MAS MAHAL KITA
"Hay nako Vince, tigil-tigilan mo ko diyan sa paglalambing mo." Akala niya siguro madadaan niya ko sa lambing niya.
"Akala mo siguro hindi ko nakita na kausap mo 'yong mistisang babaeng 'yon kanina. Naku! Pasalamat talaga kayo at may inutos sa akin si ma'amm kanina!" Lumapit naman siya sakin at nagpacute.
"Porket alam mong mahal kita sinasamantala mo na. Hindi p'wedeng excuse 'yang kagwapuhan mo. Hindi mo ako madadaan sa ganiyan." Mas lumapit siya sakin at niyakap ako. No Evon! Huwag kang bibigay.
"Huwag mo kong mayakap-yakap diyan kapag galit ako." Tiningnan ko naman siya at tila nagmamakaawa. Bwisit oo na! Ako na marupok bakit kasi ang cute mo!
"Oh, hindi ka makapagsalita kasi tunay diba? Pasalamat ka mahal kita."
"Mas mahal kita."
"Asus eh baki-- Vince! What are you doing here?!"
"Inutusan kasi ako ni mom na dalhin dito 'yong adobo then..."
"Na-narinig mo?" Kinakabahang tanong ko. Peste ba't ba ang ingay ko eh kapitbahay ko nga lang pala 'tong pinagpapantsyahan ko.
"Yes, Narinig ko lahat." Namula naman ako at napayuko sa hiya.
"Tara na?" Yaya nito sakin kaya napakunot ako.
"Saan?"
"Kay mommy ipapakilala na kita. Let's make it real Evon and stop talking to that dog, baby nagseselos na ako. Lagi ko na lang naririnig na kausap mo siya as if he's me."
After that ay hinigit niya na ko. Waaahh this is it! Wait me there my future mommy. Btw thank you doggie.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!