ART 27

3 0 0
                                    

SAYAW

"Excited kana ba para sa party mamaya?" masaya mong tanong ngunit may bahid ng lungkot.

"Oo naman. Ikaw ba?" Pagak kang napangiti at napakamot sa ulo mo.

"Wala kasi akong isusuot," nahihiyang mong sabi.

Gumawa ako ng paraan para may maisuot ka. Ipinanghiram kita sa tito ko ng mga kasuotan na pang-party para may magamit ka dahil gusto kong makasama ka sa mahalagang gabing 'yon.

"Shena, nasa labas na ang boyfriend mo," malamig na saad ni Mama. Alam naman nating dalawa na ayaw sa iyo ng mga magulang ko dahil sa estado mo sa buhay.

Noong gabing 'yon ay sabay tayong pumunta sa Grand Ball ng school habang masayang nagkuk'wentuhan sa loob ng tricycle na sinita mo pa para sa ating dalawa.

"Maaari ko bang isayaw ang napakagandang binibining ito?" nakangiti mong sabi kasabay ng paglahad ng iyong kamay sa harap ko.

"Ikaw talaga." Marahan kitang pinalo at tinanggap ang iyong imbitasyon.

Masaya tayong naglakad patungo sa dancefloor. Ikaw ang kauna-unahang taong nagsayaw sa akin. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa iyong balikat habang ang iyo nama'y nakapulupot sa aking bewang.

No'ng gabing iyon ay hindi mo hinayaan na may ibang lalaki na magsayaw sa akin. Hindi ka umalis sa tabi ko. Hindi mo ako iniwanan. Buong gabi tayong nagsayaw. Hindi nagsawa sa isa't-isa at 'yon ang hindi ko malilimutang sayaw sa aking buhay.

Lumipas ang panahon at madami tayong pinagdaanan. Maraming humusga sa atin dahil hindi daw tayo bagay. Sabi pa nila ay wala kang mararating sa buhay at wala akong mapapala sa iyo.

Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay nanatili akong bingi at bulag sa sinasabi ng iba.

Araw-araw mo akong hinahatid at sinusundo, alintana ang layo ng uuwian mo. Lagi tayong magkasama. Gigisingin kita kapag nakakatulog ka sa klase. Tutulungan kapag nahihirapan sa mga projects mo dahil ayokong bumagsak ka.

Hanggang sa tumaas na ang mga grado mo, nando'n ako. Nandoon ako sa bawat achievement na nakukuha mo at ganoon din ako.

Hanggang sa wakas ay nakapagtapos tayo na tayo sa kolehiyo. Kapwa na natin natupad ang ating mga ambisyon.

Punong-puno ng otoridad kang naglakad papalapit habang pinapantasya ng mga kababaihan. Tindig na tanda na isa kang tao na dapat igalang.

Maligaya akong pinagmasdan ka hanggang sa tumigil ka sa harap ko.

"May I have a dance to this beautiful lady?" nakangiti mong sambit kasabay ng paglahad ng iyong kamay.

"Ikaw talaga." Marahan ka niyang pinalo at hinawakan ang iyong kamay.

"Maiwan muna kita ate, sayaw lang kami."

"Sige," tugon ko sa kapatid ko na noon pa ma'y may gusto na pala sa 'yo.

Kita ko kung paano mo hinapit ang bewang niya at halikan sa noo.

Ang sakit palang makita na nandiyan ka at nandito ako. Hindi ko alam na darating ang araw na iba na ang isasayaw mo at hindi na ako.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now