mag-party tayo dahil sa wakas aalis na sya! Ilang txt messages din ang pinadala niya kay Brent. Syempre nabasa ko naman. Ang landi ng echuserang frog na yun!

Nagdatingan na ang mga kaibigan ni Brent and isa isa ko silang binati.

He really has a good bunch of friends except for the frog na halata namang hindi ako gusto...

"Hi Lian... I enjoyed your food. Magaling ka pala magluto. Anyway, bagay sayo. You look like someone who belongs to stay in the kitchen" Nakasunod pala saking ang bruha! Pumunta kasi ako dito sa kitchen to get the desserts.

LOVE or LUST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon